WARNING: VIOLENCE/TORTURE LATRELL ANONG oras na akong nakalabas ng aking opisina. Mabilis kong pinuntahan ang aking sasakyan habang dina-dial ang numero ni Myla. Baka kasi magtampo siya kapag hindi ako nakahabol. Magdidilim narin ang kalangitan. Ngunit nakapagtatakang hindi niya sinasagot ang tawag ko. Napakunot noo ako nang tatlong beses ko na siyang kinontak ay wala parin. Panay lang ang 'out of coverage area' ng operator. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko patungong Mall. Hindi pa man ako nakakarating doon ay tumunog ang aking cellphone. Si Tito Tony ang tumatawag. "Hello Ninong?" "Latrell. Nasan si Myla? Tinatawagan ko siya pero hindi ko siya ma-contact." "Di ko nga rin po ma-contact ninong. Pupuntahan ko siya ngayon." "Latrell, makinig ka sakin. Puntahan mo kaagad si

