Nagising si Luisa sa ibabaw ng kama.Masasakit ang katawan.Alam na niya kung bakit.Biglang pumasok sa isip niya ang kaibigan.Ano na ang nangyari dito? iniikot niya ang paningin upang makita ang buong paligid.Tipikal lang ang itsura ng silid.Nagmamadali siyang tumayo at inayos ang sarili.Nakita niya ang bag sa sulok at agad agad hinanap ang kanyang cell-phone.Binuksan niya ito ng makitang naka off. Pag-bukas na pagbukas palang niya ay niragasa siya ng sunod sunod na tunog ng mga messages at ilang miss-calls na galing sa bahay.Para siyang hinahabol ng kung sino sa pagbabasa ng mensahe.Ganoon na lang ang panlulumo niya ng mabasa ang mga messages hindi lang galing ng bahay kundi galing kay Mark.Kagabi pa siya hinahanap at ang kanyang kaibigan.Nasaan na kaya ang kanyang kaibigan?Ayaw niya

