Chapter Two

1014 Words
Iris ” My wrongdoing ends upon this ground, Where knees and promises are bound. One vow I speak, one word I give, By this promise, I shall live.” Nangangati na kinamot ko pa hita ko habang paulit-ulit na binibigkas ang dasal. Walang nangyari sa pagtanggol sakin ni senior Rosalyn dahil mukhang sukdulan na ang galit sakin ng mga elder. Talagang nagpetition pa sila na parusahan ako. Mga bruha.. “Pero wag naman ganito.” Nagdadabog na nakaluhod pa din ako sa garden pavilion. Sa tingin ko nga ay mahigit apat na oras na akong nakaluhod. “Bakit? Tinitingin nyo? Ngayon lang kayo nakakita ng nakaluhod?!” Nakaismid na sabi ko sa mga dumadaan na panay ang tingin sa direksyon ko. “Sabi ko na ikaw na naman e!” Natatawang sabi pa ng isang grupo ng lalaki na nakasuot ng kulay puting robe. Binato pa nila sakin ang isang buto ng manga at tumatawang tumalikod. Napairap na lang ako sa hangin at muling nagbigkas ng dasal. “I swear kapag nahanap ko sila papa matapos lang ang evaluation ko aalis ako dito.” Pero natigilan din ako, what will happen to my love, Raviel, if I don’t accept it? Hindi pa ako nagko-confess shet. “Love letter pwede naman no?” Nakangising sabi ko pa at ginala ng tingin ang paligid ko. When Papa left me in this place, I cried endlessly and didn’t eat for days. Hindi ko alam na sa huli ay mapapamahal din pala ako sa lugar na ‘to. The Sanctuary of the Pure Ones gave us everything we needed. Sa unang araw ko pa lang ay may nakalaan na para sa akin na sariling kwarto, That room was filled with neatly arranged dresses and dolls, kaya kahit papaano ay nadistract ako sa pagkamiss kina papa. Pinag-aral din kami kung saan tinuturo samin ang moral, History or Social Studies. Pagsunod at disiplina pati na din ang mga banal na kasulatan. Here, we are divided into ranks. Napatingin ako sa grupong nakasuot ng kulay off white na gown kagaya ko. They called us seeker, we are not fully devoted members yet. We are permitted to act freely and are given the opportunity to decide whether we will accept service within the organization. Kapag tumuntong na ng twenty-three years old ay isa ng ganap na Probationary Member, hindi nga lang namin gusto ang uniform doon dahil silver gray. After the evaluation period of our contract, the elder will prepare us for our binding to the Sanctuary of the Bound. Ang sabi nila sa oras na napabilang kana doon ay hindi kana muling makakaalis pa. At ang isa pa ay ang mga devotee, the devotees are dressed in emerald green and a knotted rope, It is a symbol of their acceptance and devotion to the organization. At ang mga sumunod naman ay ang mga senior devotee kung saan nabibilang sila Raviel at Rosalyn. “Iris Madrigal.” Nag-angat ako nang mukha sa tumawag sakin. “Oh..ikaw.” Maang na tingala ko nang makita ko na naman ang lalaking ‘yon na humarang sa pangarap ko. His face shows no emotion, his eyes are completely lifeless. “Your disobedience has been reported.” Malamig na sabi niya pa at nilabas mula sa likod ang matigas na ruler. Nanlaki ang mata ko dahil ang usually na nagdadala non ay si senior Rosalyn. Alam ko na ang ibig sabihin non.. “Bakit ikaw?” Nagpalipat-lipat pa ang tingin ko sa ruler na hawak niya at sa mukha niya. “And I believe they are right.” Sabi niya pa at tinapat ang ruler sa ilalim ng baba ko. Kunot-noong nakatingin pa din ako sakanya. “Hmm?” Senyas niya sa kamay ko, kagat ang labing marahan kong inangat ang dalawang palad ko. “Aww!” Napangiwi ako nang hampasin niya ang palad ko. Nakita ko pa ang pamumula non sa isang hampas lang. Inikutan niya ako habang nilalaro ang ruler sa kamay niya. “Those without discipline are difficult to control.” Sabi niya at muling hinampas ang palad ko. This time, it was far stronger. “And do you know what happens to people like that?” Aniya at muling hinampas ako. Halos mawala na ako sa balance dahil sa sakit ng palad ko. “A-ghk..” Nakangiwing pinilit kong umayos ng luhod. Pumunta pa siya sa likuran ko. “They will be killed.” Bulong niya pa at isang hampas pa muli. I watched as my palm began to swell, redness spreading across it. Pinigilan ko ang sarili ko na huwag umiyak ngunit halata sa hininga ko ang emosyon na pinipigilan ko. “And now you are crying huh?” Sarkastikong sabi niya pa at gamit ang ruler ay inangat ang belong suot ko. Pigil ang luhang sinalubong ko ang titig niya. Nakita ko pa ang kasiyahan sa mata niya habang nakayuko sakin. “Ilang taon kana?” Hindi ako sumagot, muli niyang hinampas ang palad ko, “T-twenty-two.” Nakangiwing sagot ko. “Birthday?” “Two months.” Mabilis na sagot ko dahil alam ko ang gagawin niya kung hindi ako sumagot. “Mabilis ka naman palang kausap.” Sabi niya pa at binaba ang belo ko gamit ang ruler. “You may return to your room.” Sambit niya pa at tinalikuran ako. Galit na sumunod ang tingin ko sakanya. “Magagantihan din talaga kita..” Bulong ko saka napangiwi dahil humangin pa ng malakas. Pinilit ko namang tumayo at nagsimulang maglakad habang hinihipan ang palad ko. “Paano ako nito magsusulat..” Nakangiwing sabi ko habang naglalakad. Natigilan ako sa paglalakad nang makita ko ang lalaking ‘yon na kausap si senior Rosalyn. Nakangusong nagtago ako sa puno habang pinapanood sila. Pansin ko ang galit sa mukha ni senior Rosalyn habang kausap ang lalaking ‘yon. “Mukhang walang gagawin maganda ‘tong isang ‘to.” Bulong ko pa. I saw Senior Rosalyn turn away in anger. Ngumisi ako at tinignan ang lalaking ‘yon na nakasunod ang tingin. Mukhang alam ko na kung paano ako makakaganti sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD