Chapter 58 Kinurap ko ang aking mga mata, baka sakaling maglaho siya. Sinubukan ko pang kurutin ang sarili kasi baka hindi siya totoo. Napatingin ako kay Kris, hindi na rin ito gumagalaw at tulala na rin sa lalaking nasa harapan namin. "Adam?" banggit ni Nic sa pangalan nito. "You mean...Ah ikaw na ba iyan?" Tumingin ito saglit kay best at tumango bago muling binalik ang tingin sa akin. "What are you doing?" Bakit ano ba sa tingin niya ang ginagawa ko rito? Mukha ba akong naglalaro lang? Inisnab ko nga. "Bro, you're here, this is Eve" si Theo, humarap si Adam sa kanya. "Back.off" "What?" nagtataka ito sa inasal ng kaharap. "Bro, bakit ba mainit ang ulo mo? Doon ka na lang kaya sa table natin" "I said back.off" madiin na sabi matiim na nakikitig dito. "Fine, Eve–" tumingin ako dito. "B

