Chapter One

1416 Words
Iris A year has passed. “Your grace is endless… I receive every gift You bind to my soul, for the life condemned to be offered to You alone.” Dahan-dahan kaming yumukod sa sahig pagkatapos ay muling tumayo. Habang binibigkas namin iyon ay hindi nawawala sa isip ko ang hiling ko. I wish I could see Papa again. Ilang taon na ang lumipas simula nang mangako sila ni mama na babalikan ako. Pero naghintay ako ng matagal...walang bumalik isa sakanila. “Psst hoy! Iris!” Naputol ang pagyuko ko nang makita ko sa sulok sila Mara at Lucas. Nakataas pa ang belo ni Mara sa ulo niya nang senyasan ako na lumapit sakanila. Tinapos ko muna ang dasal ko saka ako nagtip-toe na lumapit sakanila. “Ano ‘yon?” Bulong ko. ‘’Halika nga gaga!” Hinila pa nila akong dalawa palabas. Mara lowered her veil as soon as we stepped outside. Isa ito sa batas kung saan dapat nakasuot ang mga babaeng seeker ng mga puting belo hanggat hindi pa ganap na senior member. “Alam mo ikaw pahamak ka diba sinabi mo nilagay mo na sa kwarto ni Bea yung daga? Gaga ka nilagay mo sa kwarto ni elder Maria!” Namilog ang mata ko sa sinabi ni Lucas. “Luh!” Tinuro ko silang dalawa. “..baka nakakalimutan nyo kayo ang nagsabi sakin kung saan ang kwarto niya.” “Woy ‘diba sabi namin ni Lucas tignan mo muna kung sino ang nasa loob ng kwarto? Hindi mo kami sinunod no?” Sabi pa ni Mara, inirapan ko silang dalawa. “Kung ako sayo makisuyo kana sa amo mo. Kasi pinaghahanap ka na ni Elder Maria!” Nanlalaki ang mata na tinuro ko ang sarili ko. ‘’At bakit ako lang? Kayo may idea non kaya idadamay ko kayo.” Nanggigigil na kinurot naman ako ni Mara. “Subukan mo te, wala ka ng gift samin kapag lumabas kami.” Nakangusong umiwas ako sakanila. ‘’Sasabihin ko kasama ko kayo!” Nakangising tumakbo ako habang hawak ang laylayan ng suot kong dress. “Woy! Iris!” Nakatawang tumatakbo lang ako palayo sakanila. Napahinto lang ako nang makita ko sila senior member Rosalyn kasama ng iba sa gazebo. I approached them with a smile. “Senior Rosalyn!” Tawag ko kay sister Rosalyn. She gracefully turned in my direction. “Kanina pa kita hinahanap Iris. Nasa prayer hall kaba uli?” Nakangiting sabi niya pa habang nag-aayos ng bulaklak. Tumango ako. “Yes po, may gusto kabang iutos sakin senior hehe?” I need her help, and I need it now. Sa lahat ng nandito ay tanging si senior Rosalyn lang ang kayang magpakalma kay Elder Maria. Lalo pa ngayon na nilaglag ako ng dalawang bruha. “Did you commit another sin again, Iris?” Napakagat ako ng labi sa sinabi niya. “Obvious naman senior, alam mo naman ang babaeng ‘yan kapag nagkakamali lumalapit sayo.” Sabi naman ni senior Nina. Lihim lang akong napanguso sa ilalim ng belo ko. “Well..” Nilapag ni senior ang bulaklak na hawak at matamis ang ngiting tiningala ako. “...anong ginawa mo na naman?” “Ah...e ano sa maling kwarto ko kasi nalagay yung daga. Dapat kay Bea ‘yon e, hindi ko alam sa kwarto pala ni elder Maria ko nailagay hehe.’ Narinig ko ang hagikgik sa paligid ko. ‘’Sorry pero walang magagawa si senior Rosalyn dyan. Kung ako sayo magtago kana sa sulok dahil hindi ka titigilan ni elder magdamag hanggat hindi ka nahuhuli.” Sabi ng isa. Napanguso ako at mabilis na umupo sa sahig at hinawakan ang kamay ni senior Rosalyn. “Senior naman ‘diba alam mo nagbabago na ako?” Sabi ko pa at tinaas ang belo ko para malaya siyang makita. “....Mara and Lucas forced me to do it I swear!” “Kilala kita hindi ka mapipilit kung walang kapalit.” I smiled awkwardly because of what senior Rosalyn said. I grew up in the Purity Land, so the gift Mara and the others gave me every year when they came home were completely new to me. Nagbakasakali nga din ako na mahanap nila ang mga magulang ko pero bukod sa mama at papa lang ang alam ko ay malabong mahanap nila ang tinutukoy ko. “Senior promise.. magpapakabait na ko. Isang tulong na lang, ayokong lumuhod sa labas.” Halos maglumpasay na ako sa sahig habang nakahawak pa din sa kamay niya. “Sige tignan ko kung anong magagawa— “Senior Rosalyn.” Sabay pa kaming napalingon sa nagsalita. Lumawak ang ngiti ko nang makita ko si Raviel. He looked handsome in the long deep blue robe, its high, modest neckline and wide, loose sleeves giving him an air of quiet authority. Hindi ko namalayang nailagay ko ang dalawang palad ko sa malamig na sahig. “Hehe hi senior Raviel.” Pakiramdam ko ay lumulutang ang paligid ko habang nakatingin sakanya. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. alam ko na nasa likuran ko ang mata niya. “Ako na ang bahala kay Elder. Bumalik kana sa loob Iris.” Narinig kong sabi ni senior, nang umalis si senior Rosalyn sa Gazebo ay sumunod naman sakanya ang mga nandoon. Naiwan kami ni Raviel habang nanatiling nakapako ang tingin ko sakanya. Nakita kong bumagsak ang balikat niya habang nakasunod ang tingin sa senior ko. Nang tumalikod siya ay doon lang ako natauhan. “Ay sandali senior!” Mabilis na tumayo ako at nagpagpag. Nagmamadaling lumapit ako sakanya nang huminto siya. “Bakit nakataas ang belo mo?” “Ay hehe!” Nakangiting binaba ko ang belo ko, mula sa pagitan ng belo ko ay nakatitig lang ako sa mukha niya. “What do you need Iris?” Napalabi ako sa lamig ng pakikitungo niya, hindi naman bago sakin iyon dahil pinaparamdam ko naman sakanya ng sapilitan ang presensya ko. “M-may napili kana ba senior sa celebration bago ang evaluation?” “Alam mo naman kung sino ‘yon hindi ba?” Sabi niya pa, hindi naman ako nakaimik. “Dito nako..” Sabi niya pa saka tinalikuran ako. Napanguso lang ako habang pinapanood siyang naglalakad palayo. “Pasalamat ka gwapo ka.’’ Bulong ko habang nakasunod ang tingin sakanya, tinaas ko ang belo ko para mas makita ko pa siya. Tumatama ang sikat ng araw sakanya kaya sa paningin ko para siyang anghel na nakatakda sakin. “Aww!” Kinilig na napahagikgik pa ako sa naisip ko. I found myself lost in thought as my eyes followed him. Nangangarap ako na nakangiti siya sakin habang nag-aabang sa altar. Na kapag dumating ang araw na mapabilang ako sa mga senior ay mas lalo kaming magkakalapit na dalawa. Pagkatapos non..mahuhulog siya sakin, kapag nahulog siya sakin matik na sasagutin ko siya agad malamang. Walang pagdadalawang isip sagot agad. Pagkatapos siya naman ang maghahabol sakin, ngayon pa lang nakikita ko na nagtatakbuhan kaming dalawa at masaya. While he was saying that he love--- “Ay wow..” Naputol ang pangarap ko nang biglang may humarang sa paningin ko kay Raviel. Isa ding senior na nakatalikod pa sa gawi ko. Nakaismid na tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. “...humarang pa nga.” Bulong ko pa na mukhang narinig niya dahil bumaling siya sakin. Napansin ko na nakatingin siya sa likuran ko kaya napalingon din ako. Wala namang tao. “May nakikita ba siya na hindi ko nakikita.” Bulong ko pa nang bumaling uli ako sakanya, doon ako natigilan nang matitigan ng maigi ang mukhang ‘yon. He really looks familiar. ‘Saan ko ba siya nakita?’ Hindi pa din niya inaalis ang tingin sa likuran ko kaya malaya ko siyang tinitigan. I couldn’t help comparing him to Raviel; the one standing before me carried a much stronger presence. Kulay gatas ang buhok niya na kumikinang pa sa sinag ng araw. Ang sarap titigan ng mukha niya dahil bumagay ang structure sa aura niya. Mas nakaagaw pansin sakin ang mga mata niyang iba, He has hazel eyes, a striking mix of brown and green and those eyes are familiar to me. Saan ko nga ba uli ‘yon nakita? Napakurap ako nang tumalikod na lang siya at naglakad palayo. Mabilis kong tinampal ng dahan-dahan ang pisngi ko. “Seryoso kaba Iris? Excuse me walang makakatalo sa mukha ni Raviel no.” Bulong ko pa at sinundan ang bulto ng lalaking ‘yon. “...sumasapaw sa pangarap ng iba oh.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD