He sat down... Right there –infront of my pretentious eyes. His eyes consoling and trying to check if I was fine. Napatiim bagang ito nang wala akong naging reaksyon sa pag-upo niya sa harapan ko. Nakuyom nito ang mga palad at yumuko na parang hindi nito maatim na tignan ang kalagayan ko. Base sa reaksyon nito, tila alam na niya ang gusto kong iparating –na nabulag ako at hindi ko na nakikita ang bawat kilos niya. "A-Alison," basag ang tinig nito nang muli akong tignan, nangingilid ang mga luha nito habang sapo ng dalawang palad ang mukha, hindi makapaniwala sa nakikita. "What happened?" Diretso ang tingin nito na tila kinakabisa ang bawat detalye ng aking mukha. Nanatili ako sa kinauupuan na parang isang monumento -isang batong sumisimbulo sa alaala ng nakaraan. Hindi ako sumagot kahit

