Hirap ng katawan hirap ng isipan.Pinaghalong pagod at sama ng loob,iyan ang kanyang nararamdama Wala maisagot si aluisa sa lahat ng tanong sa kanya sa bahay.Nananatili siyang tahimik.Hindi maiwasang magalit sa kanya ni Mark mula pa noong araw na umuwi siya.Gulong gulo siya sa nangyayari.Magka-halong takot at pangamba sa lalaking pinipilit niyang tanggalin sa kanyang sistema.Alam niyang sumosobra na ito ngunit wala siyang magawa.Patuloy siyang nag iisip ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.Halos mabitawan niya ito sa pananabik na malaman kung para saan at kanino ang tawag,inip na inip na siya sa pangako sa kanya ni Matt dahil sinabi nito na huwag siyang magpapakita hanggat hindi nito iniuutos.Ayaw niya munang gumawa ng isang hakbang na pagsisisi-han niya sa huli.Alam na niya ang ka

