Chapter 33
Nag-vibrate ang phone ko tumatawag si Adam. Oh God...hindi ko alam ang gagawin ko. Dapat ay magkikita kami ngayon sa gate ng beach, pero hindi natuloy dahil kinausap ako ng kanyang ina. Patuloy lang sa pagvibrate ang phone ko, naiiyak na ako, gustong-gusto ko ng sagutin ang mga tawag niya at sabihing mahal na mahal ko siya. Kahit masakit, kailangan ko siyang layuan. Hindi ako magiging makasarili, kahit ayaw ko siyang isuko, susuko ako para sa kanya, ganoon ko siya kamahal.
"Ang kompanya ay pamana sa kanya ng kanyang lolo, noon pa man kahit nabubuhay pa ito at malakas pa, palagi niyang sinasabi iyon kay Adam na siya ang magmamana ng kompanya nito, kaya dala- dala na iyon ng anak ko hanggang sa paglaki niya, pero nakasaad doon na kung hindi tagapagmana ang papakasalan niya ay hindi dito mapupunta ang lahat, mapupunta ito sa pinsan niya..." malungkot nitong wika, huminto saglit upang mag-isip pa ng ibang sasabihin "Kaya noon pa lang, kahit maliit pa sila ay nagkasundo na kami na ipakasal sila, sa takdang panahon" Matagal na pala silang nakatakda at ako? Ako lang naman ang intruder sa buhay nila kaya ako lang ang nararapat na umalis.
Nag-text na lang si Adam, naiinip na siguro sa hindi ko pagpansin sa mga tawag niya.
AAZ: Where are you? I went to your house but your mom told me that you're not home yet, please Eve, tell me where you are right now. Please answer my call.
Matinding pagkontrol sa aking sarili ang ginagawa ko ngayon. Kailangang pigilan ko ang sarili na sagutin ang mga tawag at text niya. Tumatawag ulit siya, hinayaan ko na lang hanggang sa ma- lowbatt ang phone. Hindi ko ito magawang hawakan, kanina pa. Nanatili lamang akong nakatingin doon habang nag-uunahang tumulo ang mga luha sa aking pisngi. Narito ako ngayon sa kabilang ibayo ng dagat kung saan hindi na sakop ng beach na pag-aari ni Adam.
Open ito sa mga residente ng lugar namin o kahit na dayo basta may kakilala sa lugar namin ay pwedeng maligo. Nakatanaw ako ngayon sa papalubog na araw. Nasa malayong isla iyon, ang ganda nitong pagmasdan, lalo na siguro kung kasama ko siya...ang taong nagbibigay ng kulay at saya sa aking buhay...ang taong mahal ko...
"Hello, anak, nasaan ka? Kanina ka pa hinahanap ni Adam" sabi ni nanay "Nandyan pa po ba siya?" tanong ko "Wala na ang sabi ko ay umalis ka" "Nandito po ako kina Tita Martha, napadaan po ako, pasensya na po hindi ko napansin ang oras" sinadya kong dumaan talaga doon para iwasan si Adam "Ah, ganoon ba? Pauwi ka na? Hihintayin ka namin, kakain na tayo"
"Sige po, pauwi na ako" Pagkatapos kong maka-usap ang nanay ay nagpaalam na rin ako kay Tiya Martha. Madilim na rin naman kaya pwede na akong umuwi. Hinihintay ko talaga ang pagsapit ng dilim upang maisagawa ko ang plano kong pagtakas, hindi ako makikita ni Adam, ako ay magbabalat kayo magtratransform into an old lady para hindi niya makilala waah joke lang! Sinadya ko talaga para hindi magpanagpo ang mga landas namin sa daan. Tinalasan ko ang aking mga mata sa dilim habang naglalakad sa kalsada.
Madadaanan ko ang beach. May isa pa sanang daanan kaso ayokong makipagsapalaran doon dahil sadyang nakakatakot sa lugar na iyon lalo na kung ganitong pagabi na. Puro kakahuyan at makikitid na daan ang madadaanan mo doon. Nakakatakot lalo na kung mag-isa ka lang, may mga nagsasabing maaari ka raw iligaw ng kung sino man ang masagi mo doon, teka bakit tayo napunta sa horror? Ewan trip ko lang magkwento, kasi kinakabahan ako baka bigla na lang sumulpot si Adam sa harap ko, mas iyon ang kinatatakutan ko at baka himatayin pa ako sa pagkabigla.
Bago ako dumaan sa beach ay sisiguraduhin ko munang safe ang paligid dapat wala siya doon, dapat alisto ako. Hayyss ano ba itong ginagawa ko? Para akong kriminal na nagtatago sa pulis. Nanghiram pa ako ng sombrero at tuwalya sa pinsan ko para pang-disguise haha!
Ayan na nag-uumpisa na akong kabahan, malapit na ako sa gate ng beach. Habang naglalakad medyo nanginginig ang mga tuhod ko... kailangan mong maging matatag Eve, kaya mo iyan. Kinakausap ko ang sarili to lessen that scared feeling I had inside.
Halos hindi ako makahinga ng matapat sa gate ng beach. Mabuti naman at wala ang sasakyan niya. Binilisan ko ang paglalakad, halos lakad-takbo na ang ginagawa ko, hanggang sa makarating ako sa tapat ng gate namin. Thank God... Maya maya ay biglang may bumusina sa likuran ko "Ay palaka!" sa sobrang gulat at kaba ay muntik na akong matumba "Eve!" lumingon ako sa likuran, akala ko si Adam na. Nakita ko na lang na palapit na si Charlie sa akin. Ano naman kaya ang ginagawa ng isang ito dito, sabagay kasama niya si manong driver. Ayos din itong si kuya ah, spy din pala, now I know haha! "Oh! hi! Kamusta po, naligaw yata kayo Kapitan?" Inalis ko ang sombrero at towel ko bilang respeto kay Kapitan.
"Tara po sa loob" yaya ko dito baka makita pa ako ni Adam dito sa labas, mahirap na. "Nay, nandito po si Captain Charlie" sabi ko ng mabuksan ko ang pinto "Oh! Napasyal po kayo" sabi nito ng makalapit sa amin ni Charlie "Ahm gusto ko lang po kayong kamustahin at gusto ko po talaga ma- confirm kung saan po kayo nakatira" "Ah ganoon po ba? Nakakain na po ba kayo? Sumabay na kayo sa amin, oras na kasi ng hapunan ngayon" "Ah, nakakahiya naman po ma'am, okay lang po ako" " Naku! bawal tumanggi, sandali lang maghahanda na ako ng lamesa, Eve mag-usap muna kayo" tumango na ako kay nanay at nagtungo na ito sa lamesa, bago tinawag din ang tatay sa kwarto nila
"Pasensya na po kayo Captain, ganoon po talaga iyon kapag may bisita kami" hinging paumanhin ko dito "May pasalubong nga pala ako sa iyo" tinawagan niya ang driver. Hindi naman nakalock ang gate kaya sinabihan kong papasukin nalang niya si manong driver. May kumatok, kaya alam na namin kung sino. Sabay kaming tumayo ni charlie upang pagbuksan ang nasa pinto.
Nagulat ako pagkakita sa limang paper bags na dala ni manong driver "Para saan ang mga ito?" tanong ko sa kanya "Umpisa pa lang yan Eve" kumindat pa ito sa akin. Curious ako sa binitawan niyang mga salita, pero hindi ko na nilinaw pa ang mga bagay na iyon. Nilapag ni manong ang mga bitbit at nagpaalam na. Magsasalita na sana ako pero "Tara! kumain na tayo" tawag ni nanay sa amin.
Matapos magdasal ni nanay ay nag-umpisa na kaming kumain, "Pasensya na po kayo at tinolang manok lang po ang aming nakayanan" "Ayos lang po hindi naman ako maselan sa pagkain" "Mabuti naman kung ganoon" sabi ni nanay. Mabuti at magana siyang kumain, siempre si nanay pa ba? talangang wala ng makakatalo pa sa luto ni nanay. Ipinakilala namin si charlie kay tatay, kaya ngayon ay si tatay na ang nagsimula ng usapan "Taga-rito ka rin ba Captain?" "Masyado naman pong pormal sir, tawagin niyo nalang po ako sa pangalan, I'm Charlie Sebatian po" Aw sige, kung iyan ang gusto mo, walang problema" si tatay ay natutuwa sa asal nito "My father was from here and my mother was from Manila, dito po ako lumaki at nakatapos ng pag-aaral" umpisa niyang kwento "Dalawang kurso po ang aking natapos, pangarap ko rin po kasing maging isang Kapitan ng barko, but my father wants me to take up business course, first" ang galing! Baka naman ma inlove ka na dyan Eve ha, natawa ako sa mga iniisip "So meaning?" singit ko kasi medyo hindi ko naintindihan. "You see me as the Captain of the ship, but actually I'm a businessman, kapag na mimiss kong maglayag, ako muna ang in-charge, my family owns a shipping company too" sarap makinig sa kwento niya. Pati si nanay at tatay ay nanatiling tahimik at nakikinig lamang.
Natapos na kaming kumain at ngayon nga ay nasa sala na upang magkape. Naparami ang kain nila dahil sa kwentuhan. Ako naman ay konti lang ang nakain dahil mas gusto ko ang makinig sa mga kwento niya. Konting kwento na lang ang nangyari sa sala dahil may tumawag na naman kay Charlie, after the call ay inubos muna nito ang kape bago nagpaalam sa amin. "Sige po ma'am, sir, aalis na po ako pasensya na sa abala at marami pong salamat sa napakasarap na pagkain" sincere nitong sabi kay nanay at tatay ko "Naku! Wala iyon, masaya ang tahanang ito sa pagbisita mo" ang nanay, si tatay ay nanatili lamang na nakangiti at tumatango. "Eve, ihatid mo na si Charlie sa labas" "Opo nay" niyaya ko na siya palabas ng bahay. Nauna na akong lumabas kasi nagpasalamat pa siyang muli kanilla."Thanks Eve, for this night, I'm so happy that your parents were cool" nasa gate na kami ngayon. Pinaandar na ni manong driver ang sasakyan nila para ready to go na talaga. "Ganoon talaga sila sa pagtanggap sa mga bisita sa dito sa bahay" sabi ko "If I have another available time, can I come here again?" "Ikaw ang bahala..." "Okay bye and good night" lumapit ito sa akin and kiss my cheeks, nagulat man ay hindi ko na ipinahalata... "Goodnight..." pumasok na siya sa sakyan, pinagmamasdan ko ito hanggang sa mawala na sa aking paningin.
May narinig ako na isang malakas na pagsara ng pinto ng sasakyan sa aking likuran, kasabay niyon ay ang paglakas ng pintig ng puso. Napapikit ako, bakit ba ako nakalimot na mayroon nga pala akong problemang kinakaharap ngayon. Lumingon ako, syett siya nga! Omg! Patay! He was clenching his jaw. You can see through his eyes that he was totally enraged for what he saw earlier, nakita niya na hinalikan ako ni Charlie! Tatakbo na sana ako pabalik sa loob ng bahay ngunit nahawakan niya ang aking braso "Where are you goin' huh?" "Adam please let me go" mahina kong sabi at lumingon sa paligid. Wala ng tao sa labas, tahimik na, a typical probinsiya–ang mga tao ay maagang natutulog o kung hindi man ay nasa loob lang ng bahay ang mga ito pagsapit ng gabi. "We need to talk, you have to explain me everything Eve, everything and now!" syett ayokong mag-explain. Hangga't maaari ay ayaw ko na siyang makita pa o makausap man lang. Kailangan kong makatakas sa kanya. Iginiya niya ako patungo sa sasakyan, wala na akong nagawa dahil kung mag-aaway lang kami ay makakakuha lang kami ng atensyon. Nang makapasok na kami sa loob ng sasakyan ay mabilis niya itong pinasibad patungo sa beach, bahala na...