Overprotective

1516 Words
Chapter 31 Hindi na nagpakita pa si Charlie ng umagang iyon, so I consider na hindi naman siya seryoso sa mga sinabi niya sa akin. Naghahanda na kami sa pagbaba dahil nakadaong na ang barko sa pantalan. "Miss Eve Claro?" may lumapit na babaeng crew ng barko "Pinapatawag po kayo ni Captain" lumingon ako kay nanay at tumango naman ito sa akin "Sige" "Sumunod po kayo sa akin" sabi nito at nauna ng maglakad sa akin. Tinatahak namin ang daan papunta sa canteen, pero doon kami sa restaurant pumasok, ang sa canteen kasi ay pangkalahatan ang serbisyo at ang restaurant sa tabi nito ay private. Kahapon lang ay nakatanaw ako dito pero ngayon ay nasa loob na ako nito. Iginiya ako ng crew sa isa sa mga lamesa doon, ipinaghila pa ako ng upuan, nakakahiya naman, ngumiti ako at tumango sa kanya bilang pasasalamat. Maya-maya ay nakita ko na ang paparating na Kapitan. "Good afternoon Eve" nakangiting bati nito. Ang bango niya bagong ligo, naka-polo shirt na puti at grey pants with black belt and black leather shoes. Naghugis puso yata ang mga mata ko waah. Bakit ba ang lalaki kapag ganito ang suot, makalaglag panga. Oh please! Someone help me, ayokong mamangka sa dalawang ilog huhu "Did I pass to your standards?" sabi niya habang nakangisi "Haa?" tumawa siya ng nakakaloko at umiiling -iling pa. "Do you want to eat?" "No, Busog pa ako, bakit mo pala ako pinatawag?" pinatigas ko ang tinig, para alisin ang pagiging distracted ko sa presensya niya at iyong porma niya, grabeh, nakakapagpabilis ng t***k ng puso. "Actually, I want to take you home but something's came up, so I asked my driver to drive you home" paliwanag niya "Oh no, wala po kayong dapat alalahanin sa amin at saka kaya naman namin ni nanay na umuwi sa bahay" sabi ko "Nah, gusto ko lang bumawi kasi napagkamalan kitang...you know" yumuko siya saglit at hinilot ang sintido, hindi niya mabanggit ang salitang whore... na ako na ang nagdugtong sa isipan ko. "It's okay, wala iyon" sabi ko habang umiiling "No, please Eve, hindi ako mapapanatag, pumayag ka na" sabi nito habang pinagsasalikop ang mga palad at nagmamakaawa. Ang cute niya, kulang na lang ay pakpak, mukhang anghel na siya. Nasa kotse na kami ngayon ni nanay, naipaliwanag ko na ang tungkol sa paghahatid ng driver ni Charlie sa amin. Pumayag na din ito para hindi na kami mapagod magpalipat- lipat ng sasakyan kung magco-commute. Wala kasing deretsong ceres papunta sa amin, kailangan pang pumunta muna sa Central ng San Nicolas at doon na sasakay ng jeep papunta sa amin. Almost one hour lang ang biyahe, hindi nga yata kami aabutin ng forty minutes, dahil mabilis magmaneho ang driver ni Charlie. Papasok na kami sa Bangga Baybay, marami ang napapatingin sa amin, tinted ang salamin ng kotse kaya hindi kami kita sa loob. Magara rin kasi ang kotse ni Captain kaya nakakakuha ng atensiyon. "Manong dyan na lang po sa maroon na gate" sabi ko. Tumigil ang sasakyan sa tapat ng gate namin. Sabado ngayon kaya ang tatay ay nakaabang na sa labas ng gate. Lumabas na ang nanay ng kotse, ang tatay at manong driver ay pinagtulungang buhatin ang mga bitbit namin na maleta. Narinig ko ang pagtunog ng cellphone ni manong driver. "Sir! Opo, nandito na po kami ngayon sa bahay nila, ahh opo nandito po, sandali lang po, Ma'm Eve, kakausapin daw po kayo ni sir" sabi nito habang inaabot ang phone sa akin. Lumayo na si manong matapos na maibigay ang phone sa akin. "Hello?" "Eve, kamusta? Okay na kayo?" sabi ng nasa kabilang linya "Yup! thanks po sa service" "It's nothing, basta ikaw" tumawa ito ng sexy, hmmn? "Okay sige, hindi na kita aabalahin, huwag mo akong kalimutan na tawagan kung nay kailangan ka ha, I'm just one call away" naalala ko ang calling card na binigay niya. Sinilid ko na iyon sa loob ng wallet ko. Bukod sa Kapitan ng barko ay businessman pa ito. Kaya talagang bigtime si Captain. "Ano po ito manong?" nagtaka ako kasi may paper bag itong inaabot sa akin ng binalik ko ang phone niya. Pinabibigay po ni sir iyan ma'm" "Naku, manong hindi ko po matatanggap ang mga iyan" sabi ko kay manong driver "Inutos lang po sa akin ni sir ma'm na ibigay ang mga iyan sa inyo" sabi nito "Pakitawagan nga po ulit manong" "Pasensya na po ma'm kasalukuyan pong nasa meeting si sir" "Ahh, ganoon po ba?" nag-effort lang pala siya na maisingit ang tawag sa akin "Opo" wala na akong nagawa kaya kinuha ko nalang ang mga paper bag. Lumapit ang tatay sa akin "Anak, nasabi ng nanay mo na may manliligaw kang Kapitan ng barko. Naks! Bilib na talaga ako sa lahi natin! Pati Kapitan naaakit" tumawa pa ito ng malakas. Kabaliktaran ng tatay ang nanay, masayahin ito at ang nanay naman ay seryoso. Ngumiti ako sa sinabi niya "Malapit na pala ang birthday mo anak, seventeen ka na, at isang taon na lang at Disi-otso ka na, sigurado palaging may pila dito sa atin, pero dadaan muna sila sa akin" nag-akto pa siya na parang sumusuntok kaya natawa ako at umiling iling "Mukhang mayaman ang masusungkit mo anak, noong nakaraan may nagpunta rin dito at de kotse rin ah" napaisip ito at tumingin sa akin "Kumusta na pala iyon?" baka si Adam ang tinutukoy niya "Sino po?" "Iyong isa, bet ko sana, biro mo pabalik-balik dito sa bahay, parang maiiyak na nga" Hayys si Adam talaga, na miss ko tuloy, nasaan na kaya iyon? Speaking of the devil and the devil comes, ayun siya nakahinto, five meters away from our house. Kanina pa kaya siya? Inabot ko kay tatay ang mga paper bags na hawak ko "Ano ito anak?" Inalis ko ang tingin kay Adam at nilingon ang tatay "Hindi ko rin po alam 'tay, bigay lang po ni Captain" "Captain? Ang manliligaw mo?" "Hindi naman po siya nanliligaw, nakilala ko lang po siya sa barko, siya po ang Kapitan ng barko na sinakyan namin" hindi ko masabi na kaya may mga natatanggap ako kay Charlie kasi ito ang "peace offering" niya sa pagkakamali at napagkamalan akong "w***e" sa barko. "Ahh, sige akala ko manliligaw mo na" sabay kamot sa ulo niya, natawa ako, akala ni tatay makakasungkit na ako ng mayaman. "Pero galante siya ha, mga branded ang mga tatak ng mga ito o" sabay taas ng mga paper bags" ngumiti lang ako, ayaw kong umasa si tatay na magkakaroon ako ng mga mayayamang manliligaw. "Tatay, saglit lang po ha may kakausapin lang po ako" hinayon ko ang sasakyan ni Adam, sinundan ng tatay ang tinitingnan ko. "Okay, pero huwag kang magtatagal anak ha" at pumasok na ito sa loob. Sa tono ni tatay ay nagpapaalala, na kailangan kong sundin kasi magbabantay siya. Naalala ko rin ang sinabi ng nanay sa barko. Feeling ko magiging overprotective na sila sa akin. Nadala na siguro sa nangyari sa mga kapatid ko. Hahakbang na sana ako patungo sa kanya ng marinig ko na tumunog ang phone ko. Alam kong siya lang naman ang tatawag sa akin "Yes?" huminto ako sa paghakbang at tumingin sa kinaroroonan niya. Narinig ko ang buntong hininga nya "Who brought you home?" iyon agad ang bungad niya "Ah iyon? Nakilala lang namin ni nanay sa barko" "Was it a man?" tanong niya "Why? Does it matter?" ano na naman kaya ang problema nito "I don't want someone hovering at you, Eve" "What's this? An interrogation?" "No, it's just that, I hate seeing someone getting your attention" I sigh at bago pa ako mainis ay dahan-dahan akong tumalikod sa kanya at naglakad na lang pabalik sa bahay namin. "Wait! Where are you going?" "I don't have time for arguments, I want to rest, I'm tired" "Let's have a talk first" sabi niya "Maybe some other time" tinatamad kong sabi, at itinuloy na ang paglalakad "No Eve, stop please" naramdaman ko ang takot sa boses niya. Huminto ako sa paghakbang ngunit hindi ko siya nilingon. Narinig ko na lang ang paghinto ng sasakyan sa likod ko. "Get in" sabi niya. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at pinatay ang phone. "Hindi ako pwedeng magtagal, naghihintay sila nanay" agad na sabi ko pagkapasok sa loob ng sasakyan niya, para na rin hindi kami magtagal, inaantok na ako. Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Gusto na lalong pumikit ng mata ko ng mapasandal ako sa kanyang dibdib. Somehow, It's giving me a comfortable feeling within his hugs. Iniyakap ko rin ang mga braso ko sa kanya. Hinalikan niya ang aking noo "I love you...I always do" napapikit ako habang yakap siya. "Love, do you want to know how I feel at this moment?" "I'm really sleepy...can't it be wait?" Naramdaman ko ang mahihinang pagtapik niya sa likod ko. At hinalikan niyang muli ang noo ko. Masuyo niyang hinagod ang aking buhok. "Okay..." pagkasabi niyon ay hindi ko na namalayan ang mga pangyayari. Mabilis na parang may humila ng aking kamalayan at na-imagine ko pa na may nagdadala sa akin patungo sa aking higaan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD