Chapter 4-Ali's Culprit

2379 Words
The nightmare visited me again. Parehong detalye, lugar, at eksena. Wala paring mukha ang anim na taong nakapaligid saakin -dumadaing sa sakin habang ako di'y namimilipit sa kirot. Ilang ulit na ang panaginip na ito saakin pero ganoon parin ang takot na nararamdaman ko. I needed to escape just like what I usually do when the nighmare is almost killing me. Choking me to death. I gasped for an enormous air. Parang sa ilang sandali ay mauubusan ako ng hangin. Nakaramdam ako ng kirot sa kaliwa kong braso bukod sa mga mumunting kirot sa buo kong katawan. Kung ikukumpara'y mas matindi na ang sakit sa braso ko. Ilang oras ba ako nakatulog? O ilang araw? Bakit parang may matigas na bagay na nakabaon sa kaliwang pulso ko? Sinubukan kong bumangon at nagawa ko yun ng di na nahihirapan. The pain was tolerable. Wala na ako sa higaang matigas na bakal at hindi na ako nakagapos. Nasa isang malambot na akong kutson at hindi na gaanong madilim ang paligid. Wala na rin ang benda sa aking ulo kaya naimumulat ko na ang aking mga mata. Nasa loob ako ng isang kulungan. Isang maayos na kulungang may maliit na bintana sampung talampakan ang taas kung saan sumisilip ang sinag ng araw, may maliit ding lamesa katapat ng hinihigaan kong kama kung saan nakalagay ang isang puting papel. Naintriga ako sa papel na yun kaya sinikap kong tumayo para abutin ito. Tatlong hakbang ang layo nito mula sa kinahihigaan ko. Bahagya pang sumakit ang ulo ako nang makaisang hakbang na ako. Hindi ako nahirapang maglakad. Mukhang bumabalik na sa dati ang aking lakas. Nakatatlong hakbang ako nang naramdaman ko na naman ang sakit sa aking tagiliran at mga binti kasama na ang kaliwa kong pulso. Para akong sinasaksak ng mga kutsilyo ng paulit-ulit. Ininda ko iyon. Hindi kailangang maging mahina sa mga panahong gaya nito. Naabot ko ang papel. Sumandal ako sa pader at naupo sa tabi ng maliit na mesa. I had blurred visions but I tried to read them without any blink. Binasa ko ang nilalaman ng sulat: Ali, Try to protect your left wrist as much as you could because that holds your life now. We have infused the nostrum collector and that's the only key to survival when you reached Delta. Your only way to survive is to kill and avoid getting killed. As the government aims to keep the lowlands safe and peaceful, they shall deport you to the floating city of Delta where you will be held prison for the rest of your life. P.S, get back if you can and rebuild the future. Good luck! -Gen. Carlisle Gramaj Idedeport nga ako sa Delta; at ang matigas na bagay sa aking pulso ay ang nostrum collector o ang elixir storage. P-pero para saan ang infused device na 'to at bakit ito tinawag na only key to survival? Why is he telling me to get back and build the future? Naguluhan ako. Alam ko na na ipapadala ako sa floating island of death noong oras palang na nasa Lotus Island ako at kaharap ang mga kawal ng Alpha. Pero bakit kailangan nila akong lagyan ng nostrum collector gayong mamamatay din naman ako sa siyudad ng Delta? Anong gamit nito para mailigtas ang buhay ko sa napakadelikadong lugar na 'yon? Gumapang ako pabalik sa kama. Kumikirot na naman ang mga sugat ko sa katawan ay kailangan kong humiga dahil bahagya akong nahilo. Ibinagsak ko ang nanlalambot kong katawan sa kama at isinubsob ko ang aking mukha sa malambot na unan. Ilang taon ding hindi ko naranasang humiga sa malambot na kutson. Kahit papano'y may konsensya rin ang gobyerno ng Alpha at pinapadanas nila ang ilang oras na komportableng pagtulog bago ako ipatapon sa isla ng kamatayan. One insulting treat to a dying girl. Sinubsob ko uli ang aking mukha sa kama. Naramdaman ng kanan kong pisngi ang isang matigas na bagay sa ilalim ng aking unan. Kinapa ko 'yon. Nahawakan ko ang librong nakuha ko sa mga gamit ni amang Lucas. Napaisip ako ng ilang segundo bago napagpasyahang buklatin 'yon at basahin. It's a diary with 'Alison Irina' mark on it. There, I found out how Lucas found me and trained me. Nakakailang pahina na ako nang mapansin kong may tatlong pahina ang napigtas mula sa libro. Nagtaka ako. Napabalikwas ako ng bangon at itinapat ang napunit na pahina sa sinag ng araw. Bakas dun ang kakapunit lang na tatlong pahina. Pagkatapos no'n ay pawang mga letra at numerong hindi ko na mabasa ang nakasulat. Mga simbilo na wala akong idea kung ano ang ibig sabihin. Naisip kong marahil ay ang mga dumakip saakin ang kumuha ng mga nawawalang pahina at tila isang mahalagang impormasyon ang nakasulat doon. s**t! Anong nilalaman ng mga pahinang 'yon at ng mga simbolung ito? Bakit kailangang pigtasin nila? Is it something I needed to know or something that must be kept hidden from me for the rest of my life? Sa pagbalik ko sa higaan habang yakap ko ang nakapatong na libro sa aking dibdib ay agad na nabuo ang aking desisyon. Sa pagkagat ng dilim ko iyon gagawin... Hingal na hingal ako at hinahabol ang aking paghinga habang tahimik na tumatakbo palabas ng establisimiento kung saan pinag-experimentohan ang aking katawan. Kailangan kong makalabas sa lugar na ito bago pa ako abutan ng umaga at ipadala sa Delta. Kailangan ako ng mga bata. Mabuti na lang at nagkasya ako sa maliit na bintana sa silid na iyon at labilis kong natanggal ang bakal na nakaharang sa gitna nito gamit ang kanina'y bread knife na ipinuslit ko pagkatapos kong mananghalian. Lucas trained us well on how to escape and use our least resources. Thanks to him. "Crap!" Mahina kong sabi nang mapansin kong may tatlong nakabantay na kawal sa likod ng barrack kung saan ako ikinulong. Sinubukan kong lumiko pero may anim ding nakakalat na kawal sa bandang kaliwa at limang nagkukwentuhang sundalo sa bandang kanan. Nasa likod ako ng mga malalaking drum na itinambak sa likod ng gusaling iyon nang may dumaan pang walong kawal na masayang nagkukwentuhan. Kailangang kong pagplanuhang maigi kung saan ako aatake. I will take down the busy ones. Sa kanang bahagi ako aatake. Naisip ko. Pero bago pa ako makahakbang papunta sa limang abalang kawal ay may dumaang isang sundalo sa tapat ng pinagtataguan kong drum. Bigla akong nakaisip ng bagong plano. Pinagapang ko ang connecting chain na binuo ng aking utak hanggang sa makapulupot ito sa binti ng lalaki. Ilang segundo pa bago ito makalagpas sa kinalalagyan ko ay nakapulupot na sa kanyang puso ang hiblang nagdudugtong saamin. I guiltily closed my eyes as I tightened the hold to his heart causing him to suffocate. Then as I grit my teeth tight, I broke his heart... literally. He's my second kill. Napasinghap ako ng malalim. Bitbit ang aking konsensya, hinila ko ang lalaki patungo sa tagong tambak ng mga naglalakihang drum. Hinubaran ko ito ng saplot mula sa sumbrero hangaang sa bota nitong makapal. Ito ang unang pagkakataong lumapastangan ako ng isang tao. Saka ko na pagbabayaran 'to. Naisip ko pa bago ko kumpletong nasuot ang military suit ng lalaki na sobrang luwang saakin. Nakayuko kong tinungo ang gate na nasa likod ng gusali kung saan nakabantay ang tatlong kawal. Lalabas ako sa gate kunwari at humiling na sana'y hindi ako mapansin. Nakailang hakbang pa ako bago ako matapat sa tatlong nag-uusap na sundalo. "Excuse me officer! Nasaan ang I.D mo?" Anang isang pinakamatangkad sa kanila. Shit! Parang naiwan ko yung ID ng mama. Napakapa ako sa bulsa ng pants ko. Wala ito duon. Kinapa ko rin ang nasa harap na bulsa ng pang-itaas ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makapa ko ang ID. Agad ko iyong hinablot at isinuot na kunwari'y balewala ang nangyayari. "Teka, anong meron sa mukha mo at parang umiiwas ka ng tingin?" Tanong ng isa pa. Lagot na. Sigaw ng utak ko. Kaya bago pa man ako maputukan ng specialized firearm ng mga kawal ay mabilis ko silang tinignan sa mata at parang kidlat ding ginapos ang mga puso nila sa aking kontrol. Hindi ko alam kung paano ko iyon mabilis na nagawa. It might be the adrenaline. Mukhang mga robot ang mga ito habang sabay-sabay kong inutusang sumunod saakin. Hangga't maari'y ayoko nang pumatay. Sapat na ang isa para sa gabing 'yon. Habang nasa kontrol ko ang tatlong kawal ay mabilis kong kinapkapan ng susi sa gate ang mga ito. Nasa matangkad na sundalo ang susi. Sa wakas ay makakatakas na ako! Hahanapin ko ang mga bata at si Levi. Bulong ng isip ko habang binubunot ng sapilitan ang chain of keys mula sa pantalon ng walang malay na sundalo. Hindi ako nabigo. Agad kong nabuksan ang gate habang nakasunod parin ang tatlo saakin. Mabuti at may dalang mga posas ang isa sa mga sundalo. Hinablot ko iyon at ginamit sa kanilang tatlo. The three would wake up handcuffed together as I ran away from the city. Nakailang kilometro na ako ng takbo nang marinig ko ang sirena mula sa main laboratory ng Alpha. Marahil ay nadiskubre na nilang nakatakas ako kaya nila pinatunog ang sirena na dinig sa buong siyudad ng Alpha. Binilisan ko pa ang takbo. Kailangang marating ko ang pampang ng dagat at mabalikan ang Lotus. Magbabakasakali ako kung nandoon pa sila. Pasuray-suray akong tumatakbo sa bawat madilim na eskinita ng siyudad. Sinadya ko talagang sa mga liblib na bahagi ng lugar dumaan para hindi agad ako masundan ng mga alagad ng Alpha. Palabas na ako ng madilim na eskinita, isang kanto ang layo mula sa pampang kung saan ako pupuslit sa mga bumabiyaheng bangka. Naunahan ako ng mga sundalo. Naabutan ko ang nasa sampong kawal ng gobyerno na abala sa paghahanap saakin. Napaatras ako at bumalik sa madilim na eskinitang halos walang dumadaang tao. Sa mga oras na iyon ay nakakalat na ang buong pwersa ng Alpha para tugisin ako at sapilitang itapon sa Delta. Ilang minuto pa ang lumipas habang hinihintay ko ang tamang pagkakataon para tumakas ay nakarinig ako ng mga yapak malapit sa kinaroroonan ko. Nabahala ako at agad na humanap ng mapagtataguan. Nakita ko ang isang malaking basurahang kulay itim. Agad kong binuksan iyon at walang alintanang tumalon papasok sa mabahong garbage bin. Halos masuka ako nang malanghap ko ang magkahalong asim, at amoy nabubulok na pagkain at patay na hayop sa loob. Sinubukan kong pigilin ang aking paghinga ngunit tila doble ang ganti nun kapag nauubusan ako ng hangin sa katawan dahil nalalanghap ko ng buo ang nakakasukang amoy tuwing babawi ako ng hangin. Mamamatay yata ako sa suffocation. Napapikit ako, nangingilo habang pinapakiramdaman ang mga nagtatakbuhang sundalo sa eskinita kung saan nakatirik ang basurahang kinalalagyan ko. Nawalan na naman ako ng malay. Dala siguro ng sobrang pagod at ng pagkakakulob ko sa walang kapantay na mabahong lungga. Umaga na nang imulat ko ang naghihina kong mga mata. Marami nang tao sa kalye. Agad akong lumabas. Natumba pa ako sa putikan nang humakbang ako palayo sa basurahang muntik ko nang ikamatay. Umalingawngaw ang isang malakas na boses. Dinig ito sa buong siyudad at tila walang pakialam ang gobyerno sa mga taong dapat sana ay abala sa kanya-kanyang mga buhay. "Alison! Hawak namin ang isang batang alius. Isuko mo ang iyong sarili o ang batang ito ang ipapadala sa Delta." Banta ng boses na sumulpot sa mga nagkalat na built in speakers ng siyudad. Nagulat ako sa narinig. Napailing pa ako at itinangging may nahuli silang isang batang alius. Hindi maaari. Hindi pwede. B-baka nililinlang lang ako. "Kung hindi ka naniniwala, tumingin ka sa monitor na malapit sayo at panoorin mo kung sinong batang alius ang tinutukoy namin." Dinig ko uling sabi ng announcer. Agad akong naghanap ng monitor sa paligid. May nakita ako sa isang building sa di kalayuan. Nagkakagulo ang mga tao habang pinapalibutan ang dalawang lalaking sundalong may hawak na batang nakapiring. Nasa harap ng mga ito ang isa pang lalaking nasa mid-thirties na nakasuot ng itim na suit at pulang kurbata. I gathered my fist tight. "Ivy!" Sambit ko habang maluha-luhang tumatakbo patungo sa harap ng kapitolyo kung saan nandoon ang mga tao. "Ivy, I'm coming!" Pigil luha kong sabi habang pinapanood ang pagpalag ng inosenteng bata sa kamay ng mga sundalo. "Stop! Please stop!" Pakiusap ko nang makarating ako sa kinaroroonan ng mga ito. Automatikong napatingin saakin ang mga taong magkahalo ang reaksyon. Pero karamihan sa kanila ay galit ang tingin. "Isa kang kriminal! Ipadala yan sa Delta." Dinig kong sigaw ng isang mamamayan bago naramdaman ang magkakasunod na paghampas at pagbatok saakin habang isinusuko ko ang aking sarili. Namanhid na ako at hindi ko na naramdaman ang mga suntok at tadyak na natamo ko mula sa mga tao. Halos pagapang na ako palapit sa kinaroroonan ng lalaki at ng batang si Ivy. Naliligo ako sa sarili kong dugo nang nakaluhod ako sa harap ng lalaking nasa harap ng mikropono. "So, you are one tough girl huh!" Walang emosyon nitong sabi habang nakatingala ako sa kanya. "Pakawalan niyo siya. B-bata lang siya. Hindi niya kayang mabuhay sa Delta. Please pakawalan niyo siya!" Sumamo ko. "Pakawalan ang batang alius!" Makapangyarihang utos ng lalaki. Agad namang binitiwan si Ivy na noo'y nakapiring parin. Mabilis ko itong nalapitan at niyakap ng mahigpit. "Alison?" Nanginginig na tanong ng batang babae. "Yes baby. You're fine now. Ali's here." I tried to comfort her pero parang mas takot ako kaysa sa kanya. "Utusan ko na lang ang mga baril bg sundalo and shoot them you want?" Suhestiyon nito. "No Ivy. Stay normal. Remember, huwag na huwag mong gagamitin ang kakayahan mo to hurt other people okay? Kukunin ka dito ng kuya Levi mo. Makakasama mo na ang kuya Zack mo pagkatapos." "Saan ka pupunta?" Bulong nito habang nakayakap saakin ng mahigpit. "Somewhere kung saan hindi kita pwedeng isama. Pero babalik ako." That was a lie I know pero yun na lang ang natititang paraan ko para mapawi ang takot ng bata. "Promise?" She asked. "I... I p-promise." Pilit kong sagot. Bago pa nakapagsalita ang bata ay agad na itong binawi saakin. Nagsisisigaw pa ito bago ipinasok sa isang armored vehicle. Alam ko na na ang kasunod ng kaganapang 'yon ay hindi ko magugustuhan. Ipapadala na ako sa isla ng kamatayan -ang Delta. ###
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD