Chapter 21-Almost

2360 Words

Sunod-sunod na katok. Nakakabingi. Sa bawat kalabog na ginagawa niya sa pintuan ay katumbas ng isang matulis na punyal na tinatarak sa aking dibdib. Wala akong makita ngunit naririnig ko ang bawat pangyayari. Ang kanyang pagsigaw at pagsusumamo na pagbuksan siya ng pinto. Sunod-sunod ang pagpasok ng ilang karayom sa aking ugat. Mahapdi at parang nanunoot ang sakit sa bawat daanan ng xalium. Kung hindi ako nagkakamali ng bilang, nakasampong syringe na ng tarak si Pea simula nang sinalo niya ako nang muntikan na akong matumba. "Hold on Ali, don't let it happen. Hindi ka pwedeng mabulag!" mariing sigaw ni Pea na abala sa pagsasayos ng mga aparatong ginamit para agapan ang pagkabulag ko. Pakiramdam ko'y binabalatan ang buong katawan ko. Tila pumutok ang mga ugat ko sa katawan nang abusuhin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD