Jealous

1762 Words
Chapter 32 Napabalikwas ako ng bangon ng sa pagmulat ng aking mga mata ay maliwanag na. Hala! Ano'ng nangyari? Dali-dali akong bumaba, naabutan ko na nagkakape sina nanay at tatay. "Anak, mabuti at gising ka na, halika, kumain na tayo" si nanay. Ang tatay naman ay pasipol-sipol pa habang nagbabasa ng dyaryo. "Anak, nakatulog ka doon sa sasakyan ni Sir Adam ah" "Sir Adam?" kumunot ang noo ko sa pagtawag ni tatay dito ng "sir" "Ou, siya pala ang bagong may-ari ng beach" "Hindi ko rin alam tatay, akala ko guest lang siya doon" "Ngayon ko lang din nalaman anak, hindi rin kasi ako nakapagtanong sa mga kumpare ko doon sa baybay" nananatili ang atensyon ko kay tatay, hindi ako makapagsalita kasi ngayon ko lang napagtagni- tagni ang lahat. Kaya pala... naalala ko noong nasa gate ako, at oo nga pala! Nabanggit ni Alvin ang pangalan niya, nakalimutan ko. At kung bakit may susi siya doon sa kwarto ng hotel. "Nakakahiya nga kasi halos hindi ko siya papasukin dito sa bahay noong hinahanap ka niya" napakamot si tatay sa ulo niya. "Dumaan kasi ang Ate Carmela mo dito kahapon, nakita niyang galing ang boss niya rito sa bahay, kaya nagtanong kung ano daw ang ginagawa ng boss niya rito" kwento ni nanay "E, paano naman kasi anak, bakit ka nakatulog doon sa sasakyan niya?" tanong na naman ni tatay "Nag-uusap lang po kami, napagod po kasi ako sa byahe kaya hindi ko po namalayan na nakatulog na pala ako" sabi ko "Siya ang nagbuhat sa iyo, nakakahiya nga e, pero siya na lang daw magdadala sa iyo sa kuwarto mo, nakiusap naman" ang nanay "Paano kasi anak, baka magising ka kapag kinuha pa kita sa kanya" si tatay. Napayuko ako, guilty, kaya hindi makatingin sa mga magulang ko. "Anak, hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero kasi mayaman siya, hindi tayo mayaman, kaya hangga't maaari ay iwasan mo ang mga tulad nila" natigilan ako sa sinabi ni nanay. Maaaring nagka-idea na siya base sa mga ikinikilos ni Adam kahapon. Isa iyon sa masakit na katotohanan na alam kong sa bandang huli ay ako ang talo. Alam ko, na kahit kailan ay hindi siya magiging akin. Sobrang sakit ng katotohanang iyon na kayang durugin ang puso ko at pagkatao. Napakurap ako, nakaramdam ng pag-iinit sa sulok na aking mga mata. Yumuko ako upang itago iyon. Ang mga salita ni nanay ay kasing liwanag ng sikat ng araw, tumatagos sa kaibuturan ng aking puso. Tama siya, dapat akong lumayo kay Adam dahil sa agwat ng aming pamumuhay, napakasakit, nagkaroon na siya ng parte sa aking puso...mahal ko na siya. Kailangan ko siyang layuan pero paano? "Tama ang nanay mo Eve" nakikisimpatyang sabi ni tatay "Ayaw naming masaktan ka, masyado ka pang bata anak para sa ganyang bagay, hintayin mo ang tamang panahon" dugtong ni tatay. "T-tama po kayo" sabi ko habang nakayuko at hindi ko na napigilan ang aking luha sa pagtulo. Tumayo ang nanay, lumapit sa akin at niyakap ako, mas lalo pang tumulo ang luha ko. "Anak , nandito lang kami ng tatay mo pati mga kapatid mo kung may sasabihin ka handa kaming makinig" "Opo, salamat po" sabi ko habang humihikbi. Masaya ako na mayroon akong pamilyang masasandalan, pero sa ngayon ay hindi pa ako handa para ipagtapat sa kanila ang lahat. Kailangan ko pa na mag-ipon ng lakas ng loob. Maaga akong umakyat sa kwarto para makapagpahinga. Hindi ko maintindihan kung bakit tinatamad akong kumilos, gusto ko lang parati'ng nakahiga. Pero kapag nakahiga na ako ay hindi naman ako dalawin ng antok. Maya-maya ay narinig kong tumunog ang cellphone ko, as usual siya lang naman ang caller ko."Hello" napipilitan kong sabi, parang hindi ko feel na kausap siya ngayon, marami akong iniisip. "Hi love, how are you?" "Fine" maikling sagot ko. I heard him sigh "I don't like this feeling, it's awful...don't be like this love" hindi ako umimik kaya nagpatuloy siya "I am sorry about yesterday, I was just...jealous. I feel so insecure...you knew how I wanted to meet your parents and tell them about us, but you always refused. You wouldn't let me to take you home. But seeing you letting someone was not an ordinary to me. I was so excited to see you but when I learned about this someone–ah! f-ck!" hindi niya natuloy ang sasabihin, he sigh deeply, his voice was cracked and seemed to cry. Ganoon na pala ang mga naiisip niya, hindi ako aware na maaaring nahihirapan siya, hindi ko man lang isinaalang-alang ang damdamin niya at ngayon ay pinagpa- planuhan ko pa siyang iwanan, nasaan na ang puso ko... Isang mahabang sandali bago ko naisipang magsalita "Adam, what are you talking about?" pinipigilan ko ang mapahikbi dama ko ang paghihirap niya. "Eve, tell me, do you like this man?" maiiyak na talaga siya. Ang tagal kong na-absorb ang mga sinabi niya "What?!" Imbes na malapit na akong bumigay sa pag-iyak, konting konti na lang ay biglang nawala iyon. Tumawa ako ng malakas, bongga! to my heart's content. Napatigil siya sa kabilang linya, nagtataka siguro kung bakit ako tumatawa "Eve, it's not funny!" umiba ang boses niya medyo nahaluan ng inis dahil sa pagtawa ko. "Yes, you are funny, bakit naman ako magkakagusto doon e we've just met. Ganoon ba kababaw ang tingin mo sa akin huh?" nilambingan ko ang boses para aluin siya. Nagkakamali ito ng iniisip, kung alam lang niya ang mga iniisip ko, pero sa ngayon ay kinalimutan ko muna iyon para damayan siya at ng mabawasan ang mga pighating nararamdaman nito. "You mean you don't like this man?" "Grabe! Nagpahatid lang may gusto na agad? Though the man was hot–" pinutol niya ang mga sinasabi ko "Eve, stop! Don't mention it, I don't want to hear anything from him, I'm good now" "Oh! Okay Mr. Zoriaga" sabi ko, parang gusto ko siyang asarin ngayon. "Eve, promise me not to let anyone come near you, okay? I'm not always there to watch you, I am working for us, for our future" syett kinikilig na naman tuloy ako, ano ba. Nagkaayos kami ni Adam, nag-decide na muna akong huwag makipagkita sa kanya dahil pinagbawalan ako nila nanay. Palagi naman kaming nag-uusap sa phone, kuntento na ako sa ganito at ganoon din siya, lahat ng gusto ko sinusunod niya, nagiging bossy na ako haha! Ilang araw na lang at birthday ko na, hindi ko sinabi kay Adam kasi gusto kong gawing surprise ang lahat. Alam ko sa puso ko na hihintayin niya talaga ako, kaya naggpaka- busy siya sa kumpanya nila, for the future. "Love, what are you doing?" bungad niya, sobrang tuwa ang naramdaman ko ng marinig ang boses niya. "I'm here at my room, just want to take a nap" "Did I disturb you?" "No, not really, why?" "I miss you... can I meet you today?" hayys nagtatalon ang puso ko sa tuwa kaso... "I don't think my parents would allow me" I heard him sigh "I never imagined things would be this complicated than before. You are right, I should have never shown myself to them, see, this is what I've got" Regrets? Ito sana ang gusto kong sabihin pero hindi ko sinabi "That's okay, if you want, we can meet at your beach...Ahm, Adam they knew already that you were the owner, why you didn't told me from the start that you were the owner, don't you trust me?" malungkot kong sabi "No! I mean, I trust you, don't say that I don't" Lakas makatanggi "Let's meet at your beach–" "Eve, I'm sorry, I will tell you soon but after the renovations" "Okay, but anyway it doesn't matter to me, let's meet" "Yes!" Nagpaalam ako kanila nanay na bibili lang ng tuyo sa baybay, tutal hapon na rin naman at maganda manood ng sunset. Pero sa totoo lang nagki-crave talaga ako sa tuyo. Bigla nga akong naglaway ng mabanggit ang tuyo e, tapos may maanghang na sinamakan, pijo! marami akong makakain nito! Inagahan ko ang pag-alis, gusto ko rin naman kasi na makipag-kwentuhan kay Ate Carmela. Naglalakad na ako ng may humintong sasakyan sa harapan ko. May lumabas sa backseat niyon, very familiar to me, si Kristin, ano ang ginagawa niya rito? "Gusto kang makausap ni Tita Amalia" parang familiar din ang pangalan, saan ko ba iyon narinig? Sumama ako sa kanya, mommy pala ni Adam ang sinasabi ni Kris, kinabahan ako, ano kaya ang kailangan niya sa akin? "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, hindi kita gusto para sa aking anak, hindi ka nababagay sa kanya" hindi ako umimik, mommy ito ni Adam dapat behave lang ako. Hinayaan ko lang siya, nakayuko lang ako, naiisip ko ang mga kasalanan ko sa magulang, I feel so guilty. "Kristin was perfect for him, noon pa man, naipagkasundo na sila" doon ako tumuwid ng upo, tumingin kay Kris. "Hangga't maaga pa layuan mo ang anak ko, hindi kayo bagay–" hindi ko na napigilan ang sarili ko "Sa palagay niyo po ba papayag si Adam na hiwalayan ako?" hindi siya naka-imik sa sinabi ko. "Well name your price, layuan mo lang ang anak ko!" namilog ang mga mata nito sa akin "Hindi ko po kailangan ang pera niyo" mahinahon kong sabi "Everything has a price, mahal ko ang anak ko kaya ginagawa ko ito" ako po ba tinanong niyo kung mahal ko rin si Adam...pero hindi ko masabi iyon, sino ba naman ako para sa kanila, isang hamak na ordinaryong tao lamang. Yumuko ako, namumuo ang mga luha sa sulok ng aking mga mata, nagbabadya na itong pumatak kung hindi ko pipigilan. I tried so hard to not let the tears fall down. Hindi ko pwedeng ipakita sa mga taong ito na mahina ako. So I raise my chin up, I blink a lot to bring back the tears. "Maaaring mawala ang lahat sa kanya kung sa isang tulad mo lang siya babagsak! At hindi ko hahayaang mangyari iyon!" parang may kaaway ito kung magsalita. Ako ba? Nang ma-absord ng utak ko ang mga sinabi niya ay bigla akong natakot, hindi ko rin hahayaan na mangyari iyon kay Adam. "Ku-kung hihiwalayan ko po ba si Adam, magiging maayos ang lahat?" sa sinabi kong iyon ay nagkatinginan ang dalawa "Madali ka naman pala'ng kausap–" "Hindi ko po ito gagawin para sa inyo, gagawin ko po ito para kay Adam" paglilinaw ko. Napatitig sa akin ang mommy ni Adam, napayuko ako baka makita niya ang misty eyes ko. "Kahit po masakit sa akin, kaya kong magsakripisyo...gagawin ko para sa kanya...para sa ikabubuti niya..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD