diary

1249 Words
Feb.28 1990. If I could turned back the hands of time,I will do so.My best friend comitted suicide because of me.I hated myself because of my cruelness I didn't give him another chance that day.When he begged with his feet. Until now I see the eyes of that boy besides him who is innocent and pure.Was it because of my cleverness?I'm afraid that I will risk the future of the company at to the hands of a man who always in trouble because of his addiction of gambling?Or is it the fact that some of our business collided because of him?Hindi ko alam kung ano ano pa ang mga kinatatakutan kong mang-yari. Marami ang umaasa sa kumpanya tulad nila na gumagapang noon sa hirap.Ayaw niyang maulit iyon ng dahil lamang sa kapabayaan ni Steeve.Huli na.Huli na para magsisi at ang madamay ang batang iyon. Hindi ko na siya inabot pa sa bahay ampunan.Kung nasaan man ang batang iyon ngayon,sana ay masuk-lian ko ang naging pagkukulang ng kanyang ama at ang mapatawad niya rin ako.Sana,,sana magkita pa kami ng aking inaanak. Naging pala isipan kay Luisa ang mga sinulat ng kany-ang ama.Nagkaroon ba ng atraso ito noon ?nagugulu-han siya.Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa ngunit pawang hindi niya kilala ang mga taong tinutukoy doon.Itinigil niya muna ang pagbabasa dahil hindi niya rin makukuha ang sagot sa mga iyon. "Nako best,nakakahalata na ko diyan sa lalaking iyan ha.Nanliligaw ba sa iyo iyan?Tanong ng tila nambu-buska niyang kaibigan ngunit tatawa-tawa. "Grabe ka naman! Ako liligawan? May buntis bang nililigawan?Sinabayan niya naman ito ng ingos at tawa. "Oo naman.Ikaw!!!" "Ikaw nga tigilan mo ko,kung ano ano ang napapansin mo,"Sabi niya rito. "E talaga naman eh,paano mong sasabihing hindi nanliligaw e panay ang dalaw at dala ng kung ano ano rito.E dati ko pang nahahalata iyan me gusto sa iyo eh,kung hindi ko nga lang alam na niloko ka ng kapa-tid niyan e,baka ulukan pa kitang sagutin iyan.Ang gwapo eh." "Shhhh! Huwag kang maingay at baka marinig ka." Sinaway niya ang kaibigan.Naroon sila ngayon sa kusina at naghahanda ng kakainin.Kauuwi lang kasi nila kanikanina lang galing trabaho ngayon ay kunyaring pinanonood nila si Manang Chandra sa pagluluto na kanina pa ngingiti ngiti sa kanila.Paano'y hinatak siya sandali ni Blessie sa kusina upang siyas-atin siya. "Alam ko na iyang mga banat na ganyan.Ganyan ganyan din ang nga manliligaw ko.Nagsimula sa puro ganyan."Tawa siya ng tawa sa mga pinagsasasabi nito ng biglang parang kumikirot ang tiyan niya. Kanina pa niya iyon nararamdaman ngunit kapag nawawala ay nalilibang narin siya.Napakapit siya bigla rito. "Alam mo ba best nong panah-" Bigla itong tumigil ng mapunang nakangiwi na siya. "Bakit best?'Wag mong sabihing? Oh my Godddd! Teka lang!,teka lang!tekaaaaaa!!!"Humahangos na Mark ang nagbitbit sa kanya.Naalarma siguro ito sa sigaw ng kaibigan niyang mukang engot na nagsisigaw at natataranta sa kanya.Habang nasa kotse sila ay panay ang piga niya sa braso ng kaibigan at panay ang ihip niya.Sinamahan niya narin ng dasal dahil sa takot na baka mapapano silang mag ina. "Best pigilin mo.Pigilin mo muna,malapit na tayo. Huwag kang manganganak dito baka himatayin ako." Ilang minuto lang ay nakarating na sila.Ikinarga kaagad siya ni Mark sa strecher. Mabuti nalang at buo ang loob nito,dahil wala siyang aasahan sa kaibigan niya na talo pa ang manganganak nito sa pagpapanik. Habang nakahiga siya ay panay ang buga niya ng hangin.Bigla siyang natigilan ng magtama ang mga mata nila ng lalaking nakatayo malapit sa information. Nakakunot ang noo nito na titig na titig sa kanya at sa malaki niyang tiyan.Biglang napatingin din si Luisa sa dalawa ay kanina pa pala ito nakatingin sa kaniya. Mukhang hindi lang siya ang nakakita sa lalaki dahil maliwanag pa sa sikat ng araw ang nakikita niyang reaksiyon sa mga mukha ng mga kasama niya. "O best huwag kang papaapekto sa demonyong iyon ha! Ipagpalagay na lang natin na hindi natin siya nakita."Sa oras na ito ay wala siyang pakielam kahit si San Miguel pa ang makita niya.Ang mas umaagaw ng pansin niya ay ang teribleng sakit sa kanyang bala-kang. Ang kamay niyang isa ay mahigpit na hawak ni Mark.Ilang oras din siya sa delivery room ng sa wakas ay nakita niya narin ang baby niya.Hindi niya napigi-lan ang kanyang mga luha,kasabay ng lungkot ng makita niya ang kanyang anak na sa kasamaang palad ay kamukha ng ama nito pati ang kulay ng mga ma-ta.Pagkatapos ay nilamon na siya ng kadiliman dahil sa sobrang pagod at hirap. "Nakuuu best',ang cute cute naman ng baby mo grabe. Ang puti puti.At kamukang kamuk-Never mind,basta cute siya! Ang taba taba at ang laking bata.Kaya ka siguro nahirapan." "Pwede ko ba siyang buhatin?"Singit ni Mark na humi-ngi ng pahintulot ng hindi mapigilan ang sarili.Hindi na hinintay nito ang sagot niya at tuluyang binuhat ang bata.Nagkatinginan sila ng kaibigan.Akala mo kasi'y anak nito ang tangan sa sobrang tuwa na nakabadha sa mukha ng lalaki. Papalabas na sila ng hospital, siya ay naka upo sa weelchair at ang kanyang anak ay bitbit ni Mark na balot na balot sa kulay powder blue na recieving blanket sa sanggol.Ang kanyang kaibigan ay panay ang daldal habang nakalingon siya rito dahil pag nagku-kwento ito ay mas gusto nitong nakatingin karin sa kanya.Kaya saglit siyang natigilan ng bigla itong hu-minto sa pagdadaldal.Sumimangot ito ng todo kaya dahan dahan siyang dumeretso ng tingin at nakita niya ang pinakahuling lalaki na gusto niyang makita sa tanang buhay niya ngayon.si Matt na nakatingin sa kanila.Partikular sa kanya.Tulaktulak nito si Harold na naka weelchair din at nakabenda ang kamay hindi maipinta ang pagmumukha kung ngingiti ba o ano. Hangang sa alanganing ngumiti si Harold sa kanya. Para silang nasa isang malaking telon na saglit na na freez.Ni isa sa kanila ay walang nagsalita.Nabasag lang ang pagkakapako nilang lahat ng magsalita ang nurse na nagtatawag ng doctor sa mikropono na narinig ng lahat.Itinuloy ng kanyang kaibigan ang pagtutulak kanya,gayon din ang paglakad ni Mark.Nagtaka siya ng mula sa harapan bandang kaliwa niya ay pumihit pakanan si Matt kung saan naroon si Mark.Parang slow motion sa pelikula ng magdaan sa gilid ang magkaibigan ay tumigil ito sa mismong tapat ni Mark at Pilit sinisilip ang sanggol kahit hindi naman kumi-kilos ito.Si Mark naman ay nakahalata at Binilisan ang lakad na pinipilit ding itago ang sanggol sa pamama-gitan ng pagtatakip nito ng pambalot bahagya sa muk-ha ng kanyang anak.Kaya parang natauhan din ang kanyang kaibigan.Mabilis din siyang itinulak nito kasabay ni Mark. Para masisiraan ng bait si Matt ng hindi niya makita ang mukha ng sanggol.Gusto niyang pagsasapakin ang lalaking iyon kanina.At ang babaeng hinding hindi niya makalimutan.Ang buong akala niya ay walang kakayahang mag anak ang isang iyon?Ngunit bakit?Paanong?Sila parin palang dalawa ng lalaking iyon hanggang ngayon.Hindi siya mapakali.Sumakit ang ulo niya sa eksenang iyon kanina. "Ano pare?sumasakit na ang pwet ko rito kauupo at kahihintay sayo kung kelan mo ko itutulak.Ano?kakamayin ko nalang ba ang pagtutulak?sabihin mo lang!."Tudyo sa kanya ng kaibigan ng hindi nya napupunang naka hinto parin sila sa kinatatayuan hanggang ngayon.Lalo siyang nainis, Dahil halatang inaasar siya nito. "Oo 'wag mong kamayin dilaan mo!"Sabay sipa niya sa gulong ng weelchair nito. Halos maihi ito sa katatawa na lubos na ikinainis niya.Nang makita niya uli ang babae'y nakadama siya ng hindi niya maipaliwanag.Hindi niya maintindihan kung parte pa iyon ng kanyang galit.Nakaramdam siya ng matinding frustration sa babae at sa sanggol na iyon.Hindi siya titigil hanggat hindi niya nakikita man lang ang bata.Gagawa siya ng paraan upang mangyari ang gusto niya.At kung sakali ay alam na alam niya ang nararapat na gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD