Pagpasok namin dito sa Century Bistro. Mausok at amoy alak ang lugar, neon lights ang mga ilaw dito, masakit sa mata. Ang daming tao.
"Ang dami namang tao dito."
"Dito ka nga sa tabi ko."Hinigit niya ako palapit sa kaniya at inakbayan
Pumunta kami sa isang table kung saan andun ang barkada ni Ethan at ang F5. Kahit kailan talaga, mga earlybirds 'to.
"Oh, andiyan na yung paimportante. Tara, game na."Yaya ni Dylan tapos isa isa silang tumayo
"Diyan ka lang ha, wag kang pupunta kung saan saan."Sabi ni Ethan kayatumango nalang ako
"Anong gagawin nila?"
"Hindi mo ba alam? Performer sila."
"Sila? Performer? E mukang mga walang alam sa mga tugtugan yan e. Sus!"
Tumingin ako agad sa stage. Papanoorin ko sila ng maigi para pagbalik ni Ethan dito, lulunurin ko siya ng panlalait.
Pag-akyat nila, nag-set up muna sila ng mga instruments na gagamitin nila. Si Chase ang lead guitar. Waaah! Ang gwapo gwapo! Si Kevin ang drummer, si Luke ang rhythm guitar, si Dylan ang bass guitar at si Ethan ang..
"Vocalist?!" Medyo napalakas yung pagka-react ko kaya napatingin sakin yung mga naka-upo sa mga katabing table namin.
"It took one look and forever laid out in front of me. One smile and I died, only to be revived by you."
Pakiramdam ko, kaming dalawa lang yung tao sa loob ng bar. Nakatigil ang oras. Napatitig nalang din ako sa kanya at waring lahat ng dugo ko sa katawan ay napunta sa mukha ko.
"I take one step away then I find myself coming back to you. My one and only, one and only."
"I dedicate this song to the girl I like" Nginitian niya ako kaya bigla akong napayuko habang yung mga audience naman ay naghihiyawan na.
Napahawak ako sa may dibdib ko. Yung puso ko... Para akong tumakbo ng napaka-layo sa sobrang bilis ng t***k. Hindi ako makahinga. Bago lang sakin yung ganitong pakiramdam. Masarap siya sa feeling na ewan. Basta!
Nagulat nalang ako nang biglang may bouquet na lumitaw sa harapan ko na natatakpan yung mukha ni Ethan.
"Wow very prepared ha?"
"Panira ka talaga. Mag-thank you ka nalang."
"Edi, salamat!"
Umalis yung F5 kanina habang nagpe-perform sila Ethan. Hindi ko alam kung saan sila pumunta dahil hindi naman sila nagpaalam. Siguro nasa dancefloor sila. Sila Chase naman, hindi pa bumabalik. Si Ethan naman umalis din after magpakitang tao. In short, forever alone ako sa table namin kaya napag-isip isip ko na hanapin sila kaso habang nagiikot ako, biglang may humila sakin.
"Miss, mukang nagiisa ka yata? Sayaw muna tayo"
"Excuse me." Lalo niya akong hinila papalapit sa kanya. Hindi naman ako maka-alis sa pagkakahawak niya dahil ang lakas niya.
Matangkad na lalaki at malaki ang katawan ng lalaking nanghila sakin. Nakatayo ang buhok niya at nakakatakot ang titig sakin.
"Sayaw muna tayo."
"Excuse me, I really need to go now!"
"Sige na miss, kahit sandali lang"
"Ayoko nga!"
Nangingilid na yung luha ko sa gilid ng mata. Ayoko kasi sa lahat yung isasama ako kung saan saan tapos iiwanan din naman pala ako.
"Hindi mo ba narinig yung sinabi niya? Ayaw nga daw niya!"
Nagulat nalang ako nang bigla akong hinatak ni Chase papunta sa likod niya. Napa-upo nalang ako at walang nagawa. Ayoko talaga sa ganitong lugar.
"Dude, di mo ba nakikita na kasayaw ko pa siya. Wala namang bastusan."
Sinapak ni Chase yung nanghatak sakin kanina nung sinubukan nitong lumapit pa ulit sakin at hindi niya ito tinigalan hanggang sa may umawat sa kanya.
"Are you okay?" Inalalayan ako ni Chase na tumayo at napayakap nalang ako bigla sakanya.
"S-salamat."
"Halika na. Ihahatid na kita sa inyo."
Nagulat nalang ako nang bigla akong hatakin ni Ethan paalis sa pagkakayakap ni Chase at itinalukbong yung jacket niya sa akin tapos inakbayan niya palabas dito.
Habang nasa kotse kami, tahimik lang ako at nakatingin lang sa bintana. Nung niyakap ako ni Chase kanina, naramdaman ko ulit yung mabilis na pag-t***k ng puso. Yung parang naramdaman ko din nung kumanta si Ethan tsaka nung niyakap niya ako, pakiramdam ko ay ayoko nang kumawala doon dahil safe na safe ako.
"Hoy Mr. Sungit, bakit mo ba ako hinila?"
"Gabi na. Ihahatid na kita sa inyo." Maigsing sagot niya.
Gusto ko siyang sabunutan sa inis. Pagkatapos niyang gawing abnormal ang heartbeat ko kanina, bigla bigla nalang niya ako iiwan dun! Hay nako! Nakakainis talaga!