Natasha's POV
Saturday at walang pasok, Wahhh! Bored na naman ako buong maghapon. Huhuhu! Wala si Mama pati ang kapatid ko. Tapos na akong maglinis at masasabi kong nakakapagod. Pabagsak akong umupo sa sofa at humiga. Nakakapagod talaga. Nakakagutom pa. Ano naman kaya ang pwedeng gawin?
Bigla ko na lang naisip na mag mall. Hehehe Tama! At least don may aircon, Malamig! Hehehehe
Agad akong bumangon at naligo, simple lang ang suot ko. Naka white shirt at jeans lang naman. Being simple is beauty.
Tinext ko si mama na pupunta ako sa mall para kung sakali mang dumating sila alam nilang nasa mall ako.
Pagkarating ko sa mall, nag-ikot naman na ako. Awiiehh! Ang lamig! Mabuti na lang talaga at may pera ako.
Bumili akong ice cream at kumain. Nakaramdam ako ng gutom e. Hehehe. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng biglang may tumawag sa phone ko.
"Hello?" Bungad ko sa kabilang linya.
[Where are you?] Tanong nito sa 'kin.
"Mall, Zander.." Sagot ko sa tanong ni Zander.
["Nothing. Sino kasama mo?"] Tanong ulit nito. Wala naman akong kasama hehehe.
"Myself hehehehe."
["Gusto mo samahan kita?"] Tanong na naman nito. Ang dami niyang tanong ngayon pero parang nag-iimbistiga siya ayon sa tono ng boses niya e.
"No need, I'm fine." Sagot ko dito. Parang may mali sa bawat tanong niya e.
["Okay, Bye"] and he ended the call. Napatingin ako sa screen ng phone ko. Weird!
Kahit medyo naguguluhan ako, tumayo na ako at maglalakad pa ng konti dito sa mall. Minsan lang kaya ako makapunta dito. Masyadong busy!
Bigla na lang may nakabungguan akong lalaki, Woahh! "I'm Sorry.." Pagpapa-umanhin ko. Malamig lang naman itong nakatingin sa 'kin at naglakad na ito. Gwapo sana pero napaka serious type naman 'non.
"Blake!" rinig kong tawag ng dalawang lalaki palapit sa lalaking nakabungguan ko.
Blake? So his name is Blake? Uggh nevermind.
Naglakad na lang ulit ako ng may isang babae ang nakita kong mag-isang nakaupo habang naka-yuko. Wait!
Nilapitan ko kaagad dahil hindi ako nagkamali. "-Stephanie?" Tawag ko dito. Napatingin naman ito sa 'kin na may gulat.
"You're also here, what are you doing here?" Tanong nito sa 'kin.
"Libot-libot lang.." Nakangiting sagot ko. Ngumiti naman ito ng medyo pilit na may lungkot? "-Ikaw? Sino kasama mo?" Tanong ko sa kanya.
"Myself.." Simpleng sagot nito. Parang ganyan din ang sagot ko kanina kay Zander hehehehe.
"You?" Tanong nito. Tumabi naman ako sa kanya at umupo.
"Myself din Hehehehe." Nakangiting sagot ko.
"So, Let's go?" Tanong nito sa 'kin at tumayo siya. Saan naman kaya siya nag-aaya?
"Where?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Imbis na sumagot siya ay humawak siya sa kamay ko at napatayo naman ako.
Hinila niya ako palabas ng mall. At sumakay ng taxi. Saan kaya kami pupunta? Bahala na. May tiwala naman ako sa kanya e.
Huminto na ang taxi at bumaba na si Stephanie pagkatapos niyang mag-bayad. Kaya sumunod narin ako, napa nganga na lang ako dahil sa ganda. Nasa Overlooking kami? Ang ganda.
Nakita ko naman si Stephanie na pumunta sa dulo at umupo sa may malaking bato. Baka malaglag siya 'don. Baliw na ba siya? Wala pa namang katao-tao dito.
Nang malapitan ko siya nakita ko sa kanya ang sobrang lungkot at parang anytime babagsak na ang mga luha niya.
Lumuhod ako sa harap niya para makita ang mukha niya at tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha niya. Anong problema niya?
"Anong problema?" Nag-aalala kong tanong. Wahh! Bakit ba kasi lahat na lang ata ng kaibigan ko napaka-iyakin?
"He broken up with me.." Diretsong sabi nito at agad na may luhang bumagsak sa mga mata niya.
Kunot-noo ko naman siyang tiningnan. Break na sila? Sa pagkakaalam ko, mahal nila ang isa't-isa.
"What? Anong dahilan?" Curious na tanong ko. Nakakapanghinayang naman ang relasyon nila kung ganon.
"Kasi napaka selosa ko daw.." Halos mag broke na ang boses niya. Agad ko siyang yinakap at hinagod ang likod niya.
"Sshh. Tahan na. Magkakabalikan din kayo, mahal niyo kaya ang isa't-isa.." Pag-comfort ko sa kanya. Wahhh! Tama na huwag na siyang umiyak, nadadamay ako e..
"No. You're wrong Natasha. Hindi na daw siya makikipag-balikan.. Hindi na daw niya ako mahal.. Ang sakit huhuhu.." naiiyak na sabi nito. Hindi na? Seryoso? Pero bakit pakiramdam ko, magkakabalikan din sila?
"Ssshh. Tahan na, nadadamay ako e. Naluluha na ako huhuhu. Okay lang yan." Sabi ko dito at pinunasan ko ang luha niya. Ngumiti naman ito sa 'kin.
"Thank you Natasha.." Sabi nito at yinakap na niya ako.
"Always welcome. I'm always here as your best friend.. " sabi ko naman dito. Pakiramdam ko, napakagaan ng loob ko sa kanya. Yung tipong lahat ay mapagkakasunduan namin.
Kasalukuyan na kami ngayong nakatingin sa buong syudad at malapit narin mag gabi.
"Natasha, I will make a revenge.." Napatingin agad ako kay Stephanie dahil sa sinabi niya. Revenge? Diba masama 'yon?
"Stephanie, Masama yan. Kasi sa huli ikaw lang ang masasaktan.." Sana mapigilan ko siya. Kasi masama talaga 'yon e.
"No, Natasha. Napag-isipan ko na talaga ito. Please! Help me.." Hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Uggh bahala na.
"Okay fine. Pero kapag mali na ang mga ginagawa mo, I'm here to stop you.." Sagot ko sa kanya. Ngumiti naman ito sa 'kin at tumango.
"Thank you Natasha.. We are now officially best friend forever.." Sabi nito at yinakap ulit ako. Bestfriend? Awwiiehh! Gusto ko 'yon.
"Oo na bestfriend na tayo hehehe. Gusto ko 'yon. Pero sa ngayon, we need to go home. Mag gagabi na eh." Sabi ko dito. Ngumiti ulit si Stephanie at tumango, masigla naman siyang tumayo kaya tumayo nadin ako.
Nakakailang hakbang pa lang kami ng may mga lalaking humarang sa 'min. Wahhhh! Ito na naman, ang papanget nila.
"Nice! Beautiful ladies.." Nakakadiring sabi ng kapreng parang aso.
Parang walang gagawing masama ang apat na lalaki ang nandito. Wahhh! Help us. Mga Kapreng impakto!
Nagkatinginan kami ni Stephanie at parang nagkaintindihan kami. Tatakbo kami. Pero nakakaisang hakbang palang kami ng may humawak nasa braso namin. Wahhhh!!
Ang papangit nila huhuhu, superman please. Ito na namaaaaan!
"Saan kayo pupunta mga nag-gagandahang binibini? Alam niyo bang bastos ang ginawa niyo, kinakausap namin kayo, tatakbuhan niyo lang kami." Sabi ng isang kapre na papalapit sa 'min. Kasama ang unang nagsalita kanina.
"We're not pervert.. Kayo ang bastos. Pwede ba, Pakawalan niyo nga kami.." Inis na sabi ni Stephanie. Ang tapang pala niya, pero siguro wala siya sa mood kaya tumatapang siya.
"Aba, matabil ang dila ng babaeng ito.." Inis na sabi ng unang kapreng nagsalita kanina at laking gulat ko ng bigla niyang sinampal si Stephanie.
"Hoy! Anong karapatan mong saktan ang bestfl friend ko? Bakla ka ba? Pwede ba, Pakawalan niyo kami.." Inis na sabi ko habang nagpupumiglas. Pero masyadong malakas kaya, parang wala lang din. Sayang lang ang lakas ko.
Napatingin ako kay Stephanie na gulat parin ata sa pagsampal sa kanya. Ako ang nasasaktan sa pagsampal sa kanya e. Huhuhuhu!
"Boss. Ang gaganda talaga nila.." Sabi ng lalaking kapreng may hawak kay Stephanie. Yakkk! Nakakangilabot!
"Let us go.." Inis na sabi ni Stephanie. Bakit ba kasi ayaw nila kaming pakawalan? Ano bang kailangan nila?
"Why would we?" Ngising sabi ng boss ata nila. At mas lalong lumapit ito sa 'kin.
Hahawakan na sana nito ang pisngi ko ng biglang may nagsalita.
"f*****g Morons. Hoy Ikaw Doglas.. Pakawalan niyo nga sila.." Lahat kami napatingin sa boses na 'yon. Wow!
Doglas? Means, Doglas ang pangalan ng boss nila? Ang bantot hah! Kaya pala mukhang aso at hindi lang yan, amoy aso din. Eiwww!!!