At nanghilakbot si Luisa sa nakita.Ang ate niya ay
nakatalikod at nakakapit sa headboard ng kama at si
Matt ay nasa likuran nito at atras abanteng nakapikit
habang nakahawak sa dalawang dibdib ng ate niya na
nakatalikod habang nakapikit at parehas umuungol.
"Mga put*ng in* nyooooo!!!"
Dumagundong ang namamaos at halos hindi makala-bas na boses ni Luisa sa buong silid at nagulat ang kanyang ate at dali daling nagtakip ng kumot at hindi nakaligtas sa paningin niya ang matinding pagkapa-hiya nito sa kanya.Si Matt naman ay balewalang nagbi-his lang.
"Mga baboy kayoo00! Baboyyyyy!!!!"
Hindi siya nakatiis at dinaluhong niya ang kanyang
ate at pinagsasabunutan ito.Kaagad naman siyang ina-wat ni Matt dahil nakalupasay na ang kanyang ate
sa baba na wala namang balak na gantihan siya.Hawak hawak siya sa bewang ni Matt habang nagsisisigaw siya.Lumaganap narin ang ilaw sa buong sala dahil nagising lahat ng katulong. Pagkatapos ay mag asa-wang malalkas na sampal na walang humpay ang ipi-nagkaloob niya kayMatt.Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang kanyang lakas ng mga sandaling iyon.Ilang kalmot at sampal ang inabot sa kanya nito at hinayaan lang siya sa mga ginagawa niya.
Nang mapagod ay napalupagi siya sa lapag. Nangingi-nig ang mga kalamnan sa galit.Ang ate niya'y nakaba-lot ng kumot at walang humpay sa kakaiyak.
"Ano ang ginawa ko sa iyo?Sa inyo?Upang suklian nin-yo ako ng ganito???"Mababa na ang kanyang boses. Malungkot at nanunumbat ang kanyang mga mata na
nagsasalimbayan ang kanyang tingin sa dalawang nila-lang na parehas mahalaga sa kanya.
"Ikaw! Minahal kita!Bakit?Bakitttt? Ano ang pagkuku-lang ko na ultimo kapatid ko ay hindi mo pinatawad?"
Seryoso lang si Matt na nakatingin sa kanya.
"Ang kapal ng mukha mo! You!both of you get out of my sight and get out of my lifeeeeee!!!."Nanggigupus-
pos na sabi niya sa dalawang tao kung matatawag mo ngang tao ang mga ito.Noong sandaling iyon ay hindi na tao ang tingin dito ni Luisa kundi mga baboy.
Kanina pa siya sa ganoong ayos ay tila wala siya sa
sarili.Galit na galit siya pero nakapagtatakang ni isa
mang luha ay walang tumulo sa kanyang mga mata. Kahit kaninang nagalit siya ay ganoon din.Nag iisa na talaga siya mula ngayon.Walang karamay,walang ama, walang kapatid at walang minamahal. Napakasakit. Kasing sakit ng nalaman niyang namatay ang kanyang ama.Mas masakit pala ang lokohin ka ng dalawang taong mahal mo at dito pa mismo sa tahanang ito sila
nagbabuyan.Sino na ngayon ang masusulingan niya?na ni mismong kapatid niya ay pinagtaksilan siya.
"Ineng, hindi kapa ba tatayo riyan? Kanina kapa di-yan."Paglingon niya ay ang mukha ni manang Chandra
ang nabungaran niya na hilam na sa luha dahil sa awa sa kanya.Naroon din si Manang daleng na nakatung-hay at kanina pa nagpapahid ng luha dahil sa itsura niyang nakalupasay sa lapag at hindi nagsasalita.
Tatayo na sana siya ng biglang kumalabog ang mala-king pinto sa sala.
"Nasaan na ang mga p*tang in*ng iyannnnnn?"
Kandapaos na sigaw ng kanyang kaibigan na ngayon
ay dinadaluhan siya at napaiyak sa nabungarang hitsu-ra niya. Nagtataka siyang napatingin dito.
"Kung hindi pa ako tinawagan nila Manang Chandra ay hindi ko pa malalaman.Diyos ko naman Luisa ano ba itong mga nangyayari sa iyo?sinabi ko na nga ba't wala tiwala sa lalaking iyon eh.Pero,,bakit naman ang kapatid mo-?"
"Tama na Blessie I've had enough."Pag awat niya sa sasabihin ng kaibigan.
"Sabagay maige nalang hanggat maaga ay nakilala mo na ang magaling na lalaking iyan.Maige at hindi pa kayo kasal kundi'-"
"Best!"Saway niya ulit dito.
"Bakit ba?I can't help it eh.Tignan mo iyang sarili mo!Ang payat payat mo na!"Habang sinasabi iyon ng kaibigan ay panay patak ng luha nito sa mga mata.
...
Dumating na ang sandaling kinatatakutan ni LuisaAng mawala sa kanya ang pinaghirapan ng kanyang ama. Ang tanging natira buhat sa pagod at pawis nito ay ang bahay na siyang tinitirhan niya ngayon.Ang iba kasing aria-rian nila ay kasamang nailit ng bangko. May nail-aang pera ang kanyang ama sa kanyang bangko na si-yang gagamitin niyang panimula.Tatlong buwan buhat ng nangyari ang pagtataksil ng kanyang kapatid at ng lalaking kanyang minahal.Magbuhat noon ay wala na siyang balitang narinig sa mga ito.O mas tamang sabi-hing ayaw niya ng makinig.Pilit man siyang binaba-litaan ni Marie ay siya na mismo ang nakiusap dito na itigil na ang ginagawa.Ang kanyang kapatid naman ay parang gaya ng dati na naglaho ng parang bula.Handa
naman niyang patawarin ito sa nagawa sa kanya dahil kung ang Diyos nga ay nagpapatawad siya pa kaya na nilikha lang niya. Ngunit kinakailangan niya siguro ng mahabahabang panahon upang lubos na makalimot.
Nasaan na kaya ito ngayon?Saka siya nagsisi dahil
siguro sa sobrang abala nila noon sa pag ahon ng
kanilang naluluging business ay may ilan siyang
mahalagang bagay na hindi naitanong dito,gaya ng
kung saan ito nakatira.Kung tutuusi'y kaya niya na-mang magpaimbestiga ulit, kaya lang ay hindi na
muna sa ngayon.Hahayaan niya munang maghilom
ang sugat ng nakaraan upang makabangong muli.Ha-bang nag iisip ay biglang kumirot ang puson niya, ngayon lamang dumapo sa isipan niya na magtatatl-ong buwan na pala siyang delayed marahil dahil sa sakit niya kaya nakakaramdam siya ng ilang sintomas. Ngayong babangon na siya ay dapat siyang magpala-kas dapat siyang lumaban sa hamon ng buhay.bukas na bukas din ay babalik siya sa doctor niya at handa na siyang magpapaopera kung kinakailangan.Gusto niya pang mabuhay ng matagal upang makapagsimulang muli. Tinawagan niya ang kanyang bestfriend at balak
niyang magpasama sa ospital bukas.Hinanap niya ang test result niya at binuksan ang laman ng table niya. Mula roon ay nakita niya na may natira pa palang pic-ture si Matt na naka frame.Sayang lamang ang inialay niyang pag ibig sa lalaki.Sinaktan siya ng sobra nito. Minsan lang siya nagmahal ay niloko pa siya. "Maka-kalimutan din kita.Makikita mo."Tinanggal niya ang picture nito at sinimulang pagpupunitin at dineretso niya ito sa trash bin na nasa ilalim ng mesa.Ngayon ay nagiisip siya kung ano ang maliit na negosyong pwede niya muling simulan.Iyong mula sa kakayahan niya naman.
...
Hindi niya alam ni Luisa kung matutuwa ba siya o magagalit sa totoong resulta ng kalagayan niya.Todo despensa ang doctor na tumingin sa kanya.Uso pa ba ito sa panahon ngayon?ang magkapalit ng resulta at ang pagrerecord ng pangalan?Magdedemanda ba siya?Ano ba itong nangyayari sa kanya?Ngunit sa kabila noon ay katawa tawang hindi na siya nagalit pa sa doctor.Wala naroon ang isip niya kundi nasa batang nabubuhay ngayon sa sinapupunan niya.
"Best,ano ngayon ang plano mo?huwag mong sabihing ipagtatapat mo pa sa lalaking iyon ang kalagayan mo?"
"Hindi ba karapatan niyang malaman ang totoo?"
"Ano best? Anong karapatan?'San siya banda nagka-roon ng karapatan sa inaanak ko?"Napatingin kagad siya rito,kasunod ng pag ngiti nito sa kanya.
"Best naman,huwag mo ng sabihin sa kanya.Narito naman ako.Tayo,na magmamahal sa kanya.Hindi niya kailangan ng isang amang hindi marunong magmahal at walang pakiramdam,"
Napabuntunghininga siya.Nakatingin sa kawalang
hinaplos niya ang kanyang tiyan.
...
Sadya yatang matigas ang ulo niya.
Narito ngayon si Luisa at nakatayo sa elevator papan-hik sa itaas kung nasaan si Matt.Hindi niya alam kung
sadyang tanga ba talaga siyao masokista upang huma-rap pa rito.Bahala na...
Nagkakatinginan ang mga empleyadong naroroon na dati niyang nakatrabaho ngunit hindi na tulad ng dating minamata-mata siya.Ang unang sumalubong sa kanya ay si Marie.
"Nakuuuu friend,kamusta?!Bakit ngayon ka lang nag-pakita?Pasensiya kana hindi nako nakadalaw nuon sayo.Si boss kasi lagi kaming may overtime.Alam mo naman ang ugali niyan.Konting angal tanggal kagad."
Mahigpit siyang niyakap nito.
"Nandiyan ba si Matt?"Sa halip ay tanong niya rito.
"Nariyan.Naku,buhat noon ay lalong sumungit.Kung dati'y Leon lang ang kasama namin dito.Ngayon ay demonyo na.Sige tumuloy kana,"
"Paano yan,patuluyin kaya ako?wala kasi akong appoi-ntment eh."Nag aalalang tanong ni Luisa.
"Naku!ok lang iyan.Si Miss Cruz ang bahala sa iyo. Tutal dati naman tayong magkakasama eh."
Sabay nguso nito sa likuran niya na kanina pa pala
nakikinig sa kanila ang sinasabi nito.
"Sige Luisa,ako ng bahala. Tumuloy kana."Kahit alam niyang napakaistrikta nito ay alam niyang mabait naman ang may edad ng babae.Nginitian niya ito.At gaya ng dati'y kakabakaba siyang pumasok.Nang bu-
mungad siya sa pintuan ay isinara niya kaagad ito. Nakita niyang saglit na natigilan ang lalaking kanina ay nakayukong nagbabasa ng mga papeles.
"What are you doing here?"Bungad nito sa kanya.
"I have something to tell you."Nagtapangtapangan siya.
"What now?"
"Im pregnant."
Tumawa ito ng nakakainsulto.
"Get out of here."Pagkatapos ay sinabi nito sa kanya.
"Im telling the truth!its just happened that
they---"
"Shut up!!!"Nagulantang siya sa lakas ng boses nito.
"Hanggang ngayon ba ay manhid kapa rin Luisa?You are not getting it?I don't love you!And I dont even like you!You know that?"Siya naman ang natigilan.Pahi-yang pahiya siya sa narinig mula dito.
"A-Alam ko na iyon."
Pakiramdam niya ay may malaking nakabikig sa kanyang lalamunan.