Malakas na tunog ng alarm ng cellphone ni Luisa ang nagpagising sa kanya.Tiningnan niya ang oras.Alas siyete ng umaga.Pagka ganoong araw ng linggo ay maaga parin siyang gumigising ngunit hindi katulad ng may trabaho siya ay alas singko siya nagigising. Bu-mangon na siya at naligo.Pagkatapos maligo ay nagka-pe.Habang nagkakape ay inilibot niya ang paningin sa buong bahay na kanyang binili ilang buwan na ang na-kakalipas.Ipinagbili na rin kasi niya ang kanyang con-do at ang bahay na naipundar niya.Marami siyang pi-nagkagastusan isa narin ang pagpapahanap sa nawa-wala niyang kapatid.Dapat naba siyang sumuko sa paghahanap rito?Malaki laki narin ang naubos niyang pera.Isa na lamang ang pinagyayaman niya.Ang maliit na kumpanyang nasimulan nila ng kaibigan.Ngunit para namang sindya ng panahon na

