Chapter 2-Run. Hide. Run

2237 Words
Nanginig ako. Hindi ko alam kung anong gagawin sa mga oras na 'yon. Patay na siya... patay na. I was in denial. Though, my ability was ninety percent accurate, I was denying the fact that Lucas is dead because it only hurts more than anything. "Ali! Tell me, what happened?" Nanginginig na tanong saakin ni Levi habang hawak ako sa magkabilang balikat. Ramdam ko ang takot sa puso nito. Natatakot itong malaman ang katotohanang patay na ang kanyang ama. Patay na ang kinikilala kong ama. Base sa reaksyon ko kanina ay alam na nito ang tunay na nangyari. He just needed the confirmation which I can't give because it will only kill us knowing the truth. "Ate, anong nangyari kay ama?" Among all of us, Sheryl was the most vulnerable. Narinig ko na ang bahagya nitong paghikbi. Nagkaroon na siguro ito ng ideya kung anong nangyari. Alam kong madudurog ang puso nito kapag sinabi kong pinaslang si amang Lucas sa harap ng maraming mamamayan. Na pinugutan ito ng ulo matapos hilain ng mga kawal at iparada sa buong siyudad. Napasinghap pa ng hangin si Levi bago pinilit na kumalma ang sarili. Then without hesitation, he asked. "Is he dead?" Hindi ko ito nilingon o tinignan man lang sa mata. Nakayuko ako at tanging ang mga damong naninilaw ang nakikita. Hindi ko na kailangan pang patagalin ang pagdurusa ng mga kasama ko. As I exhaled and gathered my guts, tumango ako bilang kompirmasyon na patay na nga si amang Lucas. Napaluhod sa harap ko si Levi sapo ang kanyang kamay. Tuluyan nang kumawala ang hagulgol nitong kanina pa nagbabadya. Naiyak din so Sheryl at si Allen ay pupungas-pungas sa isang sulok. Wala na. Wala na ang aming haligi. "NO!" Isang nakakabinging sigaw ang binitiwan ni Levi. Dinig yun sa buong isla. Then I realized, na wala na ito sa harapan ko. He used his space bending ability to get away from us and be somewhere. Maghihiganti si Levi? "Kuya!" Sigaw ni Sheryl na umiiyak parin. That time, I had to use my ability to stop Levi from whatever he's planning. I know he's going to avenge his father but it's too early to do it. Tinuon ko ang aking tingin sa lugar kung saan ito tumakbo. Hahabulin ko siya gamit ang aking chanelling ability. Tila isang kuryenteng mabilis na gumapang sa lupa ang aking vision habang hinahanap ang t***k ng puso niya. Isang human heartbeat tracking device ang ability ko. Kaya kong hanapin ang mga kasama ko lalo na kung kilala ko at saulado ang t***k ng kanilang mga puso. Bawat alius ay may signature heartbeat na kaya kong tandaan at hanapin sa limitadong milya. Kaya ko ring kontrolin at baguhin ang emotional state ng isang tao by just looking at their eyes and hearing their heartbeat. Naging mas accurate at precise ang tracking and controll ability ko dahil sa tulong ng amang Lucas. Ilang minuto lang nahanap ko ang tumatakbong si Levi. Patungo ito sa may bangkang nakasampa sa buhanginan. Mabilis kong nahuli ang heartbeat nito. Sa lahat ng tao sa isla bukod kay amang Lucas, siya ang pinaka-kabisado ko. His emotion was hightened. Kinontrol ko ito at pinakalma. Hindi naging madali iyon, nanlaban ito at pinilit na putulin ang aming koneksyon. "Get off my system Ali!" Utos nito na handa nang buksan ang portal patungong Alpha. Levi can compress and swap spaces, isang spatial talent. Kaya nitong bumuo ng portal para mabilis na makarating sa isang lugar. Pero pinagbawalan na ito ni amang Lucas dati dahil sa isang insidenteng kamuntikan na niyang ikamatay. Hindi pa nito namamaster ang kanyang skill. Sa di malamang dahilan ay mahirap daw itong gawin. "No, I won't. Hindi ka pwedeng umalis mag-isa. Kailangan ka ng mga bata. Kailangan ka namin." I speak from the heart na alam kong naramdaman niya. "Kailangang nilang mamatay. Kailangang managot ng mga hayop na yun!" Mas naging intense ang heartbeat nito. I felt his heart pumping so fast. "f**k! s**t! Bitiwan mo ako!" Naramdaman ko ang galit nito, ang kumukulong dugo nito na dumadaloy sa buo niyang katawan. I didn't let go. It was the right thing to do and I know Lucas would have wanted me to do the same. "Levi, it's not yet time. Hindi mo pa sila kaya. Mamamatay ka sa gitna ng Alpha nang hindi mo naipaghihiganti ang iyong ama!" Those words made him calm a little bit. He realized I was correct. I was expecting him to become serene but he didn't. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso nito. Parang kinakabahan na natatakot. "Holly s**t!" Sigaw nito. "Levi? W-what's wrong?" Tanong ko dito. "The Alphas are coming! I can see the combat vessels coming! Ilikas mo ang mga bata! Meet me at the foot of the mountain north east!" Mabilis na utos nito saakin. Nataranta ako. Mabilis na nawala ang koneksyon ko kay Levi. Napansin ni Sheryl at Allen ang biglang pagkabahala ng aking itsura. "Ate, anong nangyayari?" Nag-aalalang tanong nito habang nagpupunas ng basang pisngi dahil sa pag-iyak. "Napano si Levi?" Tanong ni Allen. Bakas na din sa mukha nito ang pag-aalala. I had to warn them. Kailangang mabilis kaming makalikas. "Allen, Sheryl. Ang mga bata! May paparating na mga kawal ng Alpha sa isla!" Parang nagahol na kami sa oras. Hindi ko alam ang unang gagawin dahil sa sobrang pagkataranta. Ilang saglit pa ay nagempake na ako ng mga kakailanganin. Inuna ko ang mga first aid kit, mga ilang makakapal na damit at mga mahahalagang dokumento na pinakatatago ni amang Lucas. Paalis na ako sa kampo upang ipunin ang mga kasama namin pero biglang may nahulog na notebook na kulay brown at may naninilaw na pahina. Halatang luma na ito. Pinulot ko iyon sabay basa sa nakasulat sa harapan nito 'Alison Irina' at may selyo 'yon ng sinaunang pamahalaan ng Lotus. Bahagyang napakunot ang noo ko, pero agad din akong bumalik sa huwisyo. Mabilis ko iyong isiniksik bag na halos di na magkasya ang laman at agad na tumalikda. Paglabas ko ng kampo ay naabutan kong umiiyak sa isang sulok si Zia habang ang iba ay abala sa pag-iimpake. Everything around her was floating at parang hindi na nito nakontrol ang sarili, marahil ay nabigla ito sa kaguluhan sa paligid. Agad ko itong nilapitan at kinarga. "Ali, anong nangyayari?" Humihikbi-hikbi pa ito habang pinapatahan ang sarili. "Lilikas tayo. Dun sa may maraming flowers and butterflies." I tried to make myself convincing. Kinailangan ko itong bolahin para tumigil sa pag-iyak. "So kapit ka lang sa ate ha? Dadalhin kita dun sa may butterflies, diba favorite mo ang mga butterflies?" Tumango ito. It broke my heart seeing her innocent face in the middle of this turmoil. Niyakap ko ito ng mahigpit. Saka hinaplos haplos ang likuran nito. "Everything will be fine baby." Nakahanda na ang lahat. Karga-karga ng mga teenagers ang mga batang alius papalikas papuntang paanan ng bundok ng Nirad kung saan kami magtatago. Yun din ang sinabing taguan namin ni amang Lucas kung sakaling magkasalakayan. Mabilis kaming halos maglakad-takbo. Karga-karga ko ang batang si Zia na noo'y walang kamalay-malay kung anong nangyayari at posibleng mangyari. Naglibot si Bue sa buong isla upang manmanan ang mga kawal. Mabilis nitong nalilibot ang isla dahil sa angking bilis. Ilang minuto lang ay nakabalik na ito sa kinaroroonan namin, ni hindi hiningal o pinagpawisan. "Ali, nasa kabilang ruta sila! Makakasalubong natin sila kapag diyan tayo dumaan!" Bue warned us. Lagot na. Kapag bumalik pa kami paikot ay baka maabutan kami ng mga kawal. "Ilang grupo ang papasok ng isla?" Tanong ko dito. "Isa lang. Northern part kung saan tayo papunta. Kailangan nating bumalik at umikot sa kabilang side ng isla!" Bue stated with a frightened tone in his voice. "Ate, may alam kaming ruta ni Allen bukod sa magkabilang side. Mas mabilis dun pero kailangan nating dumaan sa may kweba." Sheryl suggested habang karga-karga nito ang batang si Brit. Umiling-iling si Bue. Tila hindi ito sang-ayon sa suhestiyon ni Sheryl. "Sheryl, nasaan ang daan patungong kweba?" Tanong ko. Yun na lang ang naiisip kong pinakamabilis na paraan para makatakas. Posibleng abutan kami ng mga kawal. "Nasa dakong kanan siya ng gulayan ate. Sa may makakapal na baging. Dun nakatago ang lagusan ng kweba." Tumakda ako. Agad na lumiko patungong gulayan ilang metro ang layo sa kampo. "Mga kasama, mag-iiba tayo ng ruta. Sundan niyo kami. Bilisan niyo." Sigaw ko pa. Sumunod naman ang mga kasamahan ko. Levi, nasaan ka na? Ilang hakbang pa lang ay bigla na naman kaming pinigilan ni Bue. Kanina pa ito hindi mapakali at tila hindi sang-ayon sa pag-iiba ng ruta. Natigil ito sa paglalakad. Dahilan para matigil din ang iba. "What's wrong Bue? Nadedelay tayo." Ani Allen na siguro'y nakahalata na rin sa pagbabago ng mood ng lalaki. "Ahh w-wala. L-let's go." Pautal nitong sagot saka nagpatuloy sa paglalakad. Sinubukan kong basahin ang nararamdaman nito. I did it on purpose dahil nagdududa na ako sa pagbabago ng mood nito. Sa paggapang ng malakuryenteng hibla na galing sa utak ko patungo sa kinaroroonan ni Bue ay tila nakaramdam na ito ng panlalamig. Binalot ng chanelling wire ko ang puso niya. Hindi ako nabigo. Kahit na mabilis ito ay hindi ito nakahalata agad at hindi nakaiwas sa pagbasa ko sa t***k ng kanyag puso. Mabilis. Kabado. Hindi mapakali. "Ali, w-what are you doing?" Tanong nito saakin without saying a word. He kept his pace normal na parang walang nangyayaring pag-uusap sa pagitan namin habang kami'y naglalakad. "I'm trying to read you. Hindi ka naman ganyan dati. Mula nang bumalik ka mula sa siyudad ng Alpha, parang naging iba na ang mga ikinikilos mo. May kailangan ba kaming malaman?" "Ali, you know how much I care for this group. Wala akong gagawin na ikasasama ninyo." Sagot nito trying to keep himself calm but he was obviously lying. May isang pitik sa sulok ng kanyang puso na kwestionable. "Don't lie to us Bue. I can shut you just right now. Hawak ko ang puso mo." Mariing sigaw bg ulo ko. Bago pa umamin si Bue, narinig ko na ang hiyaw ng isa sa aming kasamahan mula sa likuran. Sinubukan pang tumakbo ng ilan patungo sa kinaroroonan namin pero tinamaan na sila ng electric shot mula sa baril ng mga kawal dahilan para mawalan ng malay ang mga ito. Hawak ng mga kawal ang isa sa mga sandatang inimbento ng gobyerno laban sa aming mga alius, ang electro-rifle. Isang uri ng baril na nagrerelease ng isang massive electric shot. Nabiktima nito ang walo sa aming mga kasamahan. Patunay ang pangyayari na wala talaga kaming laban sa gobyerno ng Alpha. "Walang gagalaw!" Sigaw ng isang kawal nang magkumpulan ang sampong alius sa likuran ko. Nadakip na ang walo saaming mga kasamahan. Nasaamin parin ang limang mga bata. "Bue? Ikaw ba ang may kagagawan kung bakit tayo natunton?" I voiced out angrily. Himigpit ang yakap ko kay Zia na halatang natakot sa nakitang eksena. "Ali, hindi ko intensyong saktan kayo. N-nangako silang bibigyan nila tayo ng tirahan. Pagod na akong magtago kaya pumayag ako. Nang mahuli kami ni amang sa siyudad ay pinangakuan nila ako na hindi nila tayo sasaktan at bibigyan ng tirahan. K-kaya ko sila dinala dito." Paliwanag ni Bue. Hindi ito makagalaw dahil hawak ko parin ang bawat pagpitik ng pulso niya. Nakatutok na saamin ang mga baril na bumubuga ng kuryente dahilan para matakot ang mga bata. "Sumuko na kayo. Wala na kayong mapapala sa pagtatago niyo!" Banta pa ng isang kawal na nakasuot ng puting unipormeng gawa sa mamahaling tela at may mga nakapatong na protective layers against alius attacks. May protective gloves and boots pa ito na halatang ginawa para sa depensa laban sa amin. Ilang saglit pa ay isandaang kawal na ang nakapalibot saamin. Lahat may hawak na electric rifle na nakatutok sa kinaroroonan namin. "Ali, stay back!" Narinig ko mula kay Allen. Humarang ito sa harap ko at tila gagamitin ang napakadelikadong kakayahan. "Allen. N-no." Pigil hininga kong sabi. Bago ko pa ito makontrol ay nagamit na nito ang special ability. Biglang halos sabay-sabay na napaluhod ang mga kawal. Allen can control the gravitational pull and can manipulate air pressure of a certain area. Isang talentong siya lang ang nakakagawa. Though nakakaubos yun ng lakas at pwede nitong ubusin ang enerhiya ng kung sinumang gumagamit. Over using the ability and reaching its limit can lead to Allen's death. Matapos hilain pababa ang mga kawal ay pinalutang naman nito sa ere. He reduced the gravitational pull of the ground to make them float fifty feet above the ground. Ilang segundo pa bago napaluhod si Allen na tila naubusan na ng lakas. Sabay-sabay bumagsak ang mga kawal sa lupa. Halos nagkandabali-bali ang mga buto ng mga ito. But that fall wasn't enough to kill them. Halos walang galos ang mga ito dahil sa highly defined protective suit nilang suot. Agad nakabawi ang mga ito. "Teacher Ali..." natatakot na sabi ni Ivy na sumiksik pa lalo kay Sheryl. Napaatras kami nang biglang tinutukan kami ng mga hawak nitong rifle. Mukhang hindi na ito palalagpasin ang kalapastanganang ginawa ni Allen. "Men," sumenyas ang pinunong kawal. Sabay-sabay ang pagtutok saamin ng nakakakuryenteng baril. Dudurugin kami ng halos isandaang electric shot. "Fire!!!" Isang malakas na sigaw. Isang hudyat na katapusan na namin. Napatili si Sheryl kasunod nun sina Ivy at Zia na karga ko. Nanginig ako dahil naramdaman ko ang kanilang takot. Napapikit ako habang yakap-yakap ang natatakot na si Zia. ###
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD