Bilisan mo Alison! Take all the energy and escape! Sigaw ng isang boses babae sa aking panaginip. Dinalaw na naman ako ng bangungot na hindi na ako tinantanan simula pagkabata. Malapit na naman akong managutan ng hininga. Kailangan ko nang makatakas sa panaginip na ito! Bagay na halos sanay ko nang gawin. Malakas ang sipol ng hangin sa labas ng silid kung saan ako nagkaroon ng ulirat. Humahalik ang malamig at basang sahig sa aking pisngi at nalanghap ko ang amoy ng bakal at goma. Nasaan ako? Anong nangyari sa mga kasama ko? Totoo bang si Levi ang nakita ko bago ako nawalan ng malay? Magkakarugtong at halos nagbuhol-buhol ang mga tanong sa utak ko. Hindi ako kaagad bumangon. Tiniis ko ang masangsang na amoy ng silid. Kailangan kong makita kung ano ang nasa paligid bago ako kumilos. Hindi

