Natasha's POV
Panigurado mukha na akong zombie ngayon. Pano ba naman, hindi talaga ako nakatulog last night, kyahhh! That was my first kiss.
After ng morning rituals ko, wala si maka dito sa bahay pati ang kapatid ko. Siguro maaga ang alis nila. Kumain narin ako at pumunta na sa school.
Pagdating ko sa school, medyo napaaga ata ako, kasi naman konti pa lang kami nandito sa room. Makaidlip nga saglit hehehehe. Inaantok pa ako eh.
Umob-ob na ako at plano ko na sanang ipikit ang mata ko ng naramdaman kong may tumabi sakin. Tumingin ako sa kanya at hindi ako nagkakamali. Ang taong dahilan kung bakit ako puyat kyahhh!
"Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang zombie?" Natatawa nitong sabi. Tiningnan ko naman siya ng masama. Maang-maangan pa siya!!!
"Gawa mo kaya.." Medyo nagtatampo kong sabi sakanya.
"Bakit ako?" natatawa nitong sabi, Kitamoto! Nagmamaangan talaga eh!! Huhuhuhu
"Ehh kasi.. Ughh! nothing.." medyo napayuko ako dahil panigurado namumula na ako! Kasi naman, naalala ko na naman yung kiss kagabe! Wahhh!
"O'sige. Sleepwell. Wala naman tayong teacher eh.." Sabi nito at ginulo ang buhok ko. Yehey! Pwede makatulog!
Masaya akong tumango sa kanya. At umob-ob na ulit sa desk. Matutulog na ako!
-----
Nagising na lang ako sa ingay at tawanan. Huhuhu siguro wala paring teacher? Siguro nga. Umayos na ako ng upo at kinusot lo ang mga mata ko. Teka! Wala ang boyfriend ko sa tabi ko. Nasan siya? Nilingon ko ang room namin at nakita ko siya. Nakikipag-tawanan siya sa ibang babae naming classmate. Wahhh!
Nakita ko yung babae na ang landi kung kumilos. May pahampas-hampas pa siya sa braso ng boyfriend ko. Huhuhu pagbuhulin ko silang lahat eh. Tapos eto namang boyfriend ko, natutuwa pa ata! Hmmf. Bahala sila dyan. Naiinis akong makita sila!
Wala na ako sa mood kaya lumabas na lang ako sa room at pumunta sa canteen, kakain na lang ako, pampawala ng badtrip! Huhuhu kasi naman eh! Mga ilang minuto din akong nag stay dito sa canteen ng naisipan kong pumunta na ulit sa room.
"Baby, hinahanap kita kanina pa, saan ka ba pumunta?" Bungad na tanong ni Zander sa 'kin. Hinahanap? Psshh, busy nga siya sa pakikipaglandian ehh!!
Wala akong ganang makipag-usap sa kanya kaya hindi ko siya pinansin at umupo na lang ng tahimik.
"Baby? Bakit di mo ako pinapansin?" Tanong ulit nito. Bahala siya dyan! Huhuhu kasi naman siya eh!
Tiningnan ko lang siya ng blangko at tumingin nasa cellphone ko. Maglalaro na lang ako hehehehe.
"Baby ko? Ano ba talagang problema mo?" Tanong na naman nito sa 'kin at kinuha ang phone ko. Aba't!
"Yang pagiging malandi mo! Wahhh huhu kasi naman natulog lang ako saglit tapos pag-gising ko wala kana sa tabi ko. Nakikipaglandian ka sa ibang babae. Napakasama mo.." naiiritang sabi ko sa kanya at inis na kinuha ang phone ko.
"Nagseselos ka?" Natatawa nitong tanong. Talaga naman oh! Nakuha pa niya akong tawanan! Napakasama talaga!!
"Baby ko naman eh! Huwag ka ng magselos, ikaw lang ang mahal ko promise!" Paglalambing nito. Wahh! Huwag ganon! Madali ko lang siya mapatawad eh! Kapag nanlalambing siya bumibigay agad ako eh huhuhu! #Marupok!
Hindi ko na lang siya pinansin, magsasalita sana ako ng umalis na siya sa tabi ko! Kitamoyon! Umalis na naman. Napakasama talaga ehh huhuhu!
Mas maiging umalis na lang din ako. Pumunta ako sa likod kung saan ang gusto kong lugar dito sa school. Mahangin at maraming puno. Umupo ako sa isang bench at bumuntong hininga.
