Natasha's POV
Medyo ang bigat ng pakiramdam ko, tapos parang nilalagnat ako. Basta parang ang sama ng pakiramdam ko.
Huwag na muna kaya akong pumasok? Tutal wala namang naghahanap sa 'kin sa school eh. Huhuhu! Masakit.
Lumabas na ako sa kwarto ko para makapag breakfast. Kahit wala akong ganang kumain. Kakain ako, masama daw mag skip ng breakfast.
May mga pagkain na sa lamesa na nakatakip. Sure akong niluto ito ni mama.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng biglang tumunog ang phone ko. Kaya't kinuha ko para malaman kung sino ang tumatawag. Siguro si mama ito?
-My baby calling...
Accept ~ Reject
Akala ko si mama, hindi pala. Mas maiging huwag ko na munang sagutin dahil baka aawayin niya na naman ako. Ayoko muna ng away. I need peace! World peace! Hehehe.
Patapos na akong kumain ng biglang nag vibrate ang phone ko.. Text naman ngayon?
From: My Baby♥
-Ano Natasha? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko sayo. Bakit hindi ka pumasok? Hinihintay kita eh. What the hell is your f*****g problem?
Galit na galit nga siya. Wahhhhh! Huhuhu masakit sa dibdib. Ayoko na. Ayoko na huhuhu! Maiiyak na naman ako eh.
To: My Baby♥
-I'm not in mood Zander.. Sorry!
*sent✔
Pagkatapos ng text ko, niligpit ko na ang pinag-kainan ko. Kakatapos ko lang kumain pero bakit ang lamya ko? Huhuhu
Napatingin ako sa phone ko ng may text na naman ulit.
From:My Baby♥
-What the heck Natasha! Anong wala ka sa mood? What is your f*****g problem? Tell me, WHAT?
Sa pagkabasa ko ng text niya napaluha ako, dahil sa mura nya. Sanay akong kapag medyo nagkakatampuhan kami, mahilig siyang magmura pero masakit parin pala.
To: My Baby♥
-Nothing Zander. Don't mind me. I'm okay!
*sent✔
Hindi ko alam kung gaano katagal bago ako bumalik sa katinuan, pagkatapos kong maghugas. May biglang kumakatok sa gate. Sino naman kaya 'yon?
Inayos ko ang sarili ko at lumabas para makita kung sino ang taong 'yon. Pagbukas ko ng gate, laking gulat ko na lang ng makita ko siya dito.
"Anong ginagawa mo dito? "Gulat na tanong ko sa kanya. Nakita ko sa kanya ang pagiging walang emotion.
"I hate being you like this. Let's talk.." seryosong sabi nito. Hindi ko alam basta naiyak na naman ako. Bakit ba kasi napaka-iyakin ko?
"Nasa school ka diba? Anong ginagawa mo dito?" Pag-iiba ko na lang ng usapan at pinunasan ko ang mga luha ko.
"Cutting class.." Simpleng sagot lang niya. Tss. Seryoso? Nag cutting class siya? Malamang! Nandito siya sa harap ko ngayon e. "-Wala ka bang balak papasukin ako?" Tanong nito, kaya natauhan ako.
Lumakad ako papasok at sinundan naman na niya ako.
"Sino kasama mo dito?" Tanong nito at umupo sa sofa.
"Ako lang... Gabi pa uwi nila Mama." Sagot ko sa tanong niya. Ang kapatid ko naman diretso yon sa pinagtra-trabahuan ni Mama, malapit lang kasi ang school ng kapatid ko don.
"Wala kang kasama buong maghapon?" Tanong nito. Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot.
"Pwede ka ng umalis, nakita mo na ako.." Seryosong sabi ko, pero masakit sa dibdib. Tumalikod na lang ako at balak ko ng maglakad palayo sa kanya ng bigla niya akong yakapin mula sa likod.
"What is your problem Natasha?" Mahinahon na tanong niya sa 'kin. Huhuhu, Maiiyak na naman ba ako?
"Wala Zander.. Walang Problema.." Pilit kong inaayos ang pananalita ko.
"Anong wala? Alam kong meron. Kaya sabihin mo na please naman ohh.." Medyo Inis na tanong na niya. Ahh, Oo nga pala. Madali lang siyang mainis.
"Ayoko ng away Zander, so please. Leave.." naiiyak na sabi ko sa kanya. Gusto kong umalis siya pero ayoko. Ang gulo diba?
"Natasha naman ayaw ko na, nag-kakaganito tayo please sorry na kung may nagawa akong kasalanan.." halos nagmamakaawa nitong sabi. Wahhh! Ayoko ng ganito. Huhuhuhu!
Humarap ako sa kanya at yinakap siya. Makikipag-bati na nga ako sa kanya. Hindi ko talaga siya matiis eh. Rupok rupok hays!
"Kasi naman eh, gusto ko ako lang. Nagseselos kasi ako. Basta ayokong nakikitang mas masaya ka sa iba. Baka kasi ipagpalit mo ako sa iba Masakit!" Umiiyak na sabi ko sa kanya.
"Ssshhhh, baby I will never do that." paglalambing nito sa 'kin.
Tumahimik na lang ako. Kasi sana talaga hindi niya gawin 'yon. Sana hindi niya ako ipagpalit sa iba. Sana talaga!
Nag stay pa ng ilang oras dito si Zander, nang nagpasya narin siyang umuwi. kasalukuyang naglilinis na ako ng bahay ngayon ng biglang may bumukas sa pinto. Akala ko kung sino na.
-----
Kasalukuyan na akong naglalakad papunta sa room. Medyo napaaga ata ako dahil walang katao-tao pa sa room namin. Mas maiging umupo na muna ako sa upuan pero napansin ko, may isang babaeng umiiyak sa dulo ng room. Akala ko multo na si Cela lang pala. Pero bakit umiiyak siya?
Siguro kailangan niya ng kaibigan ngayon kasi, parang ang bigat ng problema niya eh.
"Cela? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ko sakanya. Napatingin naman siya sa 'kin at kita ko sa mga mata niya ang lungkot.
"W-wala.." Naiiyak na sabi nito. Malalim kaya ang dahilan ng problema niya? I think so.
"Alam mo ba kapag umiiyak ako, may sinasabihan ako ng problema para gumaan. Marami akong kaibigan kaya marami akong nasasabihan. Pero ngayon, ituring mo akong kaibigan at para gumaan yan. Ikwento mo lang sa 'kin. Ano ba kasing problema?" Sabi ko nginitian siya. Ngumiti naman siya sa 'kin at pinunasan niya ang mga luha nya sa pisnge.
"K-kasi, Natanggal ako sa sayaw.. Nahuli lang ako sa practice e. Tapos sinabihan pa akong pabebe.." Umiiyak na kinukwento nito sa 'kin. Yun pala ang dahilan kaya siya umiiyak. Ngayon pa naman din ang competition ng sayaw. Sayang naman kay Cela!
"Shhhh. Huwag ka ng umiyak. Okay lang yan, at least sinubukan mo, better luck next time." Pagpapalakas ko ng loob sa kanya. Ngumiti naman ito sa 'kin.
Dumating na ang mga classmate namin at pati narin si Zander. Nagulat pa nga siya dahil katabi ko si Cela. Ang isang babaeng pinagseselosan ko.
Pero may namimiss ako, Si Stephanie. Huhuhu kamusta na kaya ang babaeng 'yon? Pero pumasok siya kahapon, absent naman ako. Ngayong pumasok ako, siya naman ang absent. Wahhhh! Miss ko na talaga siya.
"Class, pumunta na kayo sa court, suportahan niyo ang mga classmate niyo.." Sabi ni maam sa may pinto. Ayiieh! Manunuod ako hehehehe.
"Ano? Cela, Tara na? Ano kaba huwag ka ng malungkot. Okay lang yan.." Pag che-cheer-up ko sakanya. Tumango naman ito sa 'kin. Good! Hehehehe
Lumapit naman si Zander sa amin ni Cela at inasar naman ni Zander si Cela, kahit medyo masakit sa 'kin. Kahit na nakakaramdam ako ng konting selos, Okay lang. Basta huwag lang umiyak si Cela.
Nang makarating na kami sa Court napaka-ingay! Section nila ang sinisigaw nila. Nakss! Todo support sila.
Ang gagaling ng mga sumasayaw. Katabi ko nga pala, ngayon ay si Zander at Cela. Nasa gitna nila akong dalawa.
Napalingon ako sa gawi ni Cela, wala siya? Saan naman kaya nagpunta 'yon? Tiningnan ko ang paligid pero wala talaga siya.
Agad akong tumayo at tumakbo papunta sa room baka sakali na nasa room siya at tama nga ako. Ay wait! Hindi ako nakapag-paalam kay Zander. Panigurado, hahanapin niya ako!
Lumapit ako kay Cela na umiiyak na naman. Napaka iyakin niya, parang ako hehehehe.
"Cela, ano ka ba, okay lang yan. Huwag ka ng umiyak.." Pagpapatahan ko sa kanya at hinahagod ang likod niya.
"Huhu. H-hindi ko kasi mapigilan eh.." naiiyak na sabi nito. Napabuntong hininga na lang ako at yinakap siya. "-Salamat hah, nandyan ka." Sabi nito, nginitian ko na lang siya. May binulong pa siya na hindi ko maintindihan.
"Ano yung binulong mo Cela?" Tanong ko sakanya. Nagulat pa at siya sa tanong ko.
"Ah? Ah. W-wala.. Sabi ko ang sakit na ng mata ko, kakaiyak.." Sabi lang nito at ngumiti. Tumango na lang ako.
"Ahhh. Huwag ka na kasing umiyak.."
"Hehehehe. Hindi na. So, Friends?" Tanong nito at nilahad ang kamay niya.
Agad ko naman itong tinanggap. "-Friends." Sabi ko at ngumiti.
"Andito lang pala kayo.." Napatingin kami ni Cela sa pinto na papasok ni Zander. Hehehehe nahanap niya kami.
"Ahm. Sorry, naiwan ka namin don hehehe." Pagpapaumanhin ko.
"It's okay.." Sabi nito at kinurot ang pisnge ko, Wahhh ang bad! "-Ang cute mo talaga." Sabi nito. Cute lang lagi sinasabi niya. Tss, maganda kaya ako.
"Aray naman masakit. Napaka bad mo.." medyo nagtatampo kong sabi sa kanya.
"Ang sweet niyo naman." Napatingin kaming dalawa ni Zander kay Cela. Wahhh! Oo nga pala. Nakalimutan ko andito pala si Cela. Ang bad kasi ni Zander ehh.
Pero ang nakakatuwa, may new friend ulit ako. Hehehehehe