-As the emotional fog begins to clear, the loss feels more real. *** Sa gunita ni Leona, kahit lumisan na si Lilibeth at muling rumagasa sa ulan pauwi, nakikita pa rin niya ang hagulgol at pagmamaka-awa nito kanina. Hindi niya binuksan ang ilaw ng k'warto, sa halip umasa siya sa mapanglaw na liwanag ng alikabuking lamp shade. Nakatunganga siya sa bintana, pinapanood ang bawat pagpatak ng ulan sa makulimlim na kapaligiran. Dinala siya ng unos sa nakaraan at binigyan siya ng iba't ibang diwa. Sinabi ng bata na kung ipagpapatuloy niya ang pagpapakulong sa pamilyang Soterios, maaaring mawarak nang tuluyan ang pamilya nila, at dalhin siya ng komunidad sa bahay-ampunan. Bumalik ang ala-ala niya sa itsura ng Angels League Charity for the Children. Parang sa harapan niya'y nakikita pa niya a

