Dumating na sa wakas ang araw na pinakahihintay nila. Ang unang hearing na dadaluhin nila sa korte. Sa pagpasok pa lamang, napansin na nina Leona at Aries ang dami ng tao. Gayunman, pili lang ang pinapapasok sa loob ng courtroom. Lumingon sila nang makita ang pamilyar na bulto."Kina-usap na ni Atty.Rivera ang mga batang witness sa kabilang kwarto. Lalabas na lang daw ang mga bata kung pinapatawag na sila," bungad ni Giordani sa kanila na dumalo rin sa Hall of Justice. Kagagaling lang ng Inspector sa kabilang silid na katabi ng court room. Tumango si Leona. Alam niyang wala dapat ikabahala. Kasama rin nina Queenie, King, Pharaoh, at Prince ang kanilang mga magulang, at ligtas sila sa waiting room. "Mabuti pa, pumasok na kayo sa loob. Nandoon na ang abogado n'yo," bilin ni Giordani sa mag

