Buhay pa pala ang traydor na sumira sa buhay namin. Ang batang inaruga at inalagaan ni amang Lucas ngunit ipinagkanulo din sa huli at naging dahilan ng kamatayan nito. Siya ang dahilan kung bakit kami natunton ng mga sundalo ng Alpha. Siya ang dahilan kung bakit nandito kami ngayon at nakikipaglaban para mabuhay. May pinagsamahan naman kami ni Bue kahit papaano. Magkasama kaming lumaki nito at nagturingang magkapatid. Pero lahat ng 'yon naglaho simula nang ipahamak niya kaming lahat dahil sa pansarili niyang interes. Nilimot ko na ang lahat ng alaala kong kasama siya. Ngayo'y isa na siyang estranghero para saakin, isang estrangherong babagsak sa kamay ko ilang sandali lamang. Mabilis kong pinaikot ang mga sanga ng aking chains upang habulin ang tila hindi mapakaling si Bue. Lapastangan.

