Chapter 26
It's almost twelve o'clock, his car has already park right in front of our gate. We made love for an hour and I couldn't believe I can make it home. I have to, even though I still feel the pain, I don't want my parents to be worry. "Eve, I will talk to your parents" he said. "Not now please, I'm not yet ready for this" sabi ko "What if you get pregnant?" he ask in a low voice "We are not sure about that" I tried not to look scared in front of him, so I raise my chin while saying that. But the truth is I am afraid, the thought of me getting pregnant makes my knees shiver.
He kissed me on my lips before I went out of his car. We have decided to wait for the right time to tell my parents about it. I push our gate and it opened, my parent's did not locked it because they knew that I'm going home late. Our main door was locked but I have my own key. My parents were cool, they put all their trust at me. And now what have I done? Oh Lord please, I hope it wasn't a mistake to give myself to Adam, I love him now already...
I'm on my room now, I make sure not to create any noise that will disturb my parents from sleeping. The phone's vibrating, he is calling now and I don't know why my tears began to fall. It was a sudden feeling that engulf my heart, I think he trully cares for me, but no, I'm really sorry Adam, I am not ready for a married life. I take a deep breath and compose myself, I won' t allow my emotions to overcome me. He must not know that there was something wrong about me. He might get worried and come back here immediately. "Yes Adam?" he sigh as he heard my voice "Are you alright? How are you feeling right now?" he said with concern "I'm fine, no worry, I really want to sleep right now" I said while yawning "Okay, I just want to hear your voice before I go to sleep too" "Yeah, have a nice sleep then" I said "I love you" I'm speechless, he say those words again "Okay, bye!" that's all I said "Bye" then I tap the end call.
Hindi na ako pumunta sa school tutal hindi naman ako incomplete. I sleep the whole day, no one disturb me. "Eve, tumawag ang Tito Ed mo, pinapupunta tayo sa kanila sa Manila" masayang balita sa akin ni nanay "Bakit daw po 'nay" tanong ko "Doon ka na daw magbakasyon, makipag-bonding ka daw sa mga pinsan mo" sagot ni nanay. Natutuwa ako sa reaksyon na nakikita ko ngayon sa mukha nito, matagal na kasing hindi nakikita ang kapatid kaya ito na ang pagkakataon para sa reunion nila. Ayaw kong maging panira, agad akong pumayag ng sabihin iyon ng nanay. Kailangan ko din siguro ang bakasyon na ito para makapag-isip.
After 3 days ay may ticket na kami sa barko waah, hindi rin excited ang nanay ano. "Adel, mag- iingat kayo doon ha" paalala ni tatay. Kasalukuyan kaming nasa hapag kainan ngayon at kumakain ng hapunan. Tumango lang si nanay, hindi talaga showy ang nanay pagdating kay tatay, mabuti nalang at kabaliktaran ang tatay, masyado itong pilyo kay nanay hehe! Nakabakasyon na rin naman ang nanay sa daycare. After a month pa bago sila magreport sa school dahil sa enrollment.
Matapos kumain ay umakyat na ako sa aking kwarto. I check the phone if there's any call or text from Adam. Anxiety attack! Warning! Hayyss kung anu- ano na talagang kalokohan ang pumapasok sa utak ko. Wala man lang siyang paramdam, nakakalungkot din pala but anyway, I don't mind, mabuti nga walang makulit. Nag-ayos nalang ako ng mga gamit at damit na dadalhin ko at inilagay iyon sa travelling bag na binili namin ni nanay kahapon. Pinaghandaan talaga namin ni nanay ang pag-alis. Hindi ko naman kailangang magdala ng maraming damit. Apat na pares ng pambahay at tatlong pang-alis, dalawang pantulog at siempre mga panloob plus towel. Nagtatalo ang isip ko kung dadalhin ko ba ang phone o hindi.
Seven a.m ang biyahe ng barko, two hours before the ship's departure dapat ay nandoon na. Nasa pier na kami sa Siudad ng San Nicolas na siyang pinakamaunlad at sentro ng probinsiya sa Western Visayas. Maraming pasahero kasi bakasyon na. "Mag- iingat kayong dalawa doon ha, tatawagan ko kayo araw-araw" sabi ni tatay "Opo!"masigla kong sagot, niyakap ko ito at hinalikan naman niya ang aking noo. Hinalikan naman ni tatay ang nanay sa pisngi at lips, smack lang "Carlito! Ano ba, nakakahiya" tinampal ni nanay ang mukha nito. Si tatay naman ay tawa lang ng tawa. Nainis si nanay kaya kinurot ito sa tagiliran "Aray! Tama na haha!" hayys dito pa talaga, hinuli ni tatay ang kamay nito at hinalikan waahh haha! Tawa ako ng tawa sa kanila. Ewan, baka magkaroon pa ng bunso, hehe!
Mainit at masikip, iyon ang discription ko sa Manila. Maraming mga bahay at dikit-dikit ang mga ito. Pagbaba namin sa barko ay maraming nagtitinda ng mga pasalubong. Maraming tao ang nagkalat sa paligid, mga pasahero, tagasundo at mga driver na naghahanap ng mga pasaherong makokontrata. May nakita akong mga taxi na nakapila kaya doon kami pumunta ni nanay. Nagpahatid kami sa address na ibinigay ni Tito Ed. Sobrang traffic naman pala dito sa Manila, halos magkakadikit na ang mga sasakyan. Pero maganda ang mga nadadaanan namin, namamangha ako lalo na sa mga kalsada na matataas at sa mga naglalakihang mga building kumpara sa probinsiya namin.
Pumarada sa harap ng bahay nila Tito Ed ang taxi "Ate Adel!" sigaw ni Tito ng makita ang nanay, Nakita kong medyo kumislap ang mga mata nito ng makita niya ang nanay "Ed! Kumusta!" Nagyakap ang dalawa "Ayos naman ate, tayo na sa loob ng bahay" lumapit ako kay tito at nagmano "Ito na ba si Eve? Ang laki mo na at ang gandang bata" sabi nito at ginulo pa ang buhok ko, pagkatapos ay iginiya kami nito papasok ng bahay niya. "Ate Adel!" tili ng isang babae na lumabas ng kusina, nagsalubong ang dalawa at nagbeso "Eve? Ikaw na ba iyan? Ang laki na pala ng inaanak ko" na- gets ko naman na ito ang Tita Doreen, hindi ko na siya masyadong natandaan dahil nga maliit pa ako noong pumunta kami ng nanay dito sa kanila. Nagmano ako kay Tita, humalik naman ito sa pisngi ko at niyakap ako ng mahigpit. Pagkatapos akong lamugin este! halik-halikan ay binitiwan na rin ako sa wakas, akala ko ay madudurog na ako, nanggigil yata sa akin.
Nasa sala din ang mga pinsan ko na anak nina tito at tita. Tatlo din sila tulad namin, Si Ate Elaine ang panganay, si Kuya Drake ang sumunod at si Laila ang bunso. Matanda ako ng isang taon dito. Niyaya ako ni Laila sa silid niya, habang si nanay naman ay tumuloy sa guest room upang ayusin ang mga gamit namin. "Mahilig ka din ba sa Arts ate Eve? I mean magdrawing?" tanong nito sa akin "Oo naman" sabi ko "Wow! Pareho pala tayo!" natutuwang sabi nito "Tingnan mo ang mga collections ko" inisa-isa nito sa akin ang mga iginuhit. Nakakatuwa kasi nakatagpo ko ang kadugo ko na mahilig din sa Arts. Hindi na nga lang ako active ngayon pero marami din akong collections na naitabi ko sa aking silid sa bahay. Bihira nalang akong gumuhit ngayon, hindi kagaya noong nasa elementarya ako, madalas akong gumuhit at gumawa ng tula.
"Eve! Laila! Labas na kayo kakain na tayo" ang nanay ang kumatok at pagkasabi noon ay umalis na ito. Nakahanda na ang mesa paglabas namin. "Ate anong year na ni Eve sa high school?" tanong ni tito "Fourth year na siya ngayong pasukan" sagot ni nanay "Dito mo nalang siya pag-aralin ngayong pasukan" suggest ni tito. Tumingin sa akin si nanay. "Pag-iisipan ko, kakausapin ko muna si Carlito" saad ni nanay "Malalaki na kasi ang mga bata, mag-aasawa ng nga itong si Elaine" sabi ni Tita Doreen, lumungkot ang boses "Mama, don't be sad, dadalaw naman ako ng madalas dito" natatawang sabi ni Ate Elaine. Masasabi kong marangya ang pamumuhay nila Tito Ed, graduate na ang dalawang anak niya. Si Ate Elaine ay dalawang taon ng nagtatrabaho sa bangko, ayon sa kwento ni tita at si Kuya Drake naman ay may trabaho na rin sa isang sikat na construction firm, Engineer ito at si Laila ay nasa ikalawang taon sa high school, ito na lamang ang nag-aaral.
Matapos kumain ay pumasok na muna kami ni nanay sa kwarto at nagpahinga. Linggo pala ngayon may kanya kanyang lakad ang mga pinsan ko. Ang tiyo ko ay magpapahinga rin daw at ang tita naman ay may pinuntahan. Nakatulog ako, pagkagising ko ay madilim na, wala na rin ang nanay sa tabi ko. Inayos ko muna ang sarili bago lumabas ng kwarto. Naabutan kong naghahanda ng hapunan sina nanay at tita. "Eve may naghahanap daw sa iyo doon, Adam daw ang pangalan, kaklase mo ba iyon?" kinabahan ako pagkabanggit ni nanay sa pangalan niya "Ha? Hindi po" ayoko magsinungaling huhu "Ahh akala ko may naiwan ka pang gawain sa school" sabi ng nanay "Wala na po, baka sa council po iyon" sana hindi na mag-usisa pa si nanay.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para mag-almusal "Anak, may mga tahiin ang Tita Doreen mo, tutulong tayo sa kanya" sabi ng nanay sa akin "Opo nanay" marunong naman akong manahi kahit papaano, tinuruan ako ng nanay noon. "Maglalagay lang tayo ng mga butones at sequence" "Sige po" masaya akong tumango, mabuti na rin para may gawin kami ng nanay, mananahi pala ang tita.
Timing ang pagpunta namin dito kasi maraming nakontrata si tita. Halos isang linggo na ang lumipas na hindi ko namamalayan "Tatawag daw ang tatay mo. Napatango ako ng sabihin iyon ni nanay. Miss ko na rin ang tatay, siya lang ba ang na- miss mo? Sumagi sa isip ko si Adam, kamusta na kaya siya? Iniwan ko kasi ang phone, kaya wala na akong balita sa kanya.
Tumunog ang phone ni nanay "Carlito, si Eve? Nandito siya, sandali lang" dahil narinig ko ang pangalan ay napatingin ako kay nanay "Ang tatay mo" inabot nito sa akin ang phone "Tatay?!" masigla kong tawag dito "Eve! Kamusta na ang bunso ko?" "Okay lang po, ikaw 'tay? Hindi ka po ba nalulungkot?" tanong ko "Nalulungkot siempre, wala kayo ng nanay mo" "Ayiie, tatay miss na ang nanay" tukso ko rito, tumawa naman ang nasa kabilang linya "Nay, si tatay miss ka na daw" tumingin ako kay nanay, nakita ko namang ngumiti ito "Ikaw talaga Eve" si nanay na umiiling pa "Bunso maiba ako, may naghahanap sa iyo dito, Adam daw ang pangalan niya, sino ba iyon? Mukhang mayaman ah" napatigil ako sa pagbibiro kay tatay "Baka sa school lang iyan 'tay" giit ko dito "Hindi e, mapilit, tinatanong kung nasaan ka" sabi ng tatay "Hala! Ano po ang sinabi niyo sa kanya?" nag- uumpisa ng kumabog ang dibdib ko "Sabi ko umalis kayo ng nanay mo nasa Maynila para magbakasyon" "Ahh, hayaan niyo na po siya tatay, sa council po iyon, hindi po ako nakapagpaalam na aalis" sabi ko "Ganoon ba? Nandito kasi siya, kakausapin ka daw" biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok, Oh no! I'm dead!