Chapter 6-Ascend

2042 Words
Isang malakas na sirena. Kasunod ay isang malakas ding pagyanig ng sahig na kinahihigaan namin. Pagkatapos ay isang boses mula sa built-in speaker and aming narinig. "ALIUS AND CONVICTS READY FOR DEPORTATION. THIS BOX WILL ASCEND IN FIVE MINUTES...." naulit pa. "ALIUS AND CONVICTS READY FOR DEPORTATION. THIS BOX WILL ASCEND IN FIVE MINUTES. " Animo'y robotic voice ang nagbibigay saamin ng babala na sa limang minuto ay aakyat na ang aming kinalalagyan na tinawag niyang box. I sat steadily as the box moved. Nagkakagulo na rin sa loob at nagsimula nang mag-panic ang mga tao. "Just be steady Ali. We can no longer do anything about this. Ang box na 'to ay sealed with highly magnified metal that bounces back once an internal force tries to resist. The best thing to do is to wait and let this box ascend. This is what deathbound means -being deported to Delta." Pea was sitting beside me at sabay naming pinanonood ang mga nagkakagulong tao sa loob ng box. "No! Let us out!" Sigaw ng karamihan habang sinusubukang wasakin ang mga bakal na dingding para makatakas. "Kung gusto nilang tumakas, sana kanina pa nila ginawa 'yan. Last minute panic. Tsk!" Pea murmured. She was obviously irritated. Napapikit na lamang ako habang dinadama ang mga huling minuto ko sa Alpha. I felt the box swayed and moved upward. Tila may isang malaking chain na kinabit sa itaas na bahagi no'n na gumawa pa ng ingay. Four connecting chains to be precise. Ilang saglit pa ay naramdaman namin ang biglaang paghila sa box pataas. "The box will be connected to a huge lever. The lever will pull us up to Delta. It will take an hour... and just right now, we are being televised live." Pahayag ni Pea habang inaayos ang sarili. I opened my eyes. Prenteng-prente parin sa pagkakaupo si Pea habang nasa kandungan nito ang malaking bag na mukhang laman ang buong kusina nila. Mukhang handa siya sa pupuntahan at gaya ng sinabi nito, pinag-aralan niyang mabuti ang palabas bago siya nahuli ng mga kawal. I thought I am the only strong girl in this place, but I found one parallel to me and it made me feel pressured. "Stay with me Ali. Trust me and I'll stick with you from now on." She met my gaze. I saw the sincerity in her eyes. "Yes I will." Huminga pa ako ng malalim bago nagpatuloy. "What awaits us up there?" Bigla kong natanong, ang pagbubukas ng box sa Delta mismo ang nais kong tukuyin. "Death." Then she sighed deeply making herself calm after mentioning the word. "Most probably death and then death after every survival. May fifty percent chance na mamatay tayo sa oras na bumukas 'tong box na 'to sa center mismo ng Delta." "Center?" "Yes. This lever will ascend and reach the center of Delta which they call the deployment area. Isa iyong maliit na area na pinaliligiran ng kagubatan. The six realms will definitely send troops. There will be two kinds of troops around the vicinity: killers and recruiters." She lectured habang dinudukot ang isang bagay sa kanyang bag. She brought out a map after. "Killers and recruiters. So how do we know who's who?" I asked with my eyes on Delta's map. Malaki nga talaga ang floating island. Pea answered immediately as if the information was worth telling. "Killers would most definitely lure you as if they're allies, but they aren't. They would kill you somewhere after they get what they want from you. The nostrum or the elixir on your wrist. Recruiters would try to kill you, they will fight you to death and will take you from their realm once you have proven your skills." Napamaang ako. Mahirap parin talagang tukuyin ang isa sa isa pa. Naguguluhan na ako nang magsalita uli si Pea. "Mahirap parin talagang i-distinguish kung sino ang sino right? So what we need to do is fight to death." "Yeah right." I agreed giving an almost nod. I have expected death to come eversince I heard that alius are sent to Delta. What more can I ask? "Let's just stick together okay?" Pea gave me tap on the back making me feel assured of her loyalty. Tumango na lang ako at ibinalik ang tingin sa mga di parin mapakaling tao sa loob ng silid. A sound of clashing hard metals. A shaking box. Then another sound of clutched metals and an upward pull of the lever. That made me conclude that our journey to death has began. Natahimik ang mga taong kanina'y nag-aalburuto na sa kaba. They were feeling the same thing as mine- hopeless and helpless. I was never afraid of death. I've been so ready. The sad thing is, though I am ready, I don't want to witness my own death. Naalimpungatan ako sa kasabihang matagal ko nang tinanim sa isip ko. Nanaginip ako. Naglalakbay. Nakapaa at tumatakbo sa isang harding punong-puno ng mga bulaklak habang suot ang isang puting bestida na gawa sa isang malambot na tela. Siguro'y senyales na nga 'yon na mamamatay na ako. Nakahanda na ako. "You were dreaming." Pea assumed. She was calm, almost detached. "Who's Levi?" Her face was full of question mark. Halos kumunot ang noo nito nang titigan ko. "He's a friend." Tipid kong sagot. Tumahimik na ako dahil ayoko nang magbigay pa ng detalye tungkol kay Levi. Lalo lamang bibigat ang pakiramdam ko kapag maalala ko pa siya. Pea might have read between the lines that I didn't want to discuss further about Levi kaya sumandal na rin ito at bumuntong hininga. Isang oras. Saktong isang oras nga ang nilakbay ng box kung saan kami naroon paakyat sa island of Delta. Nakaramdam ako ng bahagyang pagbabago ng temperatura ng paligid kaya napagtanto kong nasa Delta na kami. Sa pagbagal ng akyat ng silid kung saan kami naroon ay siya namang pagbilis ng kabog ng aking dibdib. Kamatayan. Haharapin ko na si kamatayan. Tunog ng tila isang malaking sasakyang naglalabas ng hangin sa makina at isang malakas na kalabog na sinundan ng pagkalog ng box ang nagbigay saakin ng bantang nasa Delta na kami. Nagsimula na namang mabahala ang mga tao sa loob at pilit na kumakawala. Pea sighed deeply amd shook ker head in irritation. Saka nito sinabi, "Hayyy. When will these people learn their lesson? Struggling into something hopeless is a waste of energy. Nauubos lang ang lakas nila kakahila sa mga bakal na 'yan. Ba't di na lang nila hintaying bumukas ang box na 'to at harapin kung anumang bubungad sa kanila?" "Hayaan mo na sila. It's their choice, we have ours to keep." I whispered, almost detached. Umalog pa uli ang box sa kalagitnaan ng kaguluhan sa loob. Hindi parin mapigil ang pagkukumayaw ng mga tao. "Anlalakas ng loob na maging kriminal, ke duduwag naman kapag malapit na sa kamatayan." Iritable uling sabi ni Pea habang pinagmamasdan ang mapa ng Delta. Blaahhg! Blaahhg! Blaahhg! Tatlong magkakasunod na kalabog ng bakal ang gumulantang saamin. Pagkatapos ay naramdaman naming tumigil na sa pag-akyat ang box. Natigil din sa pag-iingay ang mga takot na kriminal at alius. Mukhang naramdaman na nga nilang nasa Delta na kami. "We're here Ali. Gather yourself and stay alert. Any moment, kapag bumukas ang any of the sides ng box na 'to, expect an attack from the outside." Kinabahan ako sa sinabi ni Pea. Kanina'y parang konting kaba lang ang naaramdaman ko habang paakyat ang Delta. Pero ngayo'y parang triple ang nararamdaman kong kaba at hindi ko mahabol ang mabilis na kabog ng aking dibdib. Gan'to pala kapag nasa bingit ka na ng panganib at kamatayan. Titigil ang mundo mo at ang tanging mabilis na paghinga at t***k ng puso mo lang ang gumagana. Death or death, I'll stay breathing as long as death does not follow. Lubb! Dubb! Lubb! Dubb! Lubb! A heart pounding. One unsteady hands. Jittery legs and a deep breathing. A mind so disturbed on meeting death so soon. Naramdaman kong halos maubusan na ako ng hangin sa kaba. Pea was behind me and very ready for a strike. Ilang saglit pa bago ko naramdaman ang pag-init ng gilid ng aking mata, the eastern wall of the box collapsed. The eastern length was open and I was facing it. "DAPA!" malakas sigaw ni Pea na bigla akong hinila pababa sa sahig. I dropped myself instantly and covered my head with the small bag I was carrying. Napadapa din ang ilan. Mabilis ang mga pangyayari. Isang segundo lang ang pagitan pagkatapos kong dumapa ay narinig ko na ang pagtalsik ng mga palaso sa western wall ng box. Pinapaulanan kami ng mga palaso from the open side of the box. Narinig ko pa ang pagsigaw ng ilan sa mga tinamaan. Halos tabunan kami ni Pea ng mga katawang tinamaan at bumagsak mismo sa iba't ibang bahagi ng aming katawan ang mga binawian ng buhay. "s**t! This is new! They are planning to m******e all of us!" Pea announced. Bakas sa mukha nito ang gulat habang nakadapa sa sahig at nakatingin saakin. "W-walang recruiter sa labas?" hinaluan na rin ng pagkabahala ang pananalita ko. The troops are trying to m******e all of us? "Why?" "This is a part of a television show. Marahil ay gusto nilang baguhin ang nakasanayang deployment tradition at gawing mas madugo this time! Bullshit!" Magsasalita pa sana ako nang isang malakas na pagsabog ang narinig uli namin mula sa east side ng box kung saan kaming lahat ay nakadapa. Ilang saglit pa ay isang malaking bolang metal ang tumama sa west side ng silid. Tatlong magkakasunod na bolang metal ang tumama dito bago tuluyang mawasak ang wall. Now were dead. Attacks could possibly come on both sides of the box. Crap! Napansin ko si Pea na tila may dinudukot sa malaki niyang bag. naglabas ito ng dalawang pasabog ma parang dinamita ang hugis. Hainahabol na rin nito ang paghinga. "What's that?" My breathing was fast and deep. I was shaking. Mamatay na yata ako sa sakit sa puso. "These are explosives. Pero hindi ito ordinaryong bomba lang. Sa oras na sumabog ito, maglalabas ito ng massive tear gas na kayang sakupin ang buong area. Once it explodes, run as fast as you can to escape. Here's one for you." Inabot nito isang bomba saakin saka nagbigay ng instruction. "Press the red button on the top then throw after five counts!" "Okay." I nodded with uncertainty. Wala na akong nagawa dahil 'yon na lang ang natatanging paraan para makatakas sa m******e. Yumuko ng bahagya si Pea at pinilit kumawala mula sa mga nakadagan na katawan sa kanya. Ganun din ang ginawa ko. Mabilis akong nakawala dahil konti lang naman ang nakadagan sa katawan ko. Nagsilbing human shield namin ang mga patong patong na patay na katawan. Nasa sampo na lang saamin ang buhay. "Okay Ali. On three okay? On three not after three. Press the red button ang count five seconds! Run as fast as you can!" Hinawakan niya ako sa kanang kamay at bahagyang pinisil iyon. I can see the fear in her eyes. "Okay. Okay..." 'yon lang ang nasabi ko. The rest were series of frightened gasp. Nanginginig parin ang mga tuhod ko at hindi parin mapigil ang mabilis na kabog ng dibdib ko. "We can do this Ali. We will survive this." That was the best motivation she can give. Bago ito pumwesto at humarap sa Kanluran. Bumwelo naman ako at humarap sa Silangan. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang hawak ang bombang natitirang pag-asa ko para mabuhay. "Ali, ready?" Her face determined. Fear never left her eyes. "Yes." I inhaled an enormous air. "One." "Two..." "Three..." Mariin kong pinisil ang red button saka pumikit. "One." "Two." "Three..." "Four..." "Five..." Hinagis ko ang bomba ng malakas. Buong lakas at sinigurong malapit 'yon sa mga attackers. Habang naglalakbay ang bomba sa ere ay pinasadahan ng utak ko ang mga mukha ni Levi, ni amang Lucas at ang mga batang alius na naging pamilya ko sa loob ng maraming taon. Binalik ng malakas na pagsabog ng dalawang bomba ang huwisyo ko sa kasalukuyan. Nagising ako at muling bumalik ang kaba at takot sa aking dibdib. "Run!" narinig ko ang malakas na sigaw ni Pea na nakadalawang hakbang na palabas ng box. "ALI RUN!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD