accomplice

1353 Words
"Ang gusto ko lang naman sabihin sa iyo ay buntis ako at ikaw ang ama at kahit na-" "Shut up! Just leave me alone.And don't ever come back." Nawalan na ng ganang magpaliwanag si Luisa.Tama nga ang kaibigan niya.Si Matt ay isang napakawalang kwentang tao na nakilala niya.Ni wala itong karapa-tang maging ama ng kanyang magiging anak.Aminin niya man at sa hindi,alam niyang umaasa parin ang puso niyang baka sa pamamagitan ng anak nila ay magkaroon siya ng kahit konting puwang sa puso nito. Pero gaya nga ng isang katotohanan.Si Matt Cordova ay hindi marunong magmahal.Tama na ang pagpapa-katanga niya. "Sumosobra kana! Tandaan mo na kahit isa kang buwan sa abot ng paningin na itinatangi ng mga bituin, 'wag mong kakalimutan na lahat sila ay mas malaki pa sa iyo kung itoy maaabot lamang ng paningin." Pagkasabi niyo'y taas ang noong lumabas siya sa silid na iyon.Kahit alam niya na hindi naman maiintindi-han ng lalaking iyon ang mga sinabi niya ay sinabi niya parin.Dahil ang isang katulad nito ay ang maliwanag na buwan sa kanya noon.At isasaksak niya rin sa utak niya na hindi liliwanag ang buwang madilim na katu-lad nito,kung hindi sa tulong ng araw.Paano ba iyan anak.Tinanggihan ka ng tatay mo?Siguro naman ay sapat na iyang dahilan upang sa paglaki mo ay hndi mo sumbatan si nanay at isang dahilan upang huwag mo na siyang hanapin pa kahit kailan anak. "Ang kulit mo rin best.Talagang di ka nagpaawat at pumunta ka parin talaga doon,"Inis na inis na sabi sa kanya ng kaibigan. "Ok narin iyon atleast maliwanag na tinanggihan niya ang bata.Para sa pagdating ng panahon alam niyang wala siyang karapatang maghabol." "E tarantado pala talaga iyon e no?" "Tama na best I already learned my lesson well.Ang mahalaga ngayon ay itong anak ko." "Na inaanak ko."Tumango siya at ngumiti sa sinabi nito. "Teka,maiba ko best,bakit nga pala hanggang ngayon ay wala ka paring boyfriend?Sumeksi kana at lahat wala parin?huwag mong sabihing magpapakantan-dang dalaga kana lang, 0-,teka nga!huwag mong sabihing---?." "Oy hinde ah! Siguro ay pinipili ko pa ang matinong lalaki.Mahirap kasi sa panahon ngayon,nakakadala. Example nalang ng nangyari sa iyo.Kaya ingat ingat din." "Huwag kang ganyan.Hindi lahat ay mauuwi sa pagiging tulad ko.Kanya kanya naman tayo ng kapal-aran.'Wag mong iisiping ang nangyari sakin ay mang-yayari din sa iyo."Panenermon ni Luisa sa kaibigan. ... Paganda na ng paganda ang takbo ng maliit na nego-syo nila ng kanyang bff na si Blessie. Kinumbinsi niya itong magresign na ng tuluyan sa trabaho at maging partner niya,nakipagsapalaran na lang sila sa Maynila dahil wala na silang babalikan sa lugar nila. Mula sa pananahi nila noon ng bag at damit ay naishift nila ito sa pananahi rin ng organizer bag na para sa mga sanggol.Ang ALL ABOUT INFANTS nila ay unti unti ng lumalago.Hindi lang bag,kundi pati carrier,sa-patos,mittens,dresses,comforters at marami pang iba na para sa baby.Lalo na ngayong mag sisiyam na bu-wan na ang kanyang tiyan.Excited na excited na siya para sa paglabas ng kanyang baby Quiel.Iyon ang na-pili niyang pangalan ng kanyang magiging anak. Isinu-nod niya ito sa kanyang guardian angel na pang saba-do si St.Barachiel. "Best hindi ba masama sa iyo ang nagtatrabaho pa ng ganitong kalagayan?Hindi ba dapat mag leave kana?" "Ano kaba!Nakita mo ba ang manas sa mga binti ko? Isa pa ang ang sabi ng doctor dapat daw lagi na akong naglalakad at nagkikikilos." "Ganoon ba?Teka! Bukod sa mga damit at gamit ng bata mayroon paba tayong nakalimutan best?Ah!alam ko na!mga baby bottles.Bakit nga ba wala kang binili non?" "Sinadya kong hindi bumili.Dahil ang gusto ko ay magpa breastfeed"Sabi niya sa kaibigan. "Sabagay, alam mo mas maganda raw iyan.Pero best,bakit hindi ka bumili kahit ilang piraso lang,?Malay mo may mapaggamitan ka non diba?Kapag may lakad ka at on the go at medyo nasa alanganing sitwas-yon hindi ba?" "Sige,mamaya pagkatapos natin dito ay mamimili tayo uli."Sabi naman niya. Narito ngayon sila sa SM at dumeretso na sila sa mga damit at gamit pangbata.Gaya noong mga nakakara-ang araw ay aliw na aliw siya sa pamimili ng mga ibat ibang desenyo at kulay ng mga botelya.Pinili niya ang mga kulay puti,dilaw at yellow para sa anak niyang lalaki.Halos mapuno nanaman ang kanilang shopping cart ng mga bags ng pinamili. Ginuton sila kaya kuma-in muna sila. Habang kumakain ay nailang siya dahil parang may nagmamasid sa kanya.Hindi siya nakatiis ay lumingon lingon siya sa paligid ngunit wala naman siyang makita. "H-Hi tinkerbell." Hindi siya kaagad nakapagsalita dahil nasa harapan niya ang isa sa mga taong bigla nalang naglaho kasa-bay ng ate niya ng panahong iyon.Malungkot ang mga mata nitong nakatunghay sa kanya.Kasabay ng kabig-laan niya ay ang pagtayo ng kaibigan niya sa table na pinagkakainan nito at naghakot ng mga pagkain. "Maiwan ko muna kayo best.Doon lang ako sa banda ron."Nakaka unawang sabi nito sa kanila. Hindi pa siya nagsasalita ay naupo na ito sa harap niya. "Kamusta kana?kailan ang labas niyan?"Sabay buma-ba ang tingin nito sa namumukol niyang tiyan. "Sa susunod na buwan na.I-Ikaw?kamusta na?kayo ni--"Hindi niya kayang sambitin ang pangalan ng kapatid niya. "K-Kamusta na siya?"Imbes na sumagot ito ay hinawakan siya ng mahigpit sa kanyang dalawang magkasalikop na kamay. "Patawarin mo 'ko Luisa."Sa wakas ay narinig niya mula sa bibig nito ang tunay niyang pangalan. "Bakit ka humihingi ng tawad sakin,gayong hindi naman ikaw ang may atraso sakin?"Nakita niya ang pag aalinlangan sa mga mata nito.Ang malalim na buntonghininga at pagtaas baba ng adams apple nito. "H-Hindi ko alam kung paanong ipagtatapat sa iyo ito at kung paano sisimulan." "Huwag kang mag alala. Pakikinggan kita." "M-Matagal ng magkakilala si Ate Lorna at si Matt," Tumigil muna ito sandali at siya naman ay pigil hini-ngang pilit kinakalma ang sarili. "Hindi mo siya kapatid Luisa!"Nagsalimbayan ang pagtataka at pagkabigla sa kanyang mukha.Pinilit niyang huwag magsalita upang ipagpatuloy nito ang mga sinasabi. "Hindi kayo magkapatid ni ate Lorna.Matagal naring namumrublema si ate sa nalulugi niya ring negosyo, halos wala ng kinikita iyon.Nalululong kasi siya sa mga kapritso at mga mamahaling bagay.Nakilala niya si Matt minsang dumalo sila sa isang birthday celebra tion ng kaibigan ni Matt.Doon sila nagkakilala at nag karoon ng relasyon.Matagal ko ng alam ang plano nila.Gusto kong pigilan si ate lalo na ng makilala kita. Ngunit ano ang magagawa ko?Nag uumpisa palang ako sa pagnenegosyo at hindi ko kayang tustusan noon ang kailangan niyang pera para makabangon.Minsan dumating doon si Matt na akala noon ay isang pilan-tropong tutulong.Iyon pala'y may sarii siyang moti-bo.Iyon ay ang makapaghiganti sa iyo Luisa.Gusto kong magtapat sa iyo.Gusto kong mag wala pero wala akong lakas upang ipahamak ang sarili kong kapatid. Pero alam ng Diyos na pinagsisihan iyon ni ate dahil kahit sa maigsing panahon ay napamahal kana sa kanya dahil sa taglay mong kabaitan.Ako may lubos na nagsisisi.Patawarin mo ako Luisa." "Bakit?"Ang tanging lumabas sa bibig niya. "Hindi ko rin alam.Kahit si ate ay hindi rin alam ang dahilan,"Kaya pala! Kaya pala noong una pa man ay duda na siya pero ipinagwalang bahala niya lang lahat ng nararamdaman niya. ... Bakit? Walang kasagutan ang tanong niyang iyon.Hanggang ngayon ay lutang pa siya sa mga nalaman.Ang kaibi-gan ay abala rin sa pag iisip dahil ikinwento niya lahat dito. Ilang beses niya mang pigain ang utak ay wala talaga siyang maisip na dahilan.Isa lang ang tanging paraan.Iyon ay ang makipagkita siya ritong muli. Ngunit kaya paba niyang makita ang lalaking kinamu-muhian niya?Matapos ang mga ginawa sa kanya nito?. "Mukhang alam ko na ang inisip mo best,iyan ang huwag na huwag mno na ulit gagawin.Talagang masa-sabunutan na kita." "Hindi ko narin naman nanaisin pang magkita ulit kami." Matapos silang makapagusap ni Mark kanina ay iniha- tid naman din siya nito sa bahay.Gustuhin man niya'y hindi na niya nakuhang magalit dahil tulad niya ay isa lamang din ito sa biktima.Kung hindi si ate Lorna ang kapatid niya ay sino? At nasaan ang tunay niyang kapa tid?.Nasaan ang tunay na Lorna?" Dad'kung nasaan ka man sana ay tulungan mo akong tuklasin ang misteryong ito.Nahihirapan na ako.Ano ba talaga ang nangyayari?Bigla siyang may naalala at nagmamadaling pumasok sa dating silid ng ate niya.Tama ang hinala niyang naroon nga ito at hindi nadala ng impostor niyang ate. Ang diary ng kanyang daddy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD