- Ethan Hernandez's Point of View - "KUYAAAAAA!" Andito ako ngayon sa kwarto ko, ginagawa ko yung surprise ko kay Elle mamaya at ayaw ko magpa-istorbo. May DON'T DISTURB signage sa labas ng kwarto ko. "KUYAAAA!" Kulit talaga nito ni Keneddy! "Pasok!" "Kuya al----" Di ko pinatapos yung sasabihin niya dahil sesermonan ko muna siya. "May balak ka bang sirain yung pinto ko? Ha Keneddy?" Sobrang lakas naman kasi kumatok. Kala mo six footer na tao yung kumakatok sa pintuan ko. "Sa ganda kong to, maninira lang ako ng pinto? Kuya, please!" Umirap pa siya sabay flip ng hair "Ano ba kasing kailangan mo? Istorbo ka e. Nakita mo ba yung signage sa labas?!" "Yah. May mata ako. Sasabihin ko lang naman ang pinaka-bad sa lahat ng bad na bad news." Medyo magulo. "What's that?" "Andyan na yung da

