Chapter 49 Pinayagan ko si Cade na manatili sa kanyang lolo, babalikan ko na lang siya mamaya. Nag-usap kami ni Daddy Rus na sa amin na lang muna ang mga bagay na ito. Pumayag na rin ako na tawagin siyang daddy. Naisip kong bumalik sa tindahan para ipaalam kay ate na nakita ko na si Cade. Habang naglalakad ay naiisip ko pa rin ang mga napag-usapan namin ni Daddy Rus. Naramdaman ko na lang na bumangga ako sa isang matigas na bulto. Kung hindi niya ako naagapan ay baka na tumilapon na ako sa buhanginan. "I'm s-sorry" pagtingala ko dito ay para akong natuklaw ng ahas. Halos takasan na ako ng dugo sa buo kong katawan at nakaramdam ng panlalamig. Huli ko ng namalayan na hindi na pala ako humihinga. Napasinghap ako ng malakas dahil doon. "Watch your every step, not everytime you fall there

