Sumabog na ang matagal nang kinikimkim na galit ni Luisa sa lalaki.Sobra na ito upang sa ganitong sitwasy-on ay sukdulan na pumatay pa ito ng tao.Kung tao nga ba ang kanyang haharapin.Makikita nito ngayon ang kanyang galit mabibilis ang kanyang mga hakbang tila hindi napapagod ang kanyang mga binti.Wala siyang pakielam sa mga taong nakatingin sa kanyang hitsura.Hindi na niya pinagkaabalahang ayusin pa ang sarili.Magulo ang kanyang mahabang buhok na bahagya ng nakatali at naglalalaglagan sa kanyang mukha ang bawat hibla nito.Sumakay siya kaagad ng unang elevator na bumukas at nagmamadaling pumin-dot kung saan siya hihinto.Parang naulit ang nakaraan niyang punta sa opisina nito.Habol siya ng tingin ng mga empleyadong nagtatrabaho.Halos mabangga niya si Marie na sinalubong siya.Tuloy t

