"Nakakainis talaga yung lalaking yun. Akala niya kung sino siyang gwapo. Bakit kailangan pa niyang magpaasa ng babae kung wala naman pala siyang planong mahalin iyon pabalik?" "Mongz, sinong kaaway mo diyan?" Tanong ng bestfriend niya habang inilalagay sa mesa ang dala nitong dalawang baso ng juice at dalawang hiwa ng cake. "Nakakainis kasi yung bidang lalaki dito sa palabas na pinapanood ko tardz. Sabi niya doon sa babaeng may crush sa kanya na pakopyahin lang siya sa lahat ng exams nila, liligawan siya nito pagkatapos ng exam day nila. Eh ito naman si babae, nagpauto. Ayan! Umiiyak siya ngayon. Ang mga lalaki talaga mga manloloko. Hmmmph!" "Easy lang mongz. Baka mahighblood ka niyan. Alalahanin po buntis ka. Tsaka hindi naman lahat ah. Tingnan mo yun."Tiningnan niya ang nginuso nito."

