Chapter 3-Ensnared

1798 Words
Isang nakakagimbal na tunog ang kumawala. Limang taon ako nang huli kong narinig ang tunog ng kumakawalang kuryente mula sa high-end rifles na hawak ng mga kawal. Napapikit ako habang yakap si Zia. Katapusan na namin! Tiyak ni isa saamin ay hindi na makakawala sa mga kuryenteng magdadala saamin sa lugar ng kamatayan. Dalawang segundo ang lumipas ngunit hindi ko parin naramdaman ang pagdapi ng malalaking hibla ng kuryente sa katawan ko. Wala paring lumalabas na hiyaw o sigaw mula sa mga kasamahan ko na nagpahiwatig ng sakit na dulot ng mga kuryenteng iyon. "Brit!" Dinig kong sambulat ni Sheryl. Iminulat ko ang aking takot na mata mula sa pagkakapikit. Nandoon parin ang mga kuryenteng pinapakawalan ng mga kawal mula sa kaninang rifles. Hindi parin sila tumitigil sa pagtatangkang kuryentehin kami pero bigo ang mga ito dahil sa isang malaking harang na nakabalot sa amin. Isang malaking transparent na bola ang bumalot sa aming lahat at nasa harap ko si Brit na matapang na nakataas ang kamay habang kinokontrol ang lakas ng harang na ginawa nito. Kaya pala wala ni isang alius ang kayang gamitan siya ng special ability dahil ito ang tunay niyang kakayahan... Akala namin dati ay mahina lang siya at walang kakayahan kundi protektahan ang sarili mula sa kapahamakan at sa pag-atake ng kapwa niya alius. Papano niya nagawa ito kahit na hindi pa tinuturo sa kanya? Bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan kung papaano harangin ng limang taong gulang na si Brit ang electric wave mula sa mga kawal. "Ate, mukhang kusang lumabas ang kakayahan niyang 'yan nang maramdaman niyang nasa panganib tayo!" Sabi saakin ni Allan. "Allen! Kunin mo ang mga bata! Allan, kunin mo si Brit sa oras na magawa kong hawakan at makontrol ang mga puso nila. Gamitin mo ang invisibility mo at tumakas na kayo dito! Hanapin niyo si Levi!" Sigaw ko sabay abot si Zia kay Allan. 'Yon na alang ang natatanging paraan para maligtas ang mga bata. Gagawin ko na kahit mapanganib. "Ate, hindi ka pwedeng maiwan dito mag-isa. Magkakasama tayo!" Naiiyak na namang sabi ni Sheryl. Ramdam ko ang maghalong kaba at lungkot sa basag na tinig nito. "Ito lang ang alam kong paraan. Hahanapin ko kayo!" Makahulugan kong sabi sa mga batang nagsimula nang magsi-iyakan. "Teacher Ali..." yun lang ang binanggit ng batang si Zia at mahigpit na yumakap saakin. Ayaw kumawala. "Shhhh. Dadalhin ka ng kuya Allen mo sa garden na madaming butterflies. Susunod ako okay?" Pigil sa pagluha kong sabi sa musmos. Tumango lang ito. Marahil ay nakumbinsi sa sinabi ko. "Sunod ka ha? Aantayin kita." Anang inosenteng bata bago ako gawaran ng halik sa pisngi. Nang abutin ito ni Allen at kargahin ay iniwas ko ang aking tingin dahil sa nagbabadyang mga luha. Sinubukan ko pa itong ikubli pero hindi ko na napigil. Tumulo ang aking mga luha kasabay ng pagpapakawala ko ng mga elastic chains mula sa aking katawan. Nakaluhod ako sa lupa nang pagapangin ko ang higit sa isandaang hibla mula sa aking isipan. Nakita ko pang gumapang ang mga ito sa lupa at lumusot mula sa harang na binuo ni Brit. Isa isa kong itinusok ang mga hibla ng sa binti ng mga kawal. Ilang saglit pa ay nakapulupot na ang mga hiblang iyon sa kanilang mga puso. Ito ang unang beses na gagawin ko ang multiple chaining o ang maramihang pagkontrol sa mga kawal gamit ang kakayahan kong kumontrol ng damdamin. Sinubukan ko ito noon ngunit sadyang nauubos ang lakas at enerhiya ko. Naramdaman ko ang tila isang malakas na tadyak sa aking sikmura. Dulot 'yon ng sobrang