Nakakainis talaga eh!! Pasimpleng malandi yung girl, halata naman eh huhuhu! Pagbuhulin ko silang lahat eh. Ayaw ko naman ng away! Anong mapapala kung makikipag-away diba?
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nandito ng maisipan kong bumalik na sa room, nagpalipas lang naman ako ng beastmode eh. Madali lang naman mawala ang inis ko eh! Bumalik na lang ako sa room, tutal hindi ko naman kayang tiisin ang boyfriend ko.
Pagbalik ko sa room, mas lalo pa pala ako maiinis. Akala ko, tahimik si Zander. Akala ko gagawa siya ng paraan para magkabati kami, but I'm wrong!
Inaasar ni Zander si Cela at nagtatawanam sila basta ang saya nilang tingnan eh! Masakit naman sa part ko.
Nakatayo lang ako dito sa may bintana habang nakadungaw sa loob, kanina si May Ann ngayon naman si Cela. Magkaibigan pa ang nilalandi niya hah! Napaka bad niya talaga!
Wala talaga huuhuhu, naiiyak na ako! Nagseselos ako eh, may karapatan kaya ako noh!
Pumasok ako sa loob ng room at agad kong kinuha ang bag ko at tumakbo akong palabas ng room.
Hindi man lang ako napansin ng mga 'yon. Malamang! Busy sila sa paglalandian huhuhu! Napakasama nila!
Pumunta na lang ako sa likod ng school dun sa tago na talaga. Huhuhu, basta naiyak na ako! Napaka iyakin ko talaga! Huhuhu! Umupo ako sa simento at pinatong ko ang ulo ko sa pader.
Good Idea! Matutulog na lang ulit ako hehehehe!
--
Zander's POV
Nagpalinga-linga ako sa buong room, wala na naman ang babaeng 'yon? Saan na naman kaya nagsusuot 'yon?
Wala siya dito sa room, tapos ako nandito sa room, hay! Hindi ko kasi maiwan si Cela dahil umiiyak kanina, kaya inaasar ko at pinapatawa! Naawa ako sa kanya.
Si Cela at May Ann mag kaibigan. Close friend ata sila eh!
Nang mapansin kong wala ang bag ni Natasha, agad akong pumunta 'don. Nasaan na naman siya?
"Hinahanap mo ba si Natasha?" Napalingon ako kay Jr na lumapit sa 'kin.
"Oo nakita mo ba 'pre?" Pagtanong ko sa kanya. Kailangan kong makausap ang babaeng 'yon. Talaga namang babae kasi 'yon, Selosa!
"Umalis, dala ang bag.." wala sa mood na sabi nito.
Umalis dala ang bag? Ano na naman ba pakulo 'non? Hirap sa mga babae eh, ang hirap intindihin!
"Dala ang bag? Alam mo ba kung saan pumunta?" Tanong ko pa. May inis naman akong tiningnan ni JR. Problema nito?
"Ikaw ang Boyfriend diba? Bakit hindi mo alam?.." Inis na sabi nito at tumalikod na sa 'kin. "-Umiiyak ng kinuha ang bag." Dugtong nito at umalis na na ng tuluyan.
Umiiyak si Natasha? Ano na namang kadramahan 'yon? Hays! Napapailing na lang talaga ako!
Hinanap ko siya sa buong school, pero hindi ko siya nakita! Bakit ko ba hahanapin ang taong ayaw magpahanap? Tinatawagan ko, hindi sinasagot! Tinopak na naman siguro 'yon.
Uwian na pero hindi ko pa rin siya nakita! Kakausapin ko talaga bukas 'yon. Napaka selosa eh!
NATASHA'S POV
Nagising na lang ako dabil uwian na. Wahhh! Ang sarap na naman ng tulog ko. Inayos ko kaagad ang sarili ko, uuwi na ako hehehe.
Kinuha ko ang phone ko at nakita kong missed calls and texts galing kay Zander. Bahala siya! Nagtatampo parin ako sa kanya.
Paalis na ako dito sa likod pero nakita kong magkakasama sina Zander, May Ann at Cela. Sabay-sabay silang naglalakad. Nasaktan na naman ako huhuhu!
Bakit hindi niya ko hinanap o hinintay man lang? Huhuhu.