Nagsimulang magrigodon ang puso ko nang unti-unting napagtanto kong may digmaan. Ito na ang simula ng bangungot na ilang beses kong pinagdasal na hindi sana mangyari. Pero heto kami ngayon, nagsisimula nang harapin ang isa sa isang daang hamon ng kamatayan. Nangyayari na! Naramdaman ko ang marahang paghawak ni Alec sa kamay ko habang nilalagpasan kami ng mga nagtatakbuhang archers at swordsmen. Mabilis na lumabas at nag-assemble ang bawat layers ng squad: ang first layer ay ang defense force o grupo ng mga highly trained soldiers at karaniwang may mga malalaking pangangatawan. Hawak ng mga ito ang mahabang sibat at isang malaking shield sa kanilang kaliwang braso. Nasa second layer naman ng army ng Claremur ang swordsmen na nahahati sa dalawa, ang short ranged and long ranged skilled warr

