Chapter 57 "Sama ako!" tumingin si Nic sa akin. "Dito ka na lang muna. Anyway, Theo thank you for this" kinuha nito ang flute at sinabayan ito ni Kris. Straight nilang ininom at tumayo na. Hawak-kamay pa ang dalawa patungo sa dancefloor. "Mukhang mababait ang mga kaibigan mo" nakalingon din ito sa dalawa habang nagsasalita. "Yeah, narito nga sila para damayan ako" "Why? What happened?" tumingin ako dito at alanganing ngumiti. "I should not be telling you and besides kakakilala lang natin right?" "Oh sorry nevermind" itinaas pa nito ang kamay at ikinumpas, gesturing na kalimutan na lang ang tanong niya. "Ngayon ko lang kayo nakita dito. Madalas kasi akong magpunta sa bar na ito, kaya ko nasabi" "Yes it's my first time here at Miner's Field. Nagbabakasyon lang ako dito sa probins

