Sampung araw na simula ng nandito kami sa isla. At kung tinatanong niyo kung bored na ako. Hindi. Hindi ako bored. SUPER bored ako. Wala na akong ginawa kundi ang matulog, kumain, maglakad-lakad, kumain, matulog. Minsan nanonood ako ng tv, ng mga movies, nagsu-surf din ako sa internet pero sobrang hina ng signal! May cellphone nga, ang hina din makahanap ng signal. Napapanis na din ang laway ko dito. May kasama nga ako pero hindi ko siya gustong kausapin. Mas ok sakin mapanis ang laway ko kesa kausapin siya. Umiiwas din naman siya sakin eh kaya fair lang yun. Pero nasaan na kaya siya ngayon? Mag-iisang oras ko na siyang hindi nakikita. Ala-una na ng hapon. Huli ko siyang nakita kanina nung kumain kami ng pananghalian. Yes, sabay kaming kumain. Hindi nga lang kami nag-usap. Nakakawalang g

