"Anong schedule ang pinagsasabi mo?"
"Can't you state the obvious?"
"Siyempre alam ko kung anong ibig sabihin ng schedule!"
"Bat ka pa nagtatanong? Tsss."
"What I mean is, panong schedule? Schedule para san?"
"Schedule kung kelan mo ako kasama at kung kelan mo kasama si Chase."
Ano ba yan! Ang dami namang alam ng masungit na'to! Na-abduct na yata ng mga aliens yung utak niya kaya ganito mag-isip e.
"Hoy Mr. Sungit, napaka-dami mo namang alam! Ang sarap mo sipain papuntang Mars!"
"Gumawa ka nalang diyan. Ang dami mo pang satsat. Alam ko namang nagpapakipot ka lang."
"Anong nagpapakipot ang pinagsasabi mo diyan ha?"
"Pakipot ka pa, alam ko namang ako ang mas gusto mong kasama."
Hands down na talaga ako sa kakapalan ng mukha netong masungit na'to. Napaka-taas ng self esteem! Hangang hanga sa sarili niya e. Kulang nalang, magpagawa siya ng sarili niyang estatwa.
"Hoy ikaw! Ethan Hernandez!Matuto ka nga mandiri diyan sa mga salitang lumalabas diyan sa bibig mo! Sabi ko naman sayo, ibahin mo ako sa mga babaeng disabled na nagkakagusto sayo."
"HAHAHAHAHAHAHA!"
"A-anong nakakatawa?" Nauutal-utal pa ako. Di talaga ako makapaniwalang nakikita ko siyang tumatawa.
"Yung mukha mo! Nakakatawa! Hahaha! Lumalaki yung ilong mo kapag nagagalit ka. Ang panget mo! Hahahaha!"
"Hindi porket gwapo ka magalit, aasal ka na ng ganyan ah. Baka gusto mo talagang sipain na kita papuntang Mars."
"Sinabi mong gwapo ako? Hindi na ako nagtataka. Madami nang nagsabi niyan."
"Err! Oo na! Oo na! Gagawa na ako ng schedule! Manahimik ka na nga!"
Pinagpapawisan ako kakaisip kung pano ko sila ilalagay sa schedule? E gusto ko palaging free yung sched ko. Yung tipong, me myself and I lang yung kasama ko.
SCHEDULE
Monday- Ethan
Tuesday- Chase
Wednesday- Ethan
Thursday- Chase
Friday- Ethan
Saturday- Chase
Sunday- Elle (DO NOT DISTURB!)
Hinablot sakin ni Ethan yung ballpen at may sinulat dun sa schedule. Kapag dudungaw ako, itatago niya. Sus! Para namang hindi ko mababasa yun. Patago-tago pang nalalaman
"Oh eto." Pagkatingin ko dun sa schedule. May nakasulat na note.
Note: Bawal maki-sawsaw sa schedule ng may schedule.
"Sabi na nga ba, pakipot ka lang. Ako din naman pala ang gusto mo kasama mamaya."
Hay buhay nga naman, parang life. Nakakapagod naman ngayong araw! Masyado maraming nangyari pero aaminin ko, mukhang magiging exciting ang everyday life ko nang dahil sa kanilang dalawa.
"Babaeng skandalosa!"
"Ano nanamang kailangan mo?!"
"Give me your address." Inihaya niya yung palad niya
"Ayoko nga! Baka mamaya akyat bahay gang ka."
"Mukha ba akong akyat bahay gang?!"
"Sabi ko nga. Ibibigay ko na." Hinawakan ko yung kamay niya at sinulat dun yung address ko.
"Hinahawakan mo na kamay ko ngayon? Ang bilis mo naman yata."
Napatigil ako at biglang binitawan yung kamay niya tapos nilagay ko yung dalawang kamay ko sa likod ko.
"Tss. Dalian mo na. Ituloy mo na ang pagsusulat." Inihaya niya yung kamay niya sa harapan ko at tinitigan ko ito.
"Tss. Bilis."
"A-ah. Oo."
Yumuko ako habang sinusulat yung address namin sa kamay niya. Nakakahiya! Bakit ko nga ba kasi hinawakan yung kamay niya at naisipang dun isulat yung address namin.
"Goodafternoon, our princess."
"Manang, hindi ako magdi-dinner dito ha?"
"Sige po."
Umakyat na ako sa kwarto ko at ibinagsak ang katawan ko sa kama. Grabe! Pagod na pagod ako samantalang, wala naman akong ginawa kundi makipag-sigawan lang.
"E kung wag nalang kaya ako pumunta? Mukang boring dun. Hindi naman ako party goer."
Nagpagulong-gulong ako sa kama at napasabunot sa kaiisip kung anong mangyayari mamaya. Baka out of place ang itsura ko dun.
Biglang tumunog yung phone ko kay dali-dali akong tumayo para kunin ito sa bag ko. Muntik pa akong masubsob kakamadali.
May message from unregistered number kaya hindi ko nalang pinansin at bumalik nalang ako sa pagkakahiga.
Maya maya, tumunog nanaman yung phone ko kaya tumayo nanaman ako para tignan ito.
"Sino kaya to?" May tumatawag.
Unregistered number. Eto din yung number na nag-text sakin kanina. Baka naman kakilala ko to na nagpalit lang ng number kaya sinagot ko na.
"Hello?"
"Bakit hindi ka sumasagot sa text ko? Wala ka bang load?!" Boses palang at pagsigaw, kilala ko na agad kung sino to.
"San mo nakuha number ko?"
"Does it matter? Bumaba ka na diyan."
"Asan ka na ba?"
"Andito na ako sa baba ng bahay niyo. Bilisan mo."
"Oo na. Teka lang."
Paglabas ko, tumambad sakin ang isang gwapong halimaw na naka-sandal sa gwapo niyang blue BMW Convertible habang naka-cross arms, naka-wayfarers.
Tumingin sakin at lumapit. Bakit ganun? Parang nas-slow motion yung paligid. Ang lakas ng appeal niya ngayon. Ang gwapo gwapo tignan!
"GLC lang yan."
"Scan." Lalo niyang nilapit yung muka niya sakin at tinitigan ako sa mata kaya bahagya akong napa-atras.
"And swipe."
Ginalaw niya yung ulo niya papuntang kanan kaya lalo akong napa-atras dahilan para matumba ako kaso nasalo niya ako kaya sobrang lapit ng muka namin sa isa't isa.
"Bitawan mo nga ako. Ang daming alam. May pa-GLC GLC pang nalalaman."
"Alam mo tawag dun? Gwapo Lang Card. Kita mo, napatitig ka sakin."
"Ewan ko sayo!"
Tumayo ako dun sa tapat ng pintuan nung passenger's seat. Hinihintay kong pagbuksan niya ako kasi ganun naman dapat talaga! Yun ang role niya pero kakaiba talaga siya. Tuloy-tuloy lang siyang pumasok sa driver's seat at binuksan yung binatana sa may pinagkakatayuan ko.
"Pasok na."
"Di mo man lang ako pagbubuksan ng pinto?!"
"Kailangan pa ba yun?"
Wala na akong nagawa kundi sumakay nalang. Wala man lang gentleman genes 'tong masungit na'to. Akala ko pa naman meron kahit .99% lang!