How could something so impossible become so believable and almost real? Napaluhod ako sa sobrang panghihina ng tuhod ko. Hindi ako maaaring magkamali sa nakita ko sa utak ni Bue. May bahagi no'n na konektado sa mga panaginip ko! Sa anim na aninong pakiramdam ko'y bahagi ng pagkatao ko! Papaanong nagyari ang lahat? Papaanong nabuo ang Delta? Kailangan kong makuha ang libro! Kailangan kong malaman kung sino ang mga aninong iyon! 'Yon ang susi, ang tanging susi sa lahat ng kaguluhang iyo. "Alison! Huwag kang magpapadala sa kanila! Nililinlang ka ni Bue!" sambit ni Sheryl habang hinahabol ang paghinga at parang sinasakal. Narinig ko si Sheryl pero parang nakasabit parin ang mga paa ko sa pagkakalugmot sa mga eksenang pinakita ng lalaki. Nilalamon na ako ng mga tanong sa utak ko. Sumisiksik

