Chapter 48 "Cade!" Tawag ko dito, napalakas ang boses ko ng makita ko itong may kausap na lalaki. Nakatalikod sa akin kaya hindi ko makita ang mukha nito. Dahil sa lakas ng pagkakatawag ko dito ay sabay silang lumingon sa akin. Pormal manamit ang lalaki at may hawak na pipa. "Mommy?!" Nakita kong bumaba sa duyan ang anak ko at tumakbo palapit sa akin. "Bakit hindi ka nagpaalam sa akin ha? Nag-alala tuloy ako, akala ko nawawala ka na" "Sorry po" "Huwag mo ng uulitin iyon ha? Sobra akong kinabahan" "Opo" Niyakap ko ito, napatingin sa lalaking kausap ni Cade kanina. Palapit na ito sa amin at nakangiti habang hawak ang pipa nito at humihithit doon. "You looked familiar, have we met?" Sabi nito ng alisin ang pipa sa bibig at hawak nalang nito iyon. Tantiya ko ay nasa late fifties

