The Agenda

1511 Words
Chapter 5 Malapit na ang Valentine's Day. For me napakalaking event nito kasi sa gabi rin na iyon ay magaganap ang JS Prom namin. Nag-meeting ang lahat ng officers and members ng Student Council ng school upang ma-organize ng maayos ang event at mga activities na gagawin sa araw na iyon. And since I am one of the officer ay napasama ako. Actually tatlo kami, kasama ko ang mga bff (best friend forever) kong sina Monica at Kristin. Nandito kami ngayon sa function room where the meeting was held. "Okay everyone listen, alam niyo na siguro kung para saan ang meeting na ito. A big event is coming and I want everything to be organized. We will be having a visitors coming from San Nicolas University" everyone gasp at kasama na ako roon. Parang ngayon lang yata kami magkakaroon ng mga bisita na galing sa famous school na iyon. Nagkaroon ng bulong-bulungan kaya nag create iyon ng ingay sa loob ng room "Quiet!!" Saway ni Mr. Manuel Krisologo, our beloved principal. Tumahimik naman ang lahat at muli nang nagsalita si sir "Yes, you heard it right. Magkakaroon tayo ng mga bisita and make sure to brief all the students with their actions and make sure they will behave properly, okay" patuloy ng principal. Hindi kami pwedeng sumingit basta-basta, hindi niya pa kasi kami binibigyan ng chance na magtanong. Hintayin ko nalang iyong question and answer portion. "Here's the agenda. Number one, an activity booth. Secretaries, make sure to write down the minutes" Huminto ito saglit sa pagsasalita upang paalalahanan ang mga secretary "Yes sir!" Mabuti nalang hindi ako secretary nakakapagod kaya ang magsulat "Okay, I want every year level to have their own booth that was related to Valentine's Day" our principal paused as he look at his watch. "Mag-usap usap kayo ngayon. I'll give you ten to fifteen minutes. Your time starts now!" Hala! Agad-agad? "Ano kaya ang maganda?" Sabi ng presidente namin, si Alejandro or Ali for short. "Marami dapat tayong pagpipilian pres kasi pangatlo pa tayo sa tatawagin. Baka may katulad sa kanila ang mapili natin" paalala ko kay pres. "Yeah right" sabi nito sabay kindat sa akin. Deadma nalang ako. "Pres, how about a kissing booth?" Sabi ni Nic "No way!" Sabay-sabay kaming tumutol nila Kristin at ibang girls officers sa suggestion ba iyon ni Nicky tsk.tsk. naughty talaga. "Gusto ko iyan!" Sabay tingin sa akin ni pres. Damuhong 'to! Akala ba niya papayag ako sa gusto niya! No.way. Nagbabaga na ang tingin ko kay pres. Bakit feeling ko type ako nito. Sorry siya wala pa sa isip ko ang love na iyan. Kapag niligawan ako nito, basted agad siya. "Bakit hindi nalang marriage booth?" Suggest ni Kristin. Kumalma ang nerves ko sa sinabi ni Kris. "Yeah, agree pa ako diyan kesa sa kissing booth na iyan!" Teka ano ba ang pinaglalaban ko? Para akong si Gabriela Silang, kulang nalang itak! "Bakit galit?" Tumaas ang kilay ni Nicky sa akin. Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig sa tanong na iyon ni bff Nicky ko. Kinagat ko nalang ang ibabang labi ko, malakas pa naman ang radar ng witch friend ko na ito. "Okay let's have a vote, those in favor of kissing booth kindly raise your hand" sabi ng magaling namin na presidente. Aba't ang bruhang Nicky talagang nagtaas pa ng kamay grrr. Tiningnan ko siya ng masama pero ngumisi lang ito sa akin. Mabuti nalang at tatlo lang silang nagtaas ng kamay. "Okay, I guess we've lost . Marriage booth won" kahit hindi na kami magtaas ng kamay ay sigurado ang panalo kasi sampu kami sa lamesa. Nag high-five kami ni Kristin. Narinig namin na may pumalakpak ng dalawang beses kaya napalingon kaming lahat doon."Everyone, let's begin. I want to hear first from you, freshman" si principal na nagmamadali, may lakad yata. Tumayo ang presidente nila. Anyway, bawat year level ay may kanya- kanyang table kaya lahat kami ay nakatutok lahat sa table ng mga freshman. "Sir, since mga bata pa naman po kami, naisip nalang po namin na photo booth para may pic souvenir or remembrance ang mga students na pupunta. "Ah okay, good, take it down secretaries, next from second year?" Tumayo ang presidente nila "Sir greeting booth nalang po ang naisip namin. Kami po ang magpi-play ng mga requested love songs , greetings and love notes ng mga students. Magiging mga DJ kami!" Natutuwa naman ako sa suggestion niya. "Okay na okay!" Sabi ni principal K. "Third year?" Lumingon ito sa amin at tumayo naman si Ali "Sir marriage booth po kami, lahat po ng gustong magpatali, itatali po namin!" natawa ang lahat sa sinabi ni Ali. "Pwede, pero make sure na walang mag-aaway ha?" Paalala nito "Noted po sir" sagot ni Ali "Good. Okay last Fourth year?" tumayo naman ang presidente nila "Sir, siempre hindi kumpleto ang Valentines kung wala po ang gifts and souvenirs, isama na po namin ang mga flowers" ang galing nila! "Very good, noted na ba lahat secretaries?" tanong nito sa mga secretary "Opo sir!" Kawawa naman mga secretaries puro iyon lang ang script nila dito, joke lang! Sa totoo lang mahirap ang mga gawain nila, kaya to all secretaries, a big salute! "Agenda number two, Funds for the activities, magkakaroon tayo ng tickets for the said event, kayo ang mamahagi sa mga students of your year level or you can give it to the treasurer of each section. Make sure to fed him/her the necessary information before you entrust the ticket, okay?" Ang haba ng instruction niya sa amin, sabagay pera na kasi pinag-uusapan dito. "Opo sir!" We said in unison. Nagpatuloy siya "The ticket will serve it's purpose, iyan ang magiging entrance nila sa gate plus may additional ticket pa tayo para sa mga booth ninyo. Sana maraming dumalo. Mandatory ang ticket na ibibigay sa mga students para siguradong makadalo sila. Each ticket will cost fifty pesos and sa ticket booth naman ay twenty pesos. Please encourage all the students to participate. Para maipakita natin sa mga bisita na active ang school natin sa mga activities and events." " Lastly" hays salamat naman patapos na rin, inaantok na ako sa meeting na ito. "Agenda number three, Of course may mga giveaways tayo. Tulad ng mga candies, sandwich and bottled water." hays mabuti nalang tapos na. "May pahabol pa pala" ngek! Akala ko tapos na. May inabot sa kanya ang isang teacher. "I see. Agenda number four, Junior Senior Promenade. Ticket will costs 350, I hope everybody can come. Make some announcement about the prom and should be written in cartolina's or in manila paper or in the bulletin board. It will start at six pm until eleven pm. Ang mga bisita natin ay a-attend din sa prom. Kasama sila sa pagpili ng mananalong "King and Queen of the Prom" plus ang mga votes din ng mga students na sasali." Ang haba na talaga ng pinag-uusapan. "Attire is formal, girls may wear gowns or any dresses but formal and boys is suit, three piece or amerikana suit will do. Wear your best attire kasi may award din ang pinaka-best ang suot. And most of all magbibigay ako ng parent's consent, kailangan ang permiso ng magulang that's a protocol, is it clear?" "Yes sir!" sabay-sabay naming sabi. Mabuti naman at maganda ang intention ng meeting na ito sana maging successful "Exempted na kayong mga officers and members ng Student Council sa programa ng prom, dahil ang mga teachers of PEHM department na daw ang bahalang mag-assign ng mga isasali sa program lalo na sa cotillion. All you have to do is to make sure that the students behave properly may mga bisita tayo at mag-o observe sila" Haist! kapag officer ka nga naman, maraming nakaatang na responsibilities. Goodluck nalang sa Prom Night. Nagawa namin ng maayos ang agenda. Gumawa kami ng mga announcements sa cartolina at manila paper, dinikit ang mga iyon sa gate and buildings ng mga Juniors at Seniors. Marami na ang nakakaalam ngayon sa mangyayaring event. Naririnig ko na ang pag-uusap ng bawat estudyanteng madadaanan ko. Naipamahagi na rin ang mga ticket, kailangang maubos ang mga iyon para maging fund namin. Magastos kasi ang event na ito. Maraming props ang gagamitin at hindi dapat magtipid kasi may mga bisita pa na darating galing sa ibang school, dapat bongga. Kailangang maipakita namin sa kanila ang best namin pagdating sa ganitong mga pagtitipon para mapili nila ang school namin sa pagbibigyan nila ng scholarship. Lalo na para makatulong doon sa mga estudyanteng hindi kayang paaralin ng mga magulang ngunit may matataas na marka sa academics at kung maaari ay pwede pa nila itong ipasok sa San Nicolas University. Naging busy ang buong Student Council. Halos sa event nalang na iyon nakatutok ang aming atensiyon. May cause naman kaya worthy na paghirapan ito. After class, diretso agad kami sa conference hall. Doon kami gumagawa ng mga props at mga letterings na gagamitin sa event at activities. Tulong-tulong talaga kami, lahat ay may cooperation para sa school namin at para sa future ng mga estudyanteng nag-aaral dito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD