kidnap

1385 Words
Ngayong sinagot na siya ni Luisa ay magkakaroon na na ng pagkakataong ipagtapat ni Mark sa babae ang kanyang tunay na pagkatao.Ayaw niyang may matiti-rang lihim niya na hindi pa naipagtatapat rito.Bago niya hingin ang kamay ng babaeng pinakamamahal ay sisiguraduhin niyang ipagtatapat niya rito ang hindi niya pa nasasabi dahil walang pagkakataon at hindi pa hinihingi ng panahon.Sisipol sipol siya pauwi ng saril-ing bahay.Nakita niyang nakabukas ang ilaw sa loob. Hindi na siya kinabahan ng mabungaran niya ang kapatid sa sala. "Anong ginagawa mo rito?"Galit na tanong niya sa kapatid. "Gusto lang kitang makita.Mahigit isang taon na ang nakakalipas buhat ng pagtaguan mo ako." Sabi ng kanyang ate na nakayuko. "Bakit narito ka?"Tanong parin niya. "Gusto ko sanang humingi ng tawad sa iyo dahil sa nangyari." "Bakit hindi ka kay Luisa humingi ng tawad?Bukod sa akin ay sa kanya ka higit na nagkasala.Ikaw, kayo ng hayup na Matt na iyon!"Napakagat ito sa labi dahil sa sinabi niya. "Sinaktan nyo ang babaeng wala namang kasalanan sa inyo.Bakit?" Sa akin ay wala ngunit kay Matt at ang ama ng baba-eng minamahal mo ay malaki." "Hindi ko naiintindihan."Naguguluhang sabi niya rito. "MAKINIG KA!"Mariing sabi ng ate niya. Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya nainip sa isang pangyayaring interesado niyang malaman. Ha-bang nagkukwento ang kanyang ate ay palalim ng palalim ang kunot niya sa noo. "What???"Hindi halos makapaniwalang sabi niya. "Nais kong humingi ng tawad kay Luisa dahil hindi na kaya ng konsensiya ko ang mga ginagawa sa kanya ni Matt."Alalang alala ang tono ng tinig ni Lorna. "Ano pa?Ano pa ang dapat kong malaman?"Nanlumo siya sa mga sinabi nito mula umpisa hanggang dulo. ... Nagtagis ang kanyang mga bagang dahil sa sobrang galit sa lalaki.Hindi niya alam kung paano sasabihin lahat ito kay Luisa ng kahit na papaano ay hindi ito masasaktan.Hindi niya kayang kumbinsihin ang sarili na magagawa niya ito.Hindi niya alam kung paano niya maibsan ang kalungkutan at galit na ngayon ay namamayani sa babaeng kanina pa tahimik ngunit hindi mo makitaan ng mga luhang dapat ay kanina pa pumatak.Doon siya higit na nababahala,dahil hindi niya alam ang tumatakbo sa utak ni Luisa.Ngayong nalaman na nito ang lahat lahat, ultimo ang ang kwen-to sa likod ng pagkamatay ng kanyang ama.Nakatulala lang ang babae habang nakikinig sa mga rebelasyon ng kanyang ate. "Tao lang ako upang hindi magpatawad.Lalo na kung ang kaaway ay sugatan na at humihingi ng awa at kapatawaran.Tumayo ka diyan dahil Diyos lamang ang niluluhuran,"Nilingon niya ang babaeng itinuring niyang kapatid. "Maraming salamat Luisa,siguro'y isa sa malaking pagkakamali ko upang gawin ito ay ang katulad mong umibig sa maling lalaki.Nagawa ko lamang ito dahil sa labis na pagmamahal ko kay Matt."Mapait na ngumiti ito.Nang sabihin iyon ng babae ay lubos na niyang naunawaan ito.Ito'y isa lamang biktima ng pagmama-hal at ng pagkakataon.Nagyakap sila ng babae. "A-Ako rin Luisa mayroon din akong nais ipagtapat.Ito narin siguro ang tamang panahon upang sabihin ito sa iyo."Sabay silang napalingon kay Mark ng magsalita "Hindi kami tunay na magkapatid.Isa akong ampon at ang ama ko ay matagal ng patay.Ang aking ina naman" Saglit itong huminto sa pagsasalita."Ang aking ina, ay nakakulong sa mental hospital ."Gusto kong ipakilala ang tunay kong pagkatao, ayokong ilihim ito sa iyo Luisa.Nasayo ang lahat ng karapatan upang umurong na habang maaga pa."Nangingilid ang luha ni Mark habang sinasabi iyon sa kanya. "Bakit ako magbabago ng pasya?dapat pa nga ay lalo akong humanga sa iyo dahil pinatunayan mo sakin na talagang karapat dapat ka."Siyang lapit ng lalaki at niyakap siya ng mahigpit at hinalikan siya sa noo. "K-Kahit hindi pa magaling ang aking ina?Hindi mo ba ako ikakahiya?Ako na isang anak ng baliw?"Tanong parin ni Mark. "Ofcourse not!Lahat tayo ay may kanya kanyang pinagdadaanan at pinagdaanan sa buhay.Sino ang may karapatang humusga sa bawat isa?"Naluluha niya ring sabi. "Kailan ang kasal?"Nahihiyang tanong ni Lorna na sumingit sa kanilang dalawa. Nagkatinginan sila ni Mark at nagkatawanan... ... Nakatalungko at nakaupo sila Luisa at Blessie sa bai-tang ng malaki at malawak na hagdan sa labas ng simbahan. Kasalukuyan niyang pinagmamasdan ang mga batang masasayang kumakain sa mga dala nilang magkaibigan. "Ano best?Kaya mo pa ba?Napakademonyo talaga niyang si Matt! Nakuuu!makita ko lang iyan ngayon ay sisiguraduhin kong makakatikim siya ng masasamang salita.At iyong kasama niya?Na isa ring demonyo!!!" Hindi siya kumikibo habang nagsasalita ang kaibigan. "Best friend! Worried nako sa iyo,ayokong ganyan ka at wala kang kibo.Ilabas mo lahat iyan, baka ka mag-kasakit niyan."Hinawakan siya nito sa mga kamay at tinitigan siya sa mga mata. Hindi niya na alam ang madarama.Gusto niyang sumigaw at magwala ngunit walang lakas ang ang mga ito.Kung babalikan niya ang lahat ng mga nangyari sa kanya siguro ay maloloka na siya.Sa ngayon ang tangi niya lang mahihiling na naway huwag na muna silang mangsangga ng landas ni Matt hanggat maari.Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon niya ka-pag nagkaharap muli sila nito.Kagabi matapos ang rebelasyon sa kanya ng ate ni Mark ay pinilit niyang basahin at tapusin ang natitirang pahina ng diary ng kanyang ama at doo'y natuklasan niya ang isang bagay na natitiyak niya.Walang kasalanan ang kanyang ama. Ngunit paano niya mapatutunayan ang lahat?At kung magkagayon mababago ba nito ang maling paniniwala ng lalaki tungkol sa kanyang ama?Pilit man niyang hinihimok ang kanyang sarili na magalit rito ngunit wala siyang makapang galit.Bagkos ay awa dahil isa rin itong biktima.Kaya pala siya ang ginagantihan nito.Kaya pala ganoon kalaki ang poot nito sa kanya dahil ang buong pag aakala nito ay ang kanyang ama ang dahilan ng pagkamatay ng magulang ng lalaki. "Ano na best?" "Sa ngayon mas mainam siguro na ipahinga ko muna ang isip ko sa lahat lahat ng mga pangyayari.Hindi ko rin kasi alam ang sagot diyan,"Nakatingin sa kawalang sagot niya sa tanong ng kaibigang si Blessie.Saka sila tumayong dalawa at naglakad na papunta sa kaniyang dalang kotse. "Buti na lang sa susunod na buwan pa ang kasunod na hearing nyo,makapagpapahinga kapa ng mahaba haba."Nagsasalita ito habang nakatuon ang mga mata niya sa daan.Tumango lang siya. "Siya nga pala best tumawag kanina si Marie nagkau- sap ba kayo?"Tanong muli nito sa kanya. "Oo kanina pa."Sagot niya. "Bakit daw?" "Wala naman.Nangangamusta lang.Dadaan daw siya mamaya sa bahay, Sabi ko medyo magpalate siya dahil wala pa tayo roon."Nilingon niya ito. Nang biglang.... "Besssst Mababangga tayooo!!!!!!"Sabay turo nito sa daan kung saan makakasalubong nila ang isa pang sasakyan.Siya namang lakas ng igting ng preno niya. Kung hindi sila naka seatbelt paniguradong lulusot sila sa unahang salamin ng kotse.Pagkahuma nila ay halos magkapanabayan silang dalawa ng best friend niyang bumaba upang harapin kung sino man ang driver ng itim na kotse na wala sa lugar na sumalubong sa kani-la.Laking gulat nilang dalawa ng bumaba mula rito ang dalawang lalaki.Si Matt at si Harold.Mukhang alam ng mga ito na sila ang lulan ng sasakyan dahil wala sa mga mukha ng mga ito ang pagkabigla.Napaurong siya ng lapitan siya ni Matt at hatakin sa kamay.Sa pagka-bigla niya ay hindi kaagad siya nakapag isip.Pilit siya nitong hinatak papunta sa kinaroroonan ng sasakyan ng biglang napatigil ito at lumingon. "Pare ikaw na nga bahala sa isang iyan." Ang kaibigan niya ay hindi alam ang gagawin kung ii-wan ba siya o sasama sa kanya ng lapitan ito ni Ha-rold.Isinakay siya ni Matt sa bandang likod ng kotse at hawak hawak siya sa magkabilang kamay ng isang kamay lamang nito.Pilit siyang kumakawala sa mahi-gpit na hawak nito ngunit imposible. "Pare ano matagal pa ba yan?"Sinigawan nito ang kai-bigan sa nakabukas pang pintuan ng kotse sa kabila. Saglit niyang tiningnan ang kaibigan at si Harold sa labas mula sa unahang salamin ng sasakyan.Nakita niyang nakikipagpatintero dito ang kaibigan nanakbo palayo.Ilang segundo lang ay nahuli rin nito at binitbit na parang sako ang kaibigan na nakayapak na lamang ng isakay rin ito sa kotse. "Mga hayop kayooo!Saan niyo kami dadalhin?" Pagtu-tungayaw ng kaibigan.Habang siya ay nagpupumiglas parin sa pagkakahawalk ni Matt. "Pare,baka sumabit tayo rito?"Sabi ni Harold na hindi makatingin sa kanya. "Talagang sasabit kayo,mga walanghiyaaaa!!!" Ang bunganga parin ng kaibigan niya na ngayon naman ay nananadyak at naninipa habang hawak ito sa magkabilang braso ni Harold.Sasabayan niya sana ng sigaw ang kaibigan ng sa kahit na nasa kalagitnaan sila ng daan ay nagdarasal siyang may makakarinig sa pagibik nila ngunit kasabay niyon ay ang masangsang na amoy na nanggaling sa panyong itinakip nito sa kanyang ilong. Kadiliman...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD