Chapter 56 Sabay kaming napatayo ni Kris ng marinig namin ang boses na iyon. Hinanap namin ang pinanggalingan at nanlaki ang mga mata ko ng makita si Nic. Agad kaming lumapit ni Kris dito at may pananabik na niyakap ang aking bff. Hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha sa pagtulo. Lumayo ako ng konti at pinagmasdan ang mukha nito. Tumutulo na rin ang mga luha sa kanyang mga pisngi at banayad siyang humikbi. "Ang daya niyo. Eve lalo ka na, ang daya mo" umiyak na ito ng tuluyan at humagulgol pa. Gayundin din si Kris umiyak na rin. We are carried away by our emotions na natulog sa aming dibdib seven years ago. Pinaghalong lungkot at saya ang aming nararamdaman ngayon. Ang kalungkutan dahil sa nakaraan at saya dahil sa muli naming pagkikita. "Marami tayong pag-uusapan, magtapat kay