paggamit ko sa aking ability ang multiple chaining. Sinisingil na ako ng katawan. Nang masigsuro kong halos lahat ng kawal na nakapalibot saamin ay hawak ko na, sinenyasan ko si Allan na agad kunin ang abalang si Brit. "Allan! Ngayon na!" Sigaw ko nang mapapikit ako at nilabanan ang sunod-sunod na tadyak na naramdaman ko sa iba't-ibang bahagi ng aking katawan. Mabilis na tumakbo si Allan sa harap at binuhat si Brit na nawala sa konsentrasyon dahil pagkarga sa kanya ng binatilyo. Napansin kong agad na nawala ang dalawa. Kung kaya lang ni Allan na isama kami sa pagiging invisisible niya sana ay wala kami sa gantong sitwasyon ngayon. Kaso ay limitado lang sa isang tao ang kaya niyang gawing invisible. Mabilis ding tumakbo ang iba na nasa pamumuno ni Allen at Sheryl nang mapansin nila ang biglaang pagtigil ng pagpapakawala ng mga kuryente. Nahawakan ko sila ng sabay-saby pero alam kung ito'y panandalian lang. Hahawakan ko sila hanggang sa masiguro kong ligtas na ang mga ito at malayo na sa kamay ng mga walang hiyang Alpha. "Ughhh!" A pained voice came out as I tried to make the hold tighter. Kaya ko pa, kaya ko pang kontrolin sila at gawing inutil. Tagatak na ang pawis ko habang nilalabanan ang dumoblemg sakit sa buo kong katawan. Parang hinihiwa na sa sakit ang aking ulo habang binubuhusan ng kumukulong tubig ang aking utak. Tumulo ang isang mainit na likido sa aking ilong. Alam kong sa mga panahong iyon ay dumudugo na ang aking ilong. Pero hindi yun naging rason para pakawalan ko sila mula sa pagkakabilanggo. Limang minuto na ang lumipas nang maramdaman kong parang pumutok ang mga ugat sa aking mata dahilan para lumuha ako ng dugo. Halos maihi ako sa sobrang sakit ng katawan. "Kaya ko pa!" Sambit ko sabay kapit sa namamasang lupa. Levi, ikaw na ang bahala sa kanila. Yun ang huling sumagi sa isip ko nang maramdaman kong tila isandaang punyal ang tumarak sa buo kong katawan. I felt all the most painful pain all over me. After that, I can no longer feel anything except my beating heart. Bago pa mawala ang aking ulirat ay narinig ko ang isang boses habang sinisigaw ang pangalan ko. "ALI!" Malakas yun. It echoed and conquered the island. Napangiti ako, marahil ay iyon na ang huling araw naming pagkikita. Marahil... Nakatulog ako. O nawalan ng ulirat. Main Lab -Alpha Central Government Unit (ACGU), 7 a.m. Narinig ko ang langitngit ng mga nagbubunguang mga bakal. Parang binuksan ang isang rehas. Nakakabingi ang ingay nun kaya ako nagising. Iminulat ko ang aking mga mata. Madilim. Wala akong makita. Hindi ko alam kung nasaan ako dahil sa sobrang dilim ng paligid. Kinapa ko ang aking higaan. Nasa isang higaang bakal ako. Sabay na naramdaman ko ang lamig saaking likuran at kirot sa buo kong katawan. Sinikap kong gumalaw pero nakaramdam ako ng kirot sa buong katawan ko. Naramdaman kong ang bawat kagat ng sakit. Nanunoot ang hapdi sa aking tagiliran pati na rin sa magkabila kong binti. Nang tangkain kong iangat ang aking mga kamay habang nilalabanan ang sakit ay doon ko napagtanto na nakagapos ang ako. There's a hard manacle that held me prison. I can't struggle enough. Masyado pa akong mahina at masyado pang masakit ang aking katawan. "ARGHK!" I tried to scream as loud as I could and nothing came out but a whimper. Nag-init ang gilid ng aking mga mata. Naramdaman ko ang hapdi nang mapagtanto kong naluluha ako. Bakit hindi ako makakita? Bakit napakadilim parin kahit na nakamulat na ako? Did I lost my sight? Nabulag ba ako dahil sa sobrang paggamin ko ng multiple chaining? Noooo! Hindi pwede! Hindi ako maaring mabulag! "AHHRGGK!" I tried once more pero bigo parin. Masyado mahina ang katawan ko para makabuo ng isang malakas na sigaw. I gathered a generous amount of air in my lungs. Sisigaw uli ako hanggang may makarinig saakin. Hindi ako pwedeng mabulok dito. Nang tangkain kong sumigaw uli ay isang pabiglang pagbukas ng animo'y bakal na rehas ang narinig ko. May tao. Biglang naaninag ng mata ko ang pagbukas ng ilaw. Hindi pa pala ako nabulag. May benda lang na tumatakip sa aking mga mata. Narinig ko ang mga yapak na sa tantiya ko'y galing sa tatlong tao. Papalapit ng papalapit sa kinahihigaan kong bakal. Tinikom ko ang aking bibig at pinakiramdaman sila nang sa tingin ko'y nasa gilid na lang sila ng aking hinihigaan at malamang ay pinagmamasdan ang kaluno's-lunos kong itsura. "How is she Doc?" Anang isang boses lalaking tantiya ko'y nasa edad tatlumpo pataas. "She's awake sir. She'll be fine in three days." Anang isang babaeng may magandang boses na marahil ay ang tinawag ng lalaki na doktor. "How about the elixir or nostrum collector infusion? Kelan pwedeng gawin?" Tanong uli ng lalaki. Marahil ay isa itong may mataas na katungkulan sa Alpha. "In two days before the deployment. She'll be ready in three days." Sagot ng doktora. Naramdaman ko ang mainit na palad na dumantay sa aking kaliwang braso. Naramdaman kong pinunasan yun marahil ng bulak o ng basang tela. Pagkatapos nun ay dalawa pang kamay ang pwersahang humawak sa braso ko bago ko naramdaman ang pagdikit ng konting kirot sa kamay ko. Tinuturukan ako. Balewala na ang kirot na dulot nun dahil mas nangibabaw ang sakit sa buo kong katawan. "She's going to be fine sir. This alius has one unique ability na sa tingin ko ay magiging armas niya in three days. She can control emotions and possibly the human mind kapag nahasa. She's one of those rare talents that can be fatal to both alius and ordinary human." Paliwanag ng babae. "The human chain and controll ability. Hmmm" the guy paused for a reason I don't know, "that's something. She's special." "She is sir. Tiyak na pagkakaguluhan siya ng mga tao." The doctor seconded before she injected another serum on my arms. Pagkakaguluhan? Elixir collector infusion? Anong experimento ang gagawin saakin? Bakit ako lalagyan ng collector ng kemikal na yun? In two days before the deployment. She'll be ready in three days. Naalala ko pa ang mga binitiwang salita ng doktor. Napaisip-isip ako ng malalim hanggang sa napagtanto kong dadalhin na ako sa Delta in three days. Mangyayari na ang kinatatakutan ng bawat kriminal o ng isang inosenteng alius. Kung may lakas lang ang katawan ko, sana'y nahawakan ko na't pinasabog ang mga puso niyo. I gritted my teeth and created an anoying sound. Napahalakhak ang lalaking tinatawag na 'sir' bago ito nagsalita. "She's a fighter! She'd want to crush me right now! See? The extremes like her is our future. Soon enough magagawa na natin ang plano" Tama ka. Dudurugin ko ang buong pagkatao mo kapag nakawala ako dito. Sisiguraduhin kong magbabayad kayong lahat sa ginawa niyo kay amang Lucas at sa mga bata! Pero anong pinagsasabi niyang future at plano? Tingin ko'y madami pa silang napag-usapan pero hindi ko na yun napakinggan pa dahil dinalaw na naman ako ng antok. Marahil ay dahil yun sa itinurok ng babaeng doktor. Sana'y hindi na ako magising. Sana'y hindi na ako magkamalay kung sa pagbukas ng mga mata ko'y isang kagimbal-gimbal na kamatayan naman ang sasalubong saakin. Sana... ###
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD