Chapter 2

2841 Words
Parehong may ngiti sa labi si Paolo at Carmela habang naglalakad sila pauwi. Magka-holding hands silang naglalakad. Ihahatid ni Paolo si Carmela sa kanilang tahanan. Tila idinuduyan pa rin sa alapaap ang pakiramdam nilang dalawa. Hindi na nila napapansin na pinagbubulungan na sila ng mga taong nakakasalubong nila. Hanggang makarating na nga sila sa munting tahanan nila Carmela. Inihatid lamang ni Paolo si Carmela hanggang sa labas ng bakuran ng dalaga. Pagkatapos ay agad na itong nagpaalam para umuwi. Inihatid pa lamang n'ya ito ng tanaw bago nagpasyang pumasok sa loob ng bahay. Hindi pa rin mapuknat ang kakaibang ngiting iyon sa kanyang magandang mukha nang daanan niya ang kanyang ina na kasalukuyan ay nakaupo sa sopa na yari sa kawayan at nanonood ng telebisyon habang hinihintay na kumulo ang nilulutong sinigang na baboy.  Kunot ang noo na sinundan siya ng tingin ng kanyang ina. Parang hangin kasi ang anak na dinaanan siya at hindi man lang yata siya nito napuna. Nagtataka rin ito at late na nakauwi ang kanyang anak. Ito ang unang beses na hindi ito nagsabi na male-late ito ng uwi. Nang sa tantya niya ay wala itong balak na batiin siya ay kinuha na niya ang pansin nito. "Carmela!" hiyaw ng kanyang ina na nagpagising bigla sa dalaga mula sa paglipad ng isip nito sa kung saan. "Po, Mama?" wika niya sa ina at alanganin na ngumiti.  "Ano'ng nangyayari sa'yo, Carmela?" tanong nito sa kanya na sa wari niya ay pinag-aaralan siya nito.  "Hindi kaya nakahalata ito na mayroon nangyari sa kanya ngayong araw?" piping tanong niya sa sarili. Kinakabahan na nagyuko siya ng ulo.  "Ano, Carmela?!" wika muli nito sa kanya sa mas mataas na tinig. "B-Bakit po, M-Mama?" nauutal na tanong niya sa kanyang ina. Nang mapansin na ni Carmelita ang tila pagkabalisa ng kanyang anak ay pinili na lamang niyang muling kausapin ito sa mahinahon na tinig.  "Carmela, saan ka galing?" tanong niya sa mahina ngunit mariin pa rin na tono. Makikita na rin sa mga mata ng kanyang ina ang tila babala na hindi siya pwedeng magsinungaling. Sa isang iglap ay medyo nakaramdam s'ya ng kaunting kaba ngunit wala siyang balak na umamin dito kaya mabilis niyang pinagana ang isipan at gumawa ng dahilan. "Hmmm, Mama, may group project kasi kami sa school. S-Sa bahay nila S-Sarah namin ginawa kaya ginabi kami," kandautal niyang wika sa ina. Panalangin na lamang n'ya ay sana huwag itong magtanong kay Sarah. Kilala na ito ng kanyang ina. Isa ito sa matalik niyang kaibigan sa eskwelahan at kaklase niya. Hindi siya sanay na nagsisinungaling sa kanyang ina. Ngayon pa lamang niya ito ginawa kaya labis ang kaba na nadarama niya. "Totoo ba iyan?" hindi kumbinsido na muling tanong ng ina sa kanya. "O-Opo!" mabilis na sagot niya ngunit nahahalata siya ng kanyang ina na may nililihim siya. Nang mapansin na ni Carmelita ang tila pagkabalisa ng kanyang anak ay pinili na lamang niyang muling kausapin ito sa mahinahon na tinig.  "Sige, magpahinga ka na muna sa kwarto at mamaya ay kakain na tayo ng hapunan," pagtatapos na lamang niya sa kanilang usapan. "Sige po, Mama. Pasok na po ako sa kwarto," pagkasabi niya sa ina ay agad siyang tumalikod na at pumasok sa kwarto.  Carmelita Iiling-iling na sinundan na lamang n'ya ng tingin ang anak na kasalukuyan na papunta sa kwarto nito. May posibilidad na tama ang hinala niya na may nagawa ito na hindi pa dapat nito ginawa sa sarili. Umaasa na lamang siya na baka nagkakamali lamang siya ng iniisip. Nangako ito na hindi gagawa ng hindi dapat kaya niya pinayagan na makipagrelasyon ito. Gusto man niya itong komprontahin at pagalitan ay hindi niya magawa. Sobrang mahal niya ito. Pinakamamahal niya si Carmela. Anak niya ito sa unang nakarelasyon at minahal. Isang banyaga ang tatay nito. Nakilala niya ito sa bar kung saan siya nagtatrabaho noon bilang isang waitress. Nang panahon na iyon ay isa ang ama ni Carmela sa regular customer ng bar. Ang mga ka-work niya at maging siya ay halos may pagkakagusto kay James, ang ama ni Carmela. Gwapo kasi ito at mabait. Ngunit hindi niya inaasahan na sa dami nilang mga babae na humahanga rito ay siya ang niligawan nito. Dahil nga sa may paghanga na siya rito noong una pa lamang ay agad niyang sinagot si James. Agad din niyang ipinagkaloob ang sarili rito. Paulit-ulit siyang nagpaubaya hanggang mabuo si Carmela. Masaya naman sila ngunit hindi niya inaasahan na ililipat na pala ito ng destino sa ibang lugar. Sa Canada ito inilipat. Bago ito umalis ay nangako ito na babalikan siya nito kaya umasa siya sa muling pagbabalik nito. Hindi siya umalis sa inuupahan na kwarto na malapit sa bar kung saan siya nagtatrabaho dati. Nanatili lamang siya sa inuupahan para kapag bumalik si James ay agad siyang makita nito. Tinanggal siya sa trabaho nang malaman na buntis siya. Napilitan siyang humanap ng ibang trabaho ngunit hindi siya pinalad na matanggap dahil sa pagbubuntis niya. Napilitan siyang makipaglabada sa kapit-bahay at kakilala para matustusan ang sarili at ang ipinagbubuntis niya. Sa pakikipaglabada niya ay nakilala niya si Nicanor, ang kasalukuyan niyang asawa. Family driver ito ng isa sa nagpapalaba sa kanya na kapit-bahay. Kahit na alam na nitong may anak na siya ay niligawan pa rin siya nito. Itinaboy na niya ito nang una pa lamang ngunit bumabalik ito. Hanggang sa naging magkaibigan sila. Hindi lingid dito na hinihintay lamang n'ya ang pagbabalik ni James. Sinabi nito sa kanya na kapag hindi bumalik si James ay palagi lamang daw ito sa tabi niya. Naghintay siya hanggang tatlong taon kay James ngunit hindi ito nagbalik. Nawalan na siya ng pag-asa kaya sumama na siya kay Nicanor at nagpakasal kahit hindi pa niya ito mahal noon. Sapat na sa kanya na mabait ito at hindi s'ya iniwan. Itinuring nitong tunay na anak si Carmela. Nagkaroon siya ng dalawang anak na lalaki rito. Ang isa ay si Randy na nasa dose anyos at si Raffy na onse anyos na. Nang sumama siya kay Nicanor ay nagbitiw na ito sa pagiging driver. Ipinasya nilang magtayo na lamang ng talyer sa probinsya dahil marunong itong magmekaniko ng sasakyan. Namana ng dalawang anak niyang lalaki ang pagkahilig sa pagbutingting ng sasakyan. Kaya naman agad na nagtutungo ang mga ito sa talyer para turuan ng kanyang asawa sa pagmekaniko ng sasakyan pagkauwi ng mga ito buhat sa eskwelahan. Sa kanto sila nagtayo ng talyer para mas madaling makita ang pwesto nila ng mga nagpapagawa ng sasakyan. Sa kasalukuyan ay maayos naman ang kita ng talyer. Isang malalim na buntung hininga ang pinakawalan niya. Pinatay na niya ang telebisyon dahil hindi na niya naiintindihan ang kanyang pinapanood. Nagtungo na siya sa kusina para i-check ang niluluto. Nang tama na ang lasa at tama na rin ang pagkaluto ay pinihit na niya pasara ang gas na nasa ilalim ng lababo. Pagkuwan ay lumabas siya ng bahay. Naupo sa isang upuan na pahaba na nasa may gilid ng bahay para hintayin ang pag-uwi ng kanyang asawa at dalawang anak na lalaki. Iwinaksi niya ang pagdududa kay Carmela. Carmela Samantala, pagkapasok sa kwarto ay isang malalim na buntung hininga rin ang pinakawalan ni Carmela. Nagpapasalamat siya at hindi na siya inusisa pa ng kanyang ina. "Hindi ka naman kasi niya nahalata, kaya huwag ka'ng mag-alal. Relax, Carmela," wika ng isang tinig sa isipan niya. "Oo nga naman, bakit ba ako masyadong nag-iisip? Ang mabuti pa ay subukan kong gamitin na ang cellphone! Tama!" wika niya sa sarili. Nagtungo na siya sa kanyang higaan. Hindi na niya nagawa pa na magpalit ng pambahay dahil sa sobrang excitement na nadarama niya. Humiga siya at sinimulan na pag-aralan ang paggamit sa cellphone. Hanggang makarating siya sa application na games. Nawili siya sa larong snake sa cellphone niya. Iyon rin ang madalas laruin ng classmate niya na may sariling cellphone. Hindi na niya namalayan ang oras. Katok ng kanyang kapatid ang nagpahinto sa paglalaro niya. "Ate, kain na raw sabi ni Mama," wika nito sa malakas na tinig buhat sa kanyang pintuan.  "Susunod na'ko, Andy!" sagot niya sa kapatid. Dali-dali siyang nagbihis ng pambahay at lumabas na. Ipinatong na lamang n'ya sa lamesita ang cellphone. Dinatnan niyang nagsisimula ng kumain ang kanyang magulang at dalawang kapatid.  "Maupo ka na, Carmela," wika ni Nicanor sa kanya. Hindi lingid sa kaalaman niya na hindi niya ito tunay na ama. Ngunit sa kabila na hindi siya nito kadugo ay itinuring siya nito na tunay na anak. Mabuti ito sa kanya kaya masasabi niyang swerte na siya. Papa rin ang tawag niya rito. Natapos ang hapunan na hindi na siya kinompronta muli ng kanyang ina. Panay ang sulyap niya rito nang kumakain sila ngunit sa pagtataka niya ay hindi siya nito tinitingnan. Dalangin niya na sana ay hindi talaga ito naghinala sa kanya. Kinabukasan ay masaya siyang pumasok sa eskwelahan. Excited siyang ipakita sa classmate ang bagong cellphone. Nakasabay niya sa daan si Angelina, isa sa classmate niya at kaibigan na rin niya. "Hi, Angelina," pagbati niya rito. "Hello, Carmela," tugon nito na nakangiti. Pagkuwan ay napansin niyang pinagmamasdan siya nito habang naglalakad sila.   "Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya rito. "Wala naman, Carmela," tugon nito. "Pero mayroon kasing kakaiba sa'yo ngayon. Hindi ko lang maisip kung ano, pero may iba," dagdag nito. "Masaya lang siguro ako, Angelina. Kasi may cellphone na'ko!" masaya niyang balita rito. Pagkuwan ay kinuha niya sa bulsa ng palda ang kanyang bagong cellphone at ipinakita rito. "Wow! Napakaganda naman niyan! Patingin naman ako!" excited na sabi naman ni Angelina kaya ibinigay niya rito ang cellphone. "Wow! Kaya naman pala maaliwalas ang mukha mo! Rich girl ka na rin!" wika nito habang masusing tinitingnan ang cellphone. "Kailan ka bumili?" tanong pa nito.  "Regalo lang sa akin iyan ni Paolo nang monthsary namin," pagmamalaki niya rito. "Wow! Bongga! Swerte mo naman kay Paolo. Sabagay swerte rin naman siya sa'yo. Napakarami kaya ng nagkakandarapa sa'yo. Deserve mo lang na regaluhan niya nito," komento pa nito. Iyon naman ang gusto niya kay Angelina. Very supportive sa kanya.  "Ipakita natin mamaya sa classmate natin ang bagong cellphone mo para naman makita nila na mayaman ka na rin. May kaibigan na akong mayaman!" masayang wika pa nito. Sa eskwelahan kasi nila kapag may cellphone ka ay matatawag ka ng mayaman. "Hmmmp, bigay lang naman sa akin iyan, Angelina. Pero ipapakita ko sa classmate natin. Kukunin ko na rin kasi ang cellphone number nila mamaya," sagot niya rito.  "Kailan kaya ako makakabili ng cellphone?" himutok nito.  "Malapit na, Angelina. Trust lang," sagot niya rito habang sabay pa rin sila sa paglalakad papunta sa eskwelahan. May mga ibang estudyante na silang nakasabay sa paglalakad. Ang ilan ay nagmamadali sa paglakad. Ang ilan naman na kalalakihan ay sadyang sumasabay lamang sa kanila at binabati siya. Nginingitian lamang n'ya ang mga ito bilang pagbati. Hindi pa nakatiis ang isa at tinanong siya. Matangkad ito at gwapo pero hindi niya kilala. "Hi, Carmela," pagbati nito. Hindi na siya nagtataka kung bakit alam na nito ang pangalan niya. Medyo popular na kasi siya sa eskwelahan dahil siya ang palaging kinukuha bilang representative sa beauty contest ng eskwelahan. "By the way, ako nga pala si Alexander," pagpapakilala pa nito at iniabot sa kanya ang kamay. Alanganin siyang abutin ang kamay nito. "Ako nga pala si Carmela," pakilala niya rito kahit alam na niyang kilala na siya nito. Hindi na niya inabot ang kamay nito. Baka kasi may makakita at isumbong siya kay Paolo. Nahihiya lamang siya sa lalaki na hindi niya pansinin. Baka masabihan siyang suplada. "Siya naman si Angelina, kaibigan ko," pagpapakilala niya kay Angelina sa lalaki.  "Hi, Angelina," pagbati nito sa kaibigan na ginantihan lamang ng ngiti ni Angelina. Pagkuwan ay tumikhim ito. "Hmmm, Carmela, pwede ba na kunin ko ang cellphone number mo," tanong pa nito. "Huh?" tanging sambit niya.  "Hay, naku, may boyfriend na si Carmela. Kaya hindi na pwede," singit naman ni Angelina. Napakamot naman sa ulo ang lalaki. "Ganoon ba, sige. Salamat na lang, Carmela," sabi nito habang kumakamot sa ulo. Hindi na rin nila namalayan ang biglang pagsulpot ni Paolo sa harapan nila. Makikita sa mukha nito na may tinitimpi itong galit. Hinawakan nito si Carmela na medyo nakaramdam ng kaba. Kapagkuwan ay binalingan ang nagpakilalang si Alexander. "May problema ba tayo, pare?" maangas na tanong nito kay Alexander. Malakas ang loob nitong sumugod dahil kasama nito ang barkada na nakaantabay sa likod nito. "W-wala naman, pare," sagot naman nito na umuurong. Marahil ay umiiwas ito sa gulo. "May tinatanong lamang ako kay Angelina," sagot pa nito at tumingin kay Angelina na tila humihingi ng tulong. Mabilis naman itong naunawaan ni Angelina kaya pagkuwan ay umayon siya kay Alexander. "Oo, Paolo, may tinatanong lamang si Alexander sa akin," singit ni Angelina. Tiningnan ni Paolo si Angelina sa paraan na inaarok nito kung nagsasabi ba ito ng totoo. Taas ang noo naman na tumingin si Angelina kay Paolo. Isa lamang ang naisip nito. Iyon ay ang maiwasan ang gulo. Isa ang grupo ni Paolo sa kinatatakutan sa eskwelahan at marami ang nangingilag sa grupo nito dahil sanay ang mga ito sa pakikipag-away. Hindi nga nito maunawaan kung bakit nagustuhan ito ni Carmela. Marami naman ibang gwapong manliligaw si Carmela pero si Paolo pa ang sinagot nito. Gwapo naman din ito kaya nga lamang ay mayabang. "Sige, mabuti naman kung ganoon," wika muli nito kay Alexander. Pagkuwan ay tumingin kay Carmela na kasalukuyan na nakatingin kay Angelina. "Carmela, tara na," pag-aya niya kay Carmela at agad na hinawakan ito sa beywang. Nagpatiuna naman na naglakad si Angelina habang si Alexander ay huminto sa paglakad kasama ang mga kasamahan at nagkasya na lamang sa pagtanaw sa paglalakad nila Carmela. "Kumusta ang tulog mo, Caramel?" pagkuwan ay tanong ni Paolo sa kanya na may ngisi pa sa labi at tila nanunukso. Nakatingin rin ito sa dibdib niya habang nakahawak ang isang braso nito sa beywang niya. Kaya namula si Carmela. Mabuti na lamang at nauna na naglalakad si Angelina sa kanila kaya hindi sila nakikita. Walang pakialam si Paolo sa paligid. Parang sinasadya pa nito na ipakita sa lahat na nobya siya nito at ito lamang ang pwedeng humawak sa kanya. Hindi lamang niya ito masuway dahil ayaw niya na magalit ito sa kanya. "Maayos naman," matipid niyang sagot dito. "Ako, hindi mo ba ako tatanungin kung kumusta ako?" tanong nito na tila nanunukso pa rin. Nakapasok na sila sa gate ng eskwelahan.  "Kumusta ka nga ba?" tanong niya rito.  "Napanaginipan kita, Carmela," mahinang bulong nito sa tainga niya pagkatapos ay tumawa. "Sige na, Caramel, mamaya ulit," paalam nito sa kanya nang mapatapat na sila sa classroom nila. Hindi sila magkaklase, taga ibang section kasi ito. Sakto lamang ang dating nila. Tumunog ang bell, hudyat ito na kailangan na nilang magpila sa bulwagan ng eskwelahan para sa flag ceremony. Habang nasa pila ay hindi na bago na may kanya-kanyang grupo ang nag-uusap habang hinihintay ang teacher na naka-schedule na manguna sa seremonya. Lumapit sa kanila ni Angelina ang grupo ni Geraldine, isa sa classmate niya. "Carmela, may cellphone ka na pala," wika nito sa kanya. "Patingin naman kami!" excited na wika nito kasama ang iba pa nilang classmate na grupo nito. Masaya naman niyang inilabas ang cellphone mula sa bulsa at iniabot kay Geraldine. "Wow! Carmela, napakaganda," wika ni Geraldine habang excited na pumindot sa application key. "Ano? Gusto mo ng textmate?" alok pa ni Geraldine sa kanya. "Bibigyan kita. Maraming naghahanap ng textmate sa lugar namin. Teka sandali," saad pa nito at kinuha ang sariling cellphone mula sa bulsa. Isa si Geraldine sa classmate niya na may kaya sa buhay. Nakatira ito sa isang sikat na subdivision kaya hindi na siya nagtataka na marami itong kakilala na may cellphone sa lugar nito. Tanging mayroon kaya sa buhay lamang ang nakakatira sa lugar nito.  "Ahmmm, Geraldine, hindi muna siguro ako makikipag-texmate. Boyfriend ko na si Paolo, hindi ba?" wika niya rito na humihingi ng pang-unawa. "Sus! Textmate lamang naman kayo. Friends lamang, ganoon. Wala naman masama roon, Carmela," katwiran pa nito. "Hindi ba tama ako, girls?" baling nito sa grupo nito na sinang-ayunan naman ng lahat. Dahil doon ay siniko siya ni Angelina at binulungan. "Carmela, baka makarating kay Paolo na nakikipag-textmate ka sa iba. Nakita mo naman siguro ang ginawa ni Paolo kay Alexander kanina. Siguradong malalaman ni Paolo na nakikipag-textmate ka. Maraming mata sa paligid iyon. Baka isumbong ka," mahabang paalala ni Angelina sa kanya. Naisip nga niya na tama ito at baka pagmulan pa ng away nila ni Paolo. "Siguro, Geraldine, hindi muna ngayon. Baka kasi magalit si Paolo," pinal na wika niya. "Okay, sige, ikaw bahala. I-save mo na lamang ang number ko kung sakali para if ever na gusto mo ng textmate ay agad kitang mabigyan," sagot ni Geraldine. Nagpalitan sila ng cellphone number pati na rin ang ibang kaklase na may cellphone. Natapos ang maghapon at nakauwi siya sa bahay. Hindi siya naihatid ni Paolo dahil may practice ito ng basketball. Nag-text ito sa kanya at sinabing babawi ito sa kanya sa susunod na araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD