Tumindig na si Carmela. Tama ang kaibigan niyang si Eli kaya naman mag-ayos na siya. Pilit na ibinalik ang kasiglahan sa mukha. "Iyan! Ganyan ang Carmela na kaibigan ko! Puno ng confidence sa sarili. Oh `di ba. Hakot pansin ka na naman sa mga kalalakihan dito. Gusto ko na naman tuloy na itago ka na lang sa aparador ko! Sapaw na naman ang beauty ko!" maarteng wika nito. "Loka-loka ka talaga!" Hindi niya mapigilan na matawa sa kaibigan. "Ano ba naman iyan?! Saan ba nagpunta ang Dave na iyon?" iritableng sabi ni Eli. "Sinabi ko naman na rito lang sa dati tayo magsi-swimming dahil kaunti lang ang mga nagtutungo rito eh! Saan nagsuot!" Nakahawak pa sa beywang na sabi ni Eli. "Hanapin na lang natin. Nariyan lang sigurado iyon. Hindi lalayo iyon!" wika ni Carmela sa kaibigan habang inilliibo

