"Embrace reality. Keep the memories of those you have lost. Continue and move forward." *** Mabibigat ang mga paa ni Leona habang magkahawak-kamay sila ni Aries na lumabas sa loob ng Justice Hall. Kasunod nila sa likod sina Baron at Reina at ang mga anak nito. Naglalakad ding kasabay nila ang walang imik na si Giordani. Mukhang malalim din ang iniisip ng binata. "Sa susunod na lang ulit, Sir." Huminto sila sa paglalakad nang magsalita si Baron. "May susunod pang mga hearing pero sisiguraduhin po naming makakadalo kami." Tumango si Aries at pilit na ngumiti. "Mag-iingat sana kayo sa pag-uwi." "Maraming salamat po sa inyo," baling ni Leona sa mag-asawa. "Lalo na sa 'yo, Queenie, napakatapang mong bata." Sulyap niya sa dalagita na nakayakap sa braso ng ama. Ngumiti lamang ang dalaga. "L

