Binilugan ko ang October 20, 2013 dahil pang-isang taon na namin ni Ethan simula nung sinagot ko siya. Di ako makapaniwala na naka-abot kami ng isang taon na puro asaran at pikunan. Napa-ngiti ako at tinawagan si Ethan. “Happy Anniversary!” Bungad niya sakin “Tumayo ka na! Bilugan mo na yung date sa calendar mo, dali!” “Batiin mo naman ako!” “Ayoko nga, masyadong sweet e.” “Pati ba naman pag-bati, pinagdadamot mo pa sakin! Yung kwek kwek, choco choco, stick-o ko di ko naman pinagdadamot sayo ha!” “Hindi nga pero tinitipid mo naman ako! Isa isa lang binibigay mo sakin. Sa tingin mo ba mabubusog ako dun? Hanggang ngala-ngala ko lang yun e!” “Ang daming sinabi, happy anniversary lang naman ang gusto ko marinig sayo.” Naging malungkot yung boses niya sa kabilang linya “Iyak ka muna.” T

