NANG makababa si Myla ay nakaayos na siya uli. Ako naman ay ibinalik lang ang kaninang suot. "Pupunta na tayo kay Tao.." Umismid ako. "Excited ka talagang makita ang kabit mo." "Tsk, andyan ka na naman. Tigilan mo ko, nagugutom na ako, Latrell." Inis na sabi niya. "Sinong hindi magugutom? Sa ating dalawa, ako lang ang kumain---Oy!" Bigla niyang ibinato ang unan ng couch sa akin at hindi ko na-ilagan iyon. Sumama ang mukha niya. "Wag mo na ngang mabanggit banggit yan! Bastos ka talaga!" Inis na sabi niya saka muli akong binato at doon palang ako nakailag. Napangisi lang ako. "Sorry, Love. I just can't help myself from thinking of what happened a while ago. It's our first..." "Pwes, hindi na mangyayari uli 'yon!" Mas lalo akong napangisi, mas lalo siyang iniinis. "Are you sure?" Pan

