Marriage Booth

1525 Words
Chapter 6 "Eve, may escort ka na ba sa prom?" Tanong ni Pres Ali "No need pres, okay lang naman kahit wala akong escort nandyan naman mga friends ko" tumingin ako sa kanya ng nakataas ang kilay. Sumali naman ang bff Nicky ko. "Actually, pres pangalawa ka na sa nagtanong diyan. Kung bakit naman kasi sa akin walang nagtatanong at baka ako pa ang magyaya" lumaki ang mata ko sa sinabi niya "Wow! Tingnan mo nga naman itong bestie ko" lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Thank you ha, salamat sa lahat ng suporta at pagmamahal mo sa akin hinding-hindi kita makakalimutan. Pagod ka na siguro sa pagiging bestie ko, pwede ka ng magpahinga" sarcastic kong sabi sa kanya "Oh! may sinabi ba ako? wala naman di ba?" Inirapan ko nga siya. Natawa naman si Kris sa amin. "Ang cute niyo, sarap pagkukurutin niyang mga mukha n'yo, pakurot nga" aakto sana si Ali sa pagkurot pero sinamaan ko siya ng tingin "Ah nevermind" sabi nito na binaba ang kamay. Natawa ang buong grupo na nasa lamesa sa mga kalokohan namin."Pero siempre iba pa rin kapag may escort hehe!" nag peace sign sa akin si Nicky, alam niyang maiinis na naman ako. Sa totoo lang tama naman si bestie. Sadyang malalagyan ng kulay ang iyong prom kung may kasama kang escort. Big deal daw iyon sabi nila "Ikaw Kris may escort ka na ba?" tanong ng escort namin sa council, Si Julian. Nagkatinginan kaming tatlo. Kung kagwapuhan din lang ang pag-uusapan hindi rin pahuhuli ang isang ito. Plus the kilig factor ay maputi rin ito at baby face pa kaya nga siya ang nanalong escort e. Napayuko naman si Kris at tumikhim "Ahm baka ang Kuya Mateo ko nalang" sagot nito "Talaga?!" Ako iyon napalakas yata ang boses ko dahil napatingin sila sa akin. "Excited?!" sabi ni Nic na nakangisi pa sa akin. Yari ako baka isipin na nga nito na may crush ako kay Kuya Mateo "Ah! ibig kong sabihin Wow! Mabuti naman kung ganoon" Palusot ko para matigil na ang mapaghinalang tingin na ipinupukol nito sa akin. "Ah okay, akala ko wala pa, at least I tried my luck" nahimigan ko ang lungkot sa boses ni Julian, naawa tuloy ako. "What if si Monica nalang Julian?" Sa sinabi ko ay parehas silang napatingin sa akin. Si Julian na mukhang shock at si Nicky na may pagtatanong sa mga mata "What? May mali ba sa sinabi ko?" Ako pa rin, bakit ba hindi sila nagsasalita? Ano puro ako nalang ba! Sandaling nag-isip si Julian, wow ha! Pinag-iisipan pa talaga? "Okay kung hindi pwede si Kris, pwede ba na ikaw nalang Monica?" Waaahh this is it! "Aiyiiieee" sabay pa kami ni Kris sa pagtukso kay Monica. Yeah, alam namin ang sekreto what friend's are for kung hindi namin alam na matagal ng may crush dito si Nick. Lumapit ako dito at bumulong "For you bestie...magsa-sacrifice ako okay lang magsolo flight sa prom, basta ba si Julian ang escort mo" Nagyakap kaming dalawa "Congrats... I'm happy for you friend" lumapit din si Kris sa amin at yumakap. "I'm glad I rejected him" bulong din nito "Thank you" bulong ni Nicky. Ano ito bulungan portion? "Ahem!" naghiwalay kaming tatlo. Napalingon kay Pres Ali "And since walang escort si Eve, please nakiki-usap ako pumayag ka na" pagsusumamo nito. Nakataas pa ang dalawang kamay na magkasalikop na animo'y naghihintay na masagot ang panalangin. "Para fair Eve ma friend pumayag ka na" udyok pa ni Nicky na ipinatong pa sa balikat ko ang isang siko "I second the motion" tinaas naman ni Kris ang kamay bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Nic. Nagkatinginan ang dalawa bago sabay na tumingin sa akin ng nakangisi. Napapayag nila ako sa huli, no choice na talaga majority wins. Halos lahat ng officer ay sumang-ayon na rin, 'langya! akalain mo iyon mga nakikinig pala. Isang linggo ang matuling lumipas... "Congrats everyone!" Masayang bati ni Mr. Principal, nagpatawag ulit ito ng meeting for some reminders. "Nagawa ninyo and for that after this event ay bibigyan ko kayo ng break" nagkatinginan kami sa isa't isa. Ano daw? "Magkakaroon tayo ng outing, all of us who participated and work hard to make this event possible. Iyon nga lang kailangan na naman natin ng parent's consent okay?" Paliwanag ni Mr. K "Woooooohh!!" Everybody cheered at ang iba naman sa sobrang excitement ay pahampas na pinalo ang mesa na parang drum. Itinaas ni Mr. Krisologo ang kamay to stop everyone from making noise "Anyway, let's not focus on that one yet, tapusin muna natin itong event na ito. One at a time lang. Don't forget our motivation and organized the activities properly" Three days to go Valentines Day na. Lahat ng mga estudyante sa school ay makikitaan mo ng kasabikan at kasiyahan. Puro maririnig mo sa paligid na pinag-uusapan ang tungkol sa darating na okasyon. Pumayag naman si Mr. Krisologo the principal na magtayo na kami ng mga booth at tent sa field. "Okay guys, red ang motiff natin kasi third year tayo" si pres "Sino magpapanggap na pari?" tanong ni Nicky "Ikaw nalang Jack" sabi ni pres, tumango naman si Jack. "Eve, tayong dalawa ang mag-iinvite doon sa mga magrerequest sa atin kung sino ang gusto nilang maging better half ha?" Napatingin ako sa kanya, bakit ako? "I mean kung kanino nila gustong matali kakausapin natin at paliliwanagan na be a sport lang...pero kung ayaw talaga wala tayong magagawa" Parang nag-aalangan pa ito sa pagsasabi sa akin. Napatango nalang ako para matapos na kami. "The rest kayo ang magiging bride's maid, si Monica ang maid of honor at si Julian ang best man" "Copy press!" Everyone agreed and happy sa mga role na gaganapan. Nang matapos na naming gawin ang tent ay umuwi na rin kami upang magpahinga dahil bukas na ang Valentine's Day. Ready na ang lahat... I take a deep breath while staring at my red dress makes me more exciting. Sa kulay nito ay lalong lalabas ang pagiging maputi ko. Red lace cocktail dress midi, short sleeves at lagpas tuhod, ito ang napili kong isuot sa prom. Mahilig kasi talaga ako sa lace, pagdating sa damit ito ang weakness ko. Simple lang ang tabas at hindi gaanong bongga pero pormal na klase ng damit. Ang sandals ko naman ay 2 inch heels gold ankle strap. Mamayang gabi ay masusuot na kita.Maaga akong nagising, 8 am pa naman ang start ng Valentine program sa school. Uniform lang ang suot namin pero may mga props na gagamitin para sa mga role na gaganapan. Hindi naman kami kasali ni Ali sa kasal-kasalan na iyan. Kami lang ang taga negotiate kung sakaling may magrequest kung sino ang gusto nilang matali sa kanila. Papakiusapan namin na makilahok and be a sport. Pagdating namin sa school ni Nicky ay diretso na agad kami sa tent. Sunod-sunod na ring nagsidatingan ang mga officer. Handang-handa na kami magsisimula na ang program. "Eve, dito tayo" tawag ni Ali "Aiyyyiee" kantiyaw nila sa amin "Kaya pala pres hindi mo pinasali si Eve sa entourage kasi may plano ka ha" pang aasar ni Jack kay Ali. "Ano daw? ano'ng plano?" di ko na gets ang sinabi ni Jack. "Huwag mo'ng intindihin iyan Eve, inggit lang iyan" sabi niya. So deadma nalang ako. "Dapat bestie kayo muna ni pres ang unang ikasal para gawing model" si Nicky. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya "E kung kayo kaya muna ni Julian ang mauna" ganting balik ko sa kanya. Nagkatinginan silang dalawa ni Julian. Pero sabay ding iniwas ang tingin pagkatapos at lumayo pa ng konti sa isa't isa. Oh well, akala mo ba bestie maiisahan mo ini. No.no.no "Get ready guys, mukhang may magpapakasal agad" si pres, dali-dali namang nagsipwesto ang lahat. Si Kristin ang naatasang magrecord ng mga ikakasal a.k.a the secretary at kunwari ay pipirma ang bagong kasal doon sa record book niya. Ang list din na iyon ang magtatala kung magkano ang kinita namin sa marriage booth. May desk kaming nilagay malapit sa pintuan ng booth. "Hello, good morning Ali" nagpacute pa si girl kay pres. Sa totoo lang gwapo din naman si Alejandro. Matangkad at matalino, nasa higher section ito. Nasa akin yata ang problema kasi hindi ako tinatablan ng mga pagpapa cute niya sa akin, parang may kulang. Mabuti nalang hindi siya nanliligaw kung hindi'y...waaahh assuming na agad ako wala pa nga haha! "Yes Anne?" Hinarap ito ni Ali "Pwede ka ba?" Sabi nito "Na...Ano?" "Ikaw sana ang gusto ko, gusto kong maikasal sa iyo" sabi nito "Aiyyiee" "Wooohh" naging maingay sa booth namin dahil sa sinabi nung Anne, nasa iisang year level lang kami baka classmate ni pres kilala niya e. Tumingin sa akin si pres "Bakit?" Takang tanong ko, hala! wala sa akin ang sa sagot, gosh! "Ah pasensya na Anne, hindi ako pwede" tanggi nito "Ganoon ba?" Nagkaroon ng lungkot ang masaya nitong boses kanina. "Ali–" magsasalita sana ako pero pinutol iyon ni Ali "Anne, hanap ka nalang ng iba hindi talaga ako pwede I'm in-charge here" paliwanag nito "Oo nga pala nakalimutan ko, sorry pres" nagpaalam na ito at agad umalis. Naku naman! buena mano sana iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD