Chapter 5-Captives

2091 Words
I received punches from left to right. They strangled me, pulled my hair that almost scalped my head. Wala akong nagawa kundi sumigaw at pumalag. Nakailang sampal at suntok ang natamo ko bago ako dinala sa isang sealed and highly guarded function hall. Halos ibalibag ako ng tatlong armadong lalaking nasa higit da anim na talampakan ang taas at may maskuladong pangangatawan. Naunang bumagsak ang kanang balikat ko at naramdaman ko ang kirot na umabot hanggang sa buto. Kailan ba titigil sa pagtanggap ng sugat at sakit ang katawan ko? Halos hindi ako makahingang napasandal sa dingding. Napansin kong may iba pang bihag ang nandoon na halos lahat ay nakatingin na saakin dahil sa eksenang ginawa ko kanina. I started to fear the environment lalo na't mga mukhang hindi gagawa ng mabuti ang mga ito. "Aray!" Kusang lumabas sa aking bibig ang daing ng kirot na naipon kanina pa. Hinahabol ko ang paghinga ko nang magsimulang pagpawisan ang buo kong katawan. Malamig na pawis. I was in deep pain nang lapitan ako ng isang babaeng halos kaedad ko lang. Nasa limang talampakan apat na pulgada ang taas nito at itsurang anak mayaman ito dahil sa makinis nitong kutis at sa pabangong suot nito. She has long wavy mahogany hair with a pair of dark brown eyes underneath her bangs. She's like my younger sister kung nagkataong may kapatid ako. Her tiny innocent lips smiled at umabot 'yon hanggang sa mga mata niya. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito. "My body is aching, e-evrywhere." Nanghihina kong sabi. I was shaking in pain and hunger. Bigla itong naglabas ng isang bote ng tubig mula sa body bag nitong halatang puno ng laman. "Drink." Matipid nitong sabi kasabay ng paglahad ngs isang pulang round capsule ng kaliwa niyang palad. Saka siya bumulong. "Pakibilisan kasi bawal dalhin 'tong gamot na 'to sa Delta. That's the xalium, isang regenerative medicine na secret product ng pharmaceutical company ng papa ko. That is intended to bring instant tissue repair to the badly injured. Safe yan sa tiyan kahit di ka pa kumakain." Mukhang mapagkakatiwalaan naman ang babae kaya agad kong kinuha ang kapsula at nilagok ang tubig. "In a minute ay maghihilom na 'yang sugat mo." Palingon-lingon pa ito sa mga nakamasid at mukhang sinisigsurado kung may nakakita sa pag-abot niya ng xalium. "Would you like some help with the pain? Wala akong dalang pain killer. Hindi uso saakin." Hindi ako agad nakasagot. Nalito pa ako sa gusto nitong sabihin. "What do you 'mean help with the pain'?" Then without hesitation and without waiting for a 'yes' from me, she pointed her index finger to my forehead. I felt her finger tounched my aching forehead and that was the last sensation I felt. Namanhid ang buo kong katawan. Nawala ang kirot na kanina ko pa nilalabanan at para akong nakalutang. Hindi ako nakapagsalita agad. This girl is an alius! "I am." Kumpirmasyon nito nang mabasa ang ekspresyon sa aking mukha. "Mahabang kwento. Don't worry, you'll feel nothing until gumana na ang xalium in the next two hours. I deactivated your nerve endings and all nerves attached to your injured tissues para wala kang maramdaman. Since halos buong katawan mo ay damaged, it seems like your whole body will feel numb. Enjoy mo na lang yang floating sensation while it lasts." Sinundan niya 'yon ng genuine smile. Nakasandal parin ako sa metallic wall ng silid na 'yon kung saan nakamasid ang iba pang mga bihag na hindi ngayon ko lang nakita. Sinubukan kong magsalita para magpasalamat. "Allison. It's Allison but they call me Ali. Thank you." "No problem Ali. I'm Pea, short and sweeter term for Peatrice." Inilahad nito ang kamay at inabot ko 'yon pero wala akong maramdaman. I just saw that we shake hands at naramdaman kong magkakasundo kami ni Pea. Patayo na si Pea mula sa pagkakaluhod at pag-aasikaso saakin nang bigla siyang sunggaban ng isang lalaking may mahabang buhok at mukhang lutang ang diwa. I was about to warn her pero mabilis itong nakakilos. Mabilis na umikot ang babae para harapin ang adik na lalaki at mula sa ibaba ay pinaakyat nito ang kamao. Sinalubong ng panga ng lalaki ang malakas na power uppercut ni Pea. Agad namang nakabangon ang lalaki. Mukhang matigas ang pagmumukha nito. Isa siguro itong kriminal na ipapatapon din sa Delta. Pea swung her knuckles again against the guy's jaw. Halos matumba ang lalaki pero agad itong nakabawi at mukhang sanay sa basagan ng ulo. He wiped the trickled of blood flowing from his broken lip and rounded his fists, starting to dance his arms. Naghahamon pa ito ng suntukan at mukhang walang takot sa kalaban. Pea remained poised for attack but I could notice how she kept herself alert from a possible strike. Minanmanan nito ang bawat galaw ng lalaki at halos sumabay sa ritmo ng kriminal. Matiim nitong binabasa ang susunod na galaw ng lalaki, bawat pagkumpas ng mga kamay nito at pag-angat ng mga balikat niya ay parang sinasaulo. Sa isang mabilis na sandali, matuling gumalaw ang mga paa ng lalaki para sunggaban si Pea. He spun and threw a solid punch, aiming for the center of her face. She caught his punch in her fist and pushed back. Nagulat si Pea sa lakas ng impact ng suntok na 'yon. I saw her left foot moved backward. She might have underestimated him. The guy took advantage of her misstep. Tila nahulaan na ni Pea iyon pero sadyang mabilis lang ang lalaki kaya hindi siya nakaiwas. He brushed behind her legs, and she tripped and fell. Hinamba nito ang babae at dinaganan gamit ang kanan nitong tuhod. He was about to release a roundhouse jab nang maunahan kong kontrolin ang kanyang puso. He almost won and killed my new friend. Pero hindi ako pumayag. Naramdaman ko ang mabilis na t***k ng kanyang puso. His eagerness to kill the pretty girl under him. Nagulat ang mga tao nang hindi maibaba ng lalaki ang kamao nito sa babae. I saw him crush his teeth. Gigil na gigil ito pero hindi niya mapakawalan ang kanina pa nagbabandyang kamao. "Get away from her!" I warned the guy. Dalawang metro lang ang layo nila saakin kaya kitang-kita ko ang mga pangyayari at mabilis ko itong nakontrol. Tila walang balak sumunod ang lalaki at hindi 'yon umalis sa pagkakadagan kay Pea. Lalo kong hinigpitan ang nakabalot na chain sa puso nito. He felt it. He felt my squeeze. Napasigaw ito at mabilis na humiwalay sa dinadaganang babae. Sapo nito ang dibdib nang padapang bumagsak sa sahig habang gulat namang nakatingin saakin si Pea na nakahilata pa at hingal na hingal. "What did you do?" Gulat na tanong ng babae nang makabawi ito ng lakas at tumabi sa kinauupuan ko. "I saved you. Quits na tayo." I said calmly habang pinapakiramdaman ko ang paligid kung saan nakamasid ang karamihan saamin. "That guy is trying to kill you. Hindi lang dahil sa gusto niya kundi may mas malalim siyang dahilan." Nilingon nito ang pasuray-suray na lalaki na pabalik na sa kumpulan ng mga kalalakihang mukhang mga convict. "He's my uncle's spy." Nagulat ako sa sinabi nito. Kanina pa pala niya alam na may masamang balak sa kanya ang lalaki. She was so good at keeping things run normally despite of the danger around her. Well trained nga talaga ito at inihanda sa pag-akyat nito sa Delta. "You knew?" "Yes. Don't play obvious. Keep your cards hidden and don't let them win by letting them read you. Kailangang maging maingat lagi." Bulong nito saka tumahimik. "Bakit ka pagtatangkaan ng sarili mong tiyuhin?" I whispered intensely. Bumuntong hininga uli ito. As if she had nothing to say or not yet ready to tell anything about it. "Long story." Hindi na ako nagtanong. I respected her silence. Kung susumahin, higit sa tatlumpong mga bihag ang nandoon sa silid na 'yon. Magkahalong mga alius at kriminal na sabay-sabay itatapon sa lupa ng kamatayan. "From now on, you will be my greatest ally. Can we be ally Ali?" She asked with her eyes sincerely unblinking. "Are we gonna live there and last?" Tanong ko na ang tinutukoy ay ang Delta. Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong-hininga bago nagsalita. "Alam ko gasgas nang sabihin pero this maxim still applies. Habang may buhay, may pag-asa. Korni pero yun na lang ang pwede nating panghawakan. I have prepared for this. My dad, my mom and my brother have prepared for this. Alam nilang darating ang araw na 'to. Tignan mo nga oh, twenty years kong successfully naitago ang pagiging alius ko. Pero sa huli, heto na nga. Dadalhin na ako sa Delta." She was telling me her story. It made me feel at ease dahil naramdaman ko ang tiwala niya. Saka ko sinabi, "We're allies now Pea. I'll be watching your back." Isa 'yong panata. She smiled showing genuine gratitude. "We are the sixth generation na idedeport sa Delta. There are three waves of captives. May dalawang naunang batch na saatin at tayo ang panghuling ipapatapon." Pea almost know every detail of the deportation. Mukhang bago pa ito nahuli ng government ay napaghandaan na niya ang mga dapat paghandaan. She fed me with a dosage of information. "Base sa records na naipuslit ng tauhan ng dad ko, seven hundred seven ang itatapon sa Delta. Out of seven hundred seven, one hundred twenty three ang alius at six hundred fifty four ang criminals or convicted." "Approximation or the exact number?" I asked almost hesitatingly. "That's the exact number." She answered. Napamaang ako. Ganoon pala kadami ang nahuling ipapatapon sa Delta. No question kung bakit almost zero ang crime rate sa buong Alpha dahil sa batas na ipinapatupad ng ruling government. Zero convicts and zero alius equals zero crime rate. Pinutol ni Pea ang malalim kong pagmumuni-muni nang bigla itong magsalita uli. "Ali, there is one thing you should know before we reach that place." Out of curiousity I immediately asked. "Ano 'yon?" Then I attentively waited for an answer. "What happens in Delta is being monitored by the Alpha society. Hindi lang tayo basta pinapatapon sa lugar na 'yon para i-isolate but also to give entertainment para sa mga estupido at walang magawang mga mamamayan ng Alpha." She revealed. I slightly got what she was trying to say but I still asked to verify if my thoughts were true. I was half smirking before I spoke. "Y-you mean? We're going to be pets?" "W-wait, you didn't know that? Hindi mo alam na pinapalabas ang p*****n sa Delta as T.V series?" takang tanong nito. After she sighed twice she realized what my situation was. "Oh well, being isolated for twenty two years without any telivision can be an excuse. But really, the show has been running for ten years now." Hindi ako nakapagsalita. Gulat ako sa sinabi nito. Napailing-iling pa ako. "Sa loob ng sampong taon na 'yon, may mga popular champions na sa Delta at tinatawag nang institution. Sila 'yong mga undefeated warriors at laging nagsusurvive four times a year." "Four times a year?" "Yes. There is this thing na tinatawag nilang quarterly clash. I know because I've been watching the show for ten years. Every four months ginaganap ang quarterly clash or in simpler term 'war'. Magdudurugan ang mga realm sa Delta sa loob ng isang linggo. After a week of clash, ang realm na may pinakamaraming natirang warriors, pinakamaraming na-damage na kingdom at pinakamatibay na castle ay siyang idedeclare na panalo. The winning realm will win all the prizes at stake na galing mismo sa mga mamamayan ng Alpha. Sad but true. We're instruments of human flaws." Hindi ko inakalang may iba pa palang anggulo ang mga kwento ni amang Lucas. Mas masahol pa pala ang dahilan kung bakit kailangang dalhin kami sa Delta. Nang malaman ko 'yon mula kay Pea, mas naging matindi ang pagkamuhi ko sa pamunuan ng Alpha. "Malalaman mo kung ano talaga ang meron sa Delta kapag nandoon na tayo. One thing you have to remember Ali, let's stick together and find the best realm. If not the best, atleast the second best." Pea continued habang pinipigil ko ang galit sa aking dibdib. Tumatak sa isip ko ang sinabi ni Ali. Survival of the smartest and strongest. Hindi ko dapat hayaang mamatay ako sa Delta nang hindi nakakabalik at nakakapaghiganti sa gobyerno ng Alpha at ang pamunuan nito. Babalikan ko sila. Pagbalik ko, lahat sila ay luluhod sa harap ko at isa-isa ko silang pupugutan ng ulo. Ipaghihiganti ko si amang Lucas, ang mga bata at si Levi. ###
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD