
"Our lives are just controlled by our fates."
Sa realidad, meron kayang katulad ni Cinderella?
Kung meron man, hindi nalalayo ang buhay ni Myla sa kanya.
Dating nag-iisang prinsesa ng mayamang mag-asawa.
Nang dahil sa aksidente, kasabay ng pagkawala ng kanyang mga magulang ay ang pagkawala rin ng lahat ng meron siya.
Sa tingin ng marami, swerte siya sapagkat kinupkop siya ng kanyang tiyuhin, inalagaan at pinag-aral. Subalit lingid sa kaalaman ng marami, lalo na ng kanyang tiyuhin, inaabuso siya at sinasaktan ng kanyang tiyahin at ng anak nito na kanyang pinsan.
Nang dahil din sa pagmamaltrato ng mga ito sa kanya ay naging mitsa iyon ng pag-aaway ng kanyang tiyahin at tiyuhin. Sa kasamaang palad, inatake sa puso ang tiyuhin niyang kaisa-isang kakampi niya.
Doon ay gumuho ang mundo niya, sumuko at umabot pa iyon sa pagkitil niya sa sariling buhay.
Nakalampas man siya sa kamatayan, parang walang pinagkaiba iyon sa kanyang sunod na naranasan. Impyerno ang lahat ng kanyang kinatatayuan. Una, sa bahay ng kanyang tiyahin at pinsan na parati siyang sinasaktan. Pangalawa, sa paaralan na walang patid ang pangbu-bully sa kanya ng mga kapwa niya estudyante.
Pero katulad ni Cinderella, hindi mawawala ang prinsipe.
Si Latrell Joshua Alvarez, apo ng chairman ng kanilang unibersidad. Ito ang naging 'Knight in shining armor' niya sa tuwing inaapi siya ng mga bully.
Palagi siya nitong inililigtas na nagbunga ng kuryosidad nito na makilala siya ng husto.
Sa ilang araw na palagi silang magkasama, unti unting simibol ang kakaibang damdamin niya rito, na para sa kanya ay dapat niyang pigilan habang maaga pa.
WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT, VIOLENCE AND STRONG LANGUAGE THAT AREN'T SUITABLE FOR YOUNG AUDIENCES.READ AT YOUR OWN RISK.

