MABUTI na lamang at dumating ang mga kaibigan ni Latrell. Mabilis namin siyang naidala sa ospital gamit ang sasakyan ni Tao. Mabilis naman siyang inasikaso ng mga nurse at doctor doon. Hindi ko naman mapigilan ang maiyak at kabahan dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko ang nangyari sa kanya. "Ano ang pangalan ng pasyente?" Tanong ng doctor sa amin. "Latrell Joshua Alvarez, doc." Si Tao ang sumagot. "What?" Gulat na tanong ng doctor. Saka bumaling sa isang nurse. "Nurse Gigi, ipatawag mo si Doc Mallory. Bilis!" "Yes, doc." Agad na tumalima ang nurse. Ipinasok na nila si Latrell sa ER. Sobra naman ang panginginig ko dahil natatakot akong harapin si Tita Lory. Di ko alam kung paano siyang kakaharapin ngayong darating siya. Siguradong magagalit siya sakin. Dahil kasalanan ko. Ako ang dapat